Chapter 2

6.3K 192 25
                                    

"Sir nariyan na si Mr Mendoza." Bungad ko sa boss ko pagkapasok ng opisina nya. Seninyasan nya ako na pumasok.

Ngumiti sya sa akin matapos akong hagudin ng tingin.

"Thanks Sandy, anyway nagawa mo na ba ang proposal na pinapagawa ko sayo?"

"Nagawa ko na sir. Kukunin ko lamang sa table ko para mapresent nyo kay Mr Mendoza."

"Good, anyway sumabay ka na sa akin patungo sa conference room para personal kitang maipakilala kay Mr Mendoza."

Tumango ako at saglit na nagpaalam para kunin ang folder na nilagyan ko ng print out proposal na ginawa ko para kay Alfred Mendoza.

Isang business tycoon na tinatarget ng boss ko na maging partner ng Voultrade Group of Companies kung saan ako namamasukan bilang secretary ni Boss Oliver.

Sa loob ng mahigit isang taon kung pagtatrabaho dito, tatlong beses nang nag increase ang sahod ko. Kaya maituturing ko talagang blessing ang company na ito sa akin.

Natutustusan ko ang pangangailang namin ni Nathan at meron na rin akong kunting ipon.

Daplis pa akong mapatalon ng may bastos na humawak sa beywang ko.

"I've change my mind. Sabay na tayo?" Malambing na tanong ng boss ko habang hawak pa rin ang beywang ko.

Napangiwi ako at lumayo sa kanya. Potek. Parang gusto kong mangilabot sa hawak nya.

Gwapo naman sana sya pero wala sa vocabulary ko ang pumatol sa lalaking apat ang panganay at idad kwarenta na.

Pano ko nalaman? Syempre ako kaya ang secretary nya. Ako din ang nagawa ng schedule nya kapag nakikipagkita sa tatlo niyang babae na lingid sa asawa nya. May pagkamanyak pati sya.

"Tigilan mo nga ako Sir Oliver." Di ko maiwasang lakipan ng inis ang boses ko. Manyak talaga tong matanda na to. "Hindi nakakatawa ang biro mo."

Napangiti siya. "ľkaw naman, hindi na mabiro."

Hindi na ako kumibo. Hindi na bago sa akin ang ganitong scenario. Kundi lang talaga malaki magpasahod ang matandang to matagal ko ng nilisan ang Voultrade.

"So kumusta na yong nererequest ko sayo."

Itinaas ko ang folder na hawak at ipinakita ko sa kanya. "Heto po."

Umiling sya sabay ngiti. "Hindi naman yan ang tinatanong ko. Yong date na hinihingi ko sayo."

Napangiwi ko. "Sir Oliver naman eh, pwede bang tigilan mo na nga ako. Yong pagiging babaero mo kinukunsinti ko na nga.  Please don't count me in sa mga maluluko mo. Wala sa vocabulary ko ang pumatol sa kauri mo." Tahasang sabi ko.

"Pero handa akong magpakatino para sayo. Kakalimutan ko silang lahat para sayo."

Napailing ako. Sigurado akong nasa tino pa akong pag-iisip para pumatol sa kanya. 

Ilan kaya sa apat na babae nito ang sinabihan nya ng ganyan?  "Magsisimula na ang meeting Sir. Kapag pinaghintay pa natin si Mr Mendoza I doubt kung makukuha natin ang oo niya sa business proposal mo." Pag-iiba ko ng usapan.

Napakamot sya ng ulo at walang imik na nagpatiuna sa pagpasok sa conference room.

*****
After the meeting......

"So we have a close deal." Nakangiting nakipagkamay si Oliver Kay Mr Mendoza.

"Hindi na ako makapaghintay na makita ang lalong mabilis na pag-angat ng kumpanyang ipinundar ng iyong ama." Ngumiti ang sixty years old na lalaki na sa kabila ng idad ay buong tikas pa rin ang tindig. "You must be thankful sa secretary mo. After all she is the one who made the proposal."

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon