Chapter 16

4K 124 4
                                    

Mesty

Agad akong hinila ni Mica sa tabi niya after mawala ni Sandy sa paningin namin.

"May LQ pa din ba sila ni Alpha?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam eh pero parang galit ata siya."

"Kay Alpha, bakit naman? Dahil pa rin ba sa pagsigaw sa kanya ni Alpha kanina?"

Mataman kong nilibot ang paningin ko. Tila hinihintay din nila ang sasabihin ko.

"Hindi ko sure. Pero kasi nabanggit ko sa kanya na sinundo ni Alpha si Brena."

Nakita kong alanganing napangiti si sweetypie sabay akbay sa akin.

"Hindi naman siguro pa patulan ni Sandy si Brena."

"Ano bang ugali ni Brena?" Usisa ko.

"Naku patay na patay yon kay Alpha. Minsan nga siya na ang nagpapakita ng motibo kay Alpha na gusto niya yon."

Pinandilatan ko si Van. "Hinaan mo nga ang boses mo baka marinig ka." Iminuwestra ko ang kusina kung saan naroon si Sandy.

"Selosa ba si Luna?"

"Iyon ang hindi ko alam Clarisse. I remember kapag nag susumbong ako sa kanya about sa kalukuhan ng ex ko nagagalit naman siya kesyo ganyan... ganito."

"Ibig sabihin hindi pa siya nagkaroon ng bf? "

"Hindi pa. Kaya hindi ko alam kung paano siya mag selos."

Nagkatinginan kami. Sana talaga hindi nagseselos si Sandy.

*****
Sandy

Napangiti ako ng matikman ang niluto kong sinigang. Grabe ang sarap ko talaga magluto.

Inihanda ko na ang mesa bago ko sila pinuntahan sa salas. Napalunok ako ng makita ko si Brent katabi ng di pamilyar na babae. Nakahawak siya sa braso ni Brent.

Kalma Sandy.

"Luna."

Napakunot ang noo ko. Anong meron sa mga kasama ko at sabay-sabay pa silang tumawag sa akin.

"Ahmm Brena si Sandy nga pala."

Nginitian ko ang babaeng ngayon ay nakangisi sa akin.

"Hello." Bati ko. "Ngayon lang kita nakita dito."

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon