Chapter 27

8.5K 192 17
                                    

Ilang beses akong napabuntong hininga at nagpalakad-lakad sa tapat ng pinto ng office ni Brent. Kinagat ko ang labi ko at mariing pumikit.

Kailangan ko siyang makausap. Kahit ngayon lang.

Tatlong beses akong kumatok.

"Come in."

Napalunok ako at agad kinabahan ng marinig ang baritonong boses ni Brent. Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago ako nag disisyong pumasok.

Natigil sa pagtatawanan sina Brent at Brena ng mapatingin sa akin.

"Oh hi Sandy. Nice to see to see you again."

Tipid akong ngumiti kay Brena bago bumaling kay Brent. "Can we talk?"

"Sure." Pinagsalikop ni Brent ang kamay at humarap sa akin. "Anong pag-uusapan natin?"

Natigilan ako.

Mataman akong pinakatitigan ni Brent bago muling  nagsalita. "Okay Sandy, what brought you here."

Napatingin ako kay Brena. "I need to talk to you, alone." Pinaka diinan ko ang salitang "alone" dahil di yata naintindihan ni Brena ang ibig kong sabihin.

"Pwede tayong mag-usap kahit narito si Brena.  Anyway importante ba ang sasabihin mo. You see busy ako at marami akong gagawin."

Para akong sinampal sa sagot ni Brent. Busy? Kasama ba sa busy-busyhan niya ang pakikipagtawanan kay Brena.  Naningkit ang mata ko sa galit. "Ang gusto ko makausap ka. Yong ikaw lang.  Kung ayaw mo  naman dahil busy ka di huwag."

Nagmartsa ako palabas ng office niya. Bumaba ako at lumabas ng pack house. Tinawag ako ni Mesty at Nathan pero hindi ko sila pinansin. Naglakad-lakad ako at nagtuloy-tuloy sa gubat.

Nag ngingitngit ang dibdib ko sa galit.

"I will kill him." sigaw ni Anso sa isip ko. "Palabasin mo ako, papatayin ko ang malanding yon."

"Sino don sa dalawa?" Asar na tanong ko.

"Yong babaeng umagaw sa mate natin."

Napairap ako. "Hindi ako maghahabol sa lalaking yon no never." Humihikbing sabi ko. Parang may kung anong tumarak sa dibdib ko. Ito na ba yong sinasabi ni Brent na wala na akong babalikan pag alis ko dito sa Hellmount? Pinalis ko ang luha ko. Kasalanan ko ba na nagselos ako sa nakita ko?

"Anong ginagawa mo dito sa gubat Luna?"

Naningkit ang mata ko ng lingunin ko si Ricky. "Tigilan mo ako sa pagtawag ng Luna na yan. Hindi nyo ako Luna."

Napipilan si Ricky tila nanibago sa timbre ng boses ko. "Hindi ligtas dito sa gubat. Mabuti pang ihatid na kita pauwi."

Umiling ako. "Huwag mo na lang ako pauwiinKaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko."

"Pero hindi pa......" Biglang naging alerto si Ricky at tila nakiramdam sa paligid.

Napakunot-noo ako. Tila may kakaiba nga sa paligid. Yong amoy na yon.

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon