Ilang araw na ba? Tatagal pa ba ako?
Paulit-ulit kong tanong sa isip habang pinagmamasdan ang katawan kong halos hindi ko na maigalaw sa dami ng bugbug na natamo ko mula kay Louie at sa kasama niya.
Bawat araw na nananatili ako sa madilim at mabahong silid na ito lalo akong nawawalan ng pag-asang makita si Brent.
Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa bandang leeg ko sanhi ng marka ni Brent. Ayaw ko man tanggapin pero pakiramdam ko itong sakit na ito ang unti-unting papatay sa katawan ko. Tila may isang patalim na unti-unting hinihiwa ang bawat himaymay ng aking balat.
Gustong-gusto ko ng bumigay pero sa tuwing naiisip ko na baka hinahanap ako ng Brent nagkakaroon ako ng bagong pag-asa.
Tumunog ang kadenang bakal na nagsisilbing lock ng aking silid kaya napabaling ako dito.
"Aw ang kalunos-lunos na itsura ng Luna ng White Stone." Ngumisi si Louie at nagsimulang humakbang patungo sa akin. "Hindi na pala kailangang saktan ka namin araw-araw. Look at you."
"Wala kang puso." Puno ng pait na sabi ko. "Hindi ka nararapat maging pinsan ni Brent. Walang kabutihang nakatago diyan sa budhi mo."
"At sinong mabait? Yong mate mong si Brent?" Tumawa si Louie ng malakas. "Akala ko ba totoong mahal ka niya. Ni hindi nga siya nag aksayahang hanapin ka."
Natigilan ako. "H-Hinahanap niya ako. H-Hindi niya ako p-pababayaan." Mahinang sabi ko. Nararamdaman ko hinahanap ako ni Brent.
"Talaga?" nanunuyang tanong ni Louie habang may dinudukot sa bulsa. "Eh ano to?"
Sinundan ko ng tingin ang isang bagay na nahulog mula sa bulsa niya. Kahit na nanghihina pinilit kong lumapit sa bagay na yon.
May kung anong bumara sa lalamuman ko ng tumambad sa paningin ko ng makita si Brent sa picture. May kayakap itong babae at kilalang-kilala ko ito.
Si Brena.
Pero magkaibigan lang sila. Alam kong sinisiraan lamang ni Louie ang pinsan niya. Hindi magagawa ni Brent ang magtaksil sa akin.
"Hindi mo ako mauuto sa simpleng larawan na yan. Magkababata sila ni Brena."
"Talaga? Eh ito gawain din ba ito ng magkababata?"
Napaawang ang labi ko ng tumambad sa akin ang ilan pang picture ni Brent kasama si Brena. Nanginginig ang daliring dinampot ko ang ilan sa mga iyon. Magkatabi sa kama at parahong walang saplot sa katawan.
Biglang nanlambot ang tuhod ko. Paano nagawa sa akin ni Brent ang bagay na yon? Ako ang mate niya. Ako ang inilaan para sa kanya. Hindi ba't inalok niya ako ng kasal?
Nag-uunahan sa pagpatak ang luha ko. Gusto ko mang itanggi ang sinasabi ni Louie pero nagsusumigaw sa harap ko ang katotohanan.
"See, mate ka lang niya. Ano ba naman ang magagawa mo eh isang hamak na tao ka lang naman. Wala kang magagawa kong talagang si Brena ang gusto niya. Andiyan na si Brena bago ka pa dumating."
Natutop ko ang bibig ko at impit na napahagulgol. Mahal ako ni Brent. Sabi niya mahal niya ako at nagtiwala ako sa kanya.
"Wag ka ng umasang magkikita kayo ni Brent. Hindi nga siya nag e effort na hanapin ka. Nagpapakasaya siya ngayon don sa babae niya,sa kababata niya. At isa pa kung hanapin ka man niya ay dahil yon sa ikaw ang kanyang mate. Babagsak ang kanyang pack kapag nawalan siya ng Luna. Hindi ba nila na explain sayo na hindi niya pwedeng i reject ang kanyang mate dahil iyon ang ikakabagsak ang kanyang pack." Natatawang turan ng kaharap ko.
BINABASA MO ANG
Alpha's Mate
WerewolfI was left dumbfounded after he let go my lips. "I just thought you don't believe in love at first sight, so i kissed you. Maybe love at first kiss will do." Naningkit ang mata ko. For almost twenty years kung preniserved ang lips ko para sa future...