"Wala kang mark?"
Sinapo ko ang leeg leeg ko. "Syempre wala."
"Pero Luna di ba nag t**t kayo kagabi ni Alpha?"
Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko ng maalala ang kahiya-hiyang eksena na inabutan nila kagabi.
"Wala kaming ibang ginawa kagabi." Depensa ko. Totoo naman matapos kong magbihis di na kami nag-usap. Nahihiya akong kausapin siya lalo na't panay din ang titig niya sa akin. Iniisip niya kayang easy to get ako?
"At natutulala ka ngayon?"
Nilibot ko ang paningin ko sa lahat ng tao dito sa salas. Silang apat na babae andito para akong nasa hot seat at iniinterogate nila.
"Nagkiss lamang kami okay, wala ng iba."
Narinig ko ang bungisngisan nila. "Alam namin yon Luna. Binibiro ka lang namin. Look at yourself Luna. Nagmumurang kamatis ka." Kantiyaw ni Mica.
"So di ka pa niya nilalagyan ng mark?" Usisa ni Mesty.
Hinaplos ko ang leeg ko. "Di namin pinag-uusapan yon. Kailangan ba yon?"
"Syempre. Kumbaga sa normal na tao bakuran ng ari-arian." Sagot ni Mica.
"Teka di ba sabi nyo tatlo ang process ng mating maliban dyan sa mark na yan ano pa?"
"Yong isa Luna yong formal ka ng ipapakilala sa pack as our Luna. May seremonyas yon saka......
Nagkatinginan sila. Hinintay ko silang magsalita pero wala isa man sa kanila ang sinubukang ibuka ang bibig.
"Ano?"
"Ano yon Sandy, yong ginagawa ng mag-asawa."
Natigilan ako. Ibig sabihin kailangan din namin gawin ni Brent yon. Niyakap ko ang sarili ko. Parang di pa ako ready sa bagay na yon.
"Don't worry Luna. Hindi ka naman pipilitin ni Alpha kung di bukal sa loob mo. Kasi dapat pareho kayong sang-ayon sa bagay na yon. Isa yon sa kautusan ni Moon Goddess. Maliban na lang kapag...."
"Kapag?" Hinintay kong ituloy ni Mica ang sinasabi niya. Pero palipat-lipat lamang ang tingin niya sa akin, kay Clarisse at kay Kris. "Kapag?"
"Kapag fullmoon? In heat kasi kaming mga wolf." Si Mesty ang sumagot. "I think anim na araw sya mula ngayon."
"Anong pag full moon?" Kinakabahang tanong ko?
"Kapag full moon kasi mas eager ang wolf na iclaim ang mate nila. At mahina ang control ng mga lalaki sa wolf nila kaya they let them take over."
Kinilabutan ako. Hindi pa ako ready sa ganon.
"May chance ba na pwede mapigil ang wolf nila." Nakangiwing tanong ko.
"Sobrang attracted kasi tayo sa mate natin during full moon Luna. Nararamdaman nila yong heat natin. Yong alam mo na kagustuhan makipag ano. Yong ibang she-wolf na hindi pa mated itinatago namin sila kasi baka makita sila ng ibang wolf na wala pang mate. Pero nakakaramdam sila ng matinding sakit sa tiyan. Mainit sa loob. Kasi nga eager din yong wolf nila na makipag mate. So meron kaming gamot na pinapainom para maibsan ang sakit."
Nakahinga ako ng maluwag. I think sasama na lang ako sa magtatago. "So dahil normal naman ako hindi naman ako makakaramdam ng sakit sa tiyan di ba?"
Ngumiti si Mesty. "Syempre hindi pero I doubt kung makakapagtago ka kay Alpha."
Natigilan ako. "Bakit?"
BINABASA MO ANG
Alpha's Mate
WerewolfI was left dumbfounded after he let go my lips. "I just thought you don't believe in love at first sight, so i kissed you. Maybe love at first kiss will do." Naningkit ang mata ko. For almost twenty years kung preniserved ang lips ko para sa future...