Chapter 23

3.9K 107 0
                                    

Sandy

Dahan-dahan kong iminulat ko ang aking mata at hirap na inilibot ang paningin. Madilim ang kwartong kinaroroonan ko. Nakaramdam ako ng takot ng maramdaman ko ang lubid sa bandang pulsuhan ko. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Walang masakit maliban sa mark ni Brent sa leeg ko kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

"Nasan ako."

"Mabuti naman at nagising ka na."

Pilit kong hinagilap kung sino ang nagsalita.

"S-Sino ka." Bigla ang pagbugso ng kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko nanunot sa buong katawan ko ang lamig na hatid ng buong-buong tinig na iyon. Tila ito nanggagaling sa ilalim ng lupa na nagdudulot ng ibayong takot sa aking pagkatao. "Sino ka, anong kailangan mo sa akin?"

Biglang bumukas ang ilaw at tumambad sa akin ang isang lalaking may mga matang lubog at matatalim kung tumingin.

"Wala akong kailangan sayo pero sa mate mo meron."

Muli, ibig kong panlamigan ng katawan sa lamig ng boses niya.

"Si Brent?"

Nakita ko ang pag ngisi niya. "Oo, malaki ang atraso niya sa akin. Kundi dahil sa kanya, buhay pa sana ang kapatid ko. Pinatay niya ang kapatid ko."

Lihim akong napalunok. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila. Alam kong mabait si Brent. At hindi siya papatay ng basta-basta. Hindi niya magagawang pumatay ng inosente.

"Kung sa kanya ka may kailangan, anong ginagawa ko dito?"

"Dahil alam kung sa pamamagitan mo makakaganti ako sa kanya. Pababagsakin ko ang kanyang Pack."

Kinidnap nya ako dahil iniisip nyang hahanapin ako ni Brent. Pero galit sa akin si Brent. Baka ngayon iniisip niya na iniwan ko na siya ng walang paalam.

Bumukas ang pinto at pumasok si Louie.

"Nalaman na ba nila?"

Nakanunot ang noo ni Louie habang nakatitig sa akin.

"Its been two days Robert. Mukhang walang balak hanapin ng Alpha ng White Stone ang kanyang mate."

Lihim akong nakaramdam ng kirot sa puso ko ng marinig ko ang pahayag ni Louie. Paano ako hahanapin ni Brent? Baka isipin niya na bumalik na ako ng Manila ng hindi nagpapa alam sa kanya. Hindi ko sure kung may nakakita sa akin ng kunin ako ni Louie. Baka sa ngayon galit na galit na sa akin si Brent sa ginawa kong pag-alis

O kung alam na ni Brent na nawawala ako. Hahanapin niya kaya ako? Pilit kong kinalma ang aking sarili. Alam kung hahanapin ako ni Brent. Mahalaga ako sa kanya at nararamdaman ko yon. Hindi nga ba't inalok niya ako ng kasal.

"Na tinaggihan mo," piping sumbat ng isip ko.

Mariin akong napapikit. Paano pala kung pinaglalaruan lang ako ni Brent at hindi niya talaga ako gusto. Baka sa galit niya hindi niya ako hanapin. ,

Humingi ako ng malalim at hinarap ang dalawa. "P-papano kung hindi ako hanapin ni Brent."

Nagkatinginan ang dalawa, bago nagawang sumagot ni Louie.

"Imposibleng hindi ka niya hanapin. A pack with Alpha without Luna was impossible to survive."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Louie kasabay ng pangamba ko para sa kaligtasan ni Brent.

"Moon Goddess. Hindi ko alam kung pakikinggan mo ako dahil hindi ako katulad ng mga nilikha mo. Pero sana'y gabayan mo si Brent sa mga hakbang na gagawin niya," piping hiling ko.

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon