"Blood transfusion?" Naguguluhang ulit ni Nathan. "Anong kasiguruhan na mabubuhay si ate sa ganoong proseso?" Bakas sa mukha niya ang pagod at sobrang pag-aalala para sa kapatid.
"Walang kasiguraduhan Nathan. Pero kailangan nating subukan. Nasubukan na natin lahat pero wala pa ring epekto sa kanya. Myllicus ang gamot na itinurok sa kanya para patulugin ang kanyang wolf. Ayon sa research ko, ginagamit yon para sa mga hybrid lang kaya sa kaso ng ate mo hindi tatalab ang kahit anong gamot sa kanya para mabuhay. Hindi magagawang lumaban ng ate mo kung hindi gising ang kanyang wolf." Seryosong paliwanag ni Brena habang inihahanda ang gagamitin. "Pagsasamahin natin ang dugo nyo ni Brent at ipapainom sa ate mo."
"Paano kung hindi tumalab. Ano ang mangyayari sa pamangkin ko?" Naiiyak na tanong ng tiyahin ni Sandy.
Umiling si Brena. "Sa totoo lang hindi ko din po alam."
Napahagulgol matanda na kaagad namang niyakap ni Nathan.
"Yon lang ba ang kailangan."
Nilingon ni Brena ang dating Luna ng White Stone na kanina pa nakikinig sa kanila kasama sina Mesty na umiiyak na din.
"Dasal Luna. Kailangang samahan natin ng dasal ang prosesong ito. Dahil pare-pareho lamang tayong umaasa ng positive result para kay Sandy. Manalangin tayong makipag cooperate satin ang wolf niya."
"Gawin na natin." Puno ng kaseryosohan ang tinig ni Brent habang nakatitig sa walang malay na katawan ni Sandy.
Unang hiniwa ni Brent ang gitnang palad at ipinatak sa naroong lalagyan ang dugo na tumulo mula rito. Ginaya siya ni Nathan at pinatulo din ang dugo sa parehong lalagyan na ginamit niya. Kinuha iyon ni Brena at inilapit sa bibig ni Sandy.
*****
Sandy"Wala ka bang balak magparamdam sa kanila?"
Buhat sa pagkakahiga ay nilingon ko ang wolf ko sa isip ko. Nanghihina man ay nagawa ko siyang irapan.
"Bumangon ka na para maramdaman nilang okay ka."
Hindi ko matandaan kung kailan ko sya unang nakita pero pamilyar siya sa akin. Parang parte na talaga siya ng pagkatao ko. Parte na siya ng isip ko.
Ang huli kong natatandaan sinabi niya sa aking nagising siya mula sa mahabang pagtulog. Ewan ko ba kung anong sinasabi niya.
Saka ilang araw niya ng eneexplain sa akin na isa akong she-wolf na hindi ko alam kung paanong nangyari yon. At ngayon ko lang nalaman kong ano ang ibig sabihin ng weird na pangalan niya. Anso. Ansokulit niya.
"Please bumangon ka na gusto kong makilala ang mate natin. Nararamdaman ko nag-aalala siya para sa atin." Pagmamaka awa ni Anso.
"Tumigil ka nga malanding wolf. Ayaw ko ng makita ang malanding lalaking yon." Napahikbi ako ng maalala ko ang larawang ipinakita sa akin ni Louie. Sobrang sakit at hirap na tanggapin na habang nasa panganib ako naroon siya sa babaeng yon at nakikipag landian sa iba.
"Bakit di mo siya kausapin. Tanungin mo muna siya bago mo siya husgahan."
"Anong itatanong ko sa kanya 'hoy Brent nakipag t****t t****t ka ba kay Brena' ganon."
"Tanungin mo lang kung ano yong totoo shunga."
Napasimangot ako. "Tanungin? Para ano para magkaroon siya ng pagkakataong tumanggi kitang-kita ng dalawa kong mata."
"Ewan ko sayo basta kailangan mo ng magising."
Tinalikuran ko siya. "Bakit ikaw sabi mo natulog ka ng ilang taon. Bakit ako hindi pwede."
BINABASA MO ANG
Alpha's Mate
WerewolfI was left dumbfounded after he let go my lips. "I just thought you don't believe in love at first sight, so i kissed you. Maybe love at first kiss will do." Naningkit ang mata ko. For almost twenty years kung preniserved ang lips ko para sa future...