Chapter 7

4.9K 176 4
                                    

Mesty

"Sweetypie, kailan mo balak sabihin kay Sandy yong tungkol sa atin at sa pagiging mate nila ni Alpha?"

Napatingin ako kay sweetypie na abala sa paghihiwa ng sibuyas. Cook namin sya ngayon, believe me sobrang sarap nya magluto. Teka me tinatanong nga pala sya sa akin. "Di ko alam kung paano ko sisimulan sweetypie eh."

"Madali lang Mesty. Kapag kaharap mo sya. Try mo lamang ibuka yang bibig mo."

Binato ni Kris si Van ng patatas. Ayon sapol sa mukha. "Umayos ka nga. Wag ka ng sumagot kung wala kang matinong sasabihin."

"Bakit? sumagot lamang naman ako sa tanong ni Mesty ah." Hinimas ni Van ang noong tinamaan ng patatas.

"Siraulo. Hoy Jonathan saan ba nakakabili ng katalinuhan. Ituro mo nga kay Van ng magkalaman ang utak nyan."

Napatingin kami kay Jonathan na kumakain ng sandwich.

"Hindi yon nabibili. Parang tinatanim yon." Turan nya sabay kagat sa sandwich.

Lihim akong napa-iling. Bakit ba ganito ito kapag kausap. Seryoso lagi. Tapos si Van at si Kris wala ng ginawa kundi magbangayan.

"Magsitigil nga kayong dalawa. Pag di kayo nanahimik pag-uuntugin ko kayo."

Napalingon ako kay sweetypie ng pagalitan ang dalawa. Nakakunot-noo sya at halatang naiirita na sa dalawa.

"Sa tingin mo matatanggap kaya niya ang pagiging Luna lalo na si Alpha."

Nginitian ko si Clarisse. "Yan din ang hiling ko Clarisse. Pero kasi hindi ko rin sigurado eh. Ayaw kong lumayo ang loob nya sa akin kapag pinilit ko siya. Baka udyukan niya ako na layuan si sweetypie. Matigas pa naman ang loob non."

Isa pa si Sandy ang pinoproblema ko. Napapansin kasi namin ang ginagawa niyang pag-iwas kay Brent nitong mga nakaraang araw. Hindi ko rin alam kong anong ayaw nya kay Brent. Gwapo naman yong tao, mas mukha pa nga yong commercial model kesa kay sweetypie eh. May pagkaseloso nga lamang pero normal naman yon sa kanila. May pagka possissive talaga kasi ang isang Alpha pagdating sa kanilang mate. Na hindi ko alam kong maiintindihan ba ni Sandy kapag nalaman nya na mate siya ni Alpha. Pwedeng maniwala siya  pero pagdating sa pagiging Luna niya mukhang malabo na maniwala siya.

*****
Sandy

warewolf - werewolves are humans infected with a demonic disease, which gives them the ability to transform into powerful wolves and gain their inhuman strength and enhanced capabilities. They sometimes called the Children of the Moon Goddess.
Moon Goddess - creator
Wolf pack - a group of wolves live in a pack house.
Alpha - A leader of a pack, the strongest wolf among the pack, first in command
Luna - the alpha's destined mate.
Beta - second in command
Gamma - third in command
Omega - the lowest rank
Delta- Pack warrior /army of a pack
Mates - soulmate

Ilang beses akong napabuntong-hininga after kong mabasa ang pinasang research ni Nathan about sa werewolf. Hindi ko alam kong anong source ba pinagkunan nya nitong binabasa ko ngayon. Pero paulit-ulit ko talagang binabalik-balikan yong salitang Luna.

Ibig sabihin kaya nila ako tinatawag na Luna kasi....kasi....tsk

Ilang araw ko na silang nakakasama and  I think  harmless naman sila. Saka wala naman akong nararamdamang panganib kapag nasa paligid sila. Pero iba ang  kabang nararamdaman ko kapag malapit si Brent. Kaya minabuti ko munang umiwas sa kanya. Hindi ko sya kinakausap o sinusulyapan man lamang. Hindi ko alam kong bakit para laging may paru-paro sa tyan ko kapag nakikita ko sya. Isa pa di ko din ma explain kung bakit gustong-gusto ko ang amoy nya pati ng damit nya. Ginagayuma yata ako ni Brent.

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon