Nakatungo ako habang kumakain. Hindi dahil sa wala akong gustong kausapin. Sadyang nahihiya lamang ako sa kanila dahil alam nyo na yong sa "ligaw thing". Grabe nakakahiya talaga. Kung hindi lang talaga ako kinaladkad ni Mesty para kumain, magkukulong ako sa silid buong maghapon.
Sinilip ko sa gilid ng mata ko si Brent normal naman sya kumilos. Inaasikaso niya pa din ako sa pagkain saka pasulyap-sulyap sya sa akin. Me sasabihin ba sya?
"Ahmm Sandy."
Napa-angat ako ng tingin at tumingin sa kanya. Parang nag-aalangan sya magsalita. Napansin kong tila naghihintay din ang mga naka paligid sa amin sa anumang sasabihin niya.
"M-may gagawin ka ba?"
Umiling ako. "W-wala n-naman, bakit?"
"Gusto mo bang sumama sa akin?"
Napakurap ako. Saan naman kaya kami pupunta? Nilibot ko ang paningin ko. Nakangiti si Mesty habang tila naghihintay sa sagot ko ang mga kasalo namin sa mesa.
Nag-iwas ako ng tingin kay Brent na ngayon ay nakatitig sakin. "May gagawin ako," simpleng sagot ko.
Napatingin ako kay Erick ng biglang mahulog ang kanyang tinidor. Pansin ko rin parang pinagpapawisan sya. Napakunot-noo ako lalo na ng makita na tila natatawa sina Lenard, Van at Jeff. May nililihim ba sila? Ako ba ang pinagtatawanan nila? Seryoso naman si Jonathan saka si Ricky pati yong iba naming kasama maliban nga lang don sa mga kasama din naming babae na mukhang natatawa din. Anong meron?
Tumayo bigla si Brent at lumingon kay Erick. Agad namang sumunod si Erick. Nagtatakang sinundan ko sila ng tingin.
"Anong meron?" Baling ko kay Lenard.
Tumawa sya. "Mukhang may titimbuwang ngayong araw."
"Bakit?" Naguguluhang tanong ko.
"Kasi Luna pick up line sana yong tanong ni Alpha. Idea yon ni Erick na tanungin ka ni Alpha kung gusto mo sumama sa kanya. Dapat ang sinagot mo "Saan" kaso iba ang sinagot mo." Natatawang explain ni Jeff.
Napanganga ako. What? Pick up line pala yon?
"Ano ba dapat ang sagot ko?"
"Saan?" Sabay-sabay nilang sagot.
Napataas ang kilay ko. "Tapos?"
"Sasagot si Alpha ng "sa pagtanda", tapos ayon kikiligin ka dapat." Sagot ni Van.
Natigilan ako. Parang ayaw ko na ng ligaw thing na yan imagine mapipilitan pa syang sabihin ang mga ka cornihan na yon para lang iplease ko sya. Mukhang wala naman sa vocabulary niya ang panliligaw.
"So Idadaan niya ako sa pick up line. Sorry pero hindi ako pick up girl."
"Ano ka ba girl okay lang yon." Ngumiti si Mesty. Parang nawalan na ako ng ganang kumain kaya tumayo na ako.
"Excuse me."
Dumeritso ako sa office ni Brent at walang katok katok akong pumasok. Hindi na ako na shock ng makita kong binubugbog ni Brent si Erick. Pasaway talaga to.
Nilapitan ko si Erick at itinayo. "Sige na ako ng bahala sa kanya." Nagpahid siya ng dugo sa gilid ng labi. Bago tumayo at lumabas ng silid.
Hinarap ko si Brent ng maka alis si Erick. Humalukipkip ako at sumandal sa pader. "Hobby mo na ba talaga ang mambugbog? Sa tuwing hindi mo nagugustuhan ang ginagawa nila, nananakit ka." Sermon ko. Syempre masama ang loob ko, di naman niya kailangang manakit palagi.
BINABASA MO ANG
Alpha's Mate
WerewolfI was left dumbfounded after he let go my lips. "I just thought you don't believe in love at first sight, so i kissed you. Maybe love at first kiss will do." Naningkit ang mata ko. For almost twenty years kung preniserved ang lips ko para sa future...