Chapter 3

5.9K 205 10
                                    

"Ate andyan ka pala."

Sinimangutan ko si Nathan na busy sa pagkakalikot ng cp nya. Almost one hour na ako dito sa harap nya, ngayon lamang ako napansin.

Kabataan talaga ngayon basta nakahawak ng gadget nakafocus na lamang doon ang attention. Wala ng pakialam sa paligid.

Binato ko sya ng tsinelas. "Kanina pa ako dito. Puro ka cellphone kasi."

"Ah," tumango siya.

Kita mo tong batang to.

Muli kong ibinaling ang mata ko sa pinapanood kahit na iba ang tumatakbo sa utak ko. Nang hindi ako makatiis ay muli kong tiningnan si Nathan.

"Nathan,"

Walang sagot.

"Nathan." Mas nilakasan ko ang boses ko. This time lumingon sya sa akin.

"Ate?"

"Pangit ba ako?"

"Oo naman."

Agad ko syang sinamaan ng tingin ng marinig ang sagot nya. Pero wala na sa akin ng attention nya kundi nasa cellphone.

Muli kong dinampot ang tsinelas ko at ibinalibag sa kanya.

"Aw," nahimas nya ang ulong tinamaan. Nakasimangot na hinarap niya ako. "Bakit ka nambabato? Napaka sadista mo talaga."

"Sabi mo pangit ako?"

"What? Sinabi ko yon? Bakit ko naman sasabihin yon."

"Sinabi mo nga, hindi ako bingi. Dalawa lang tayong nandito."

Itinaas ni Nathan ang kamay. "Promise ate, hindi ako yon. Saka kahit totoo yon hindi ko magagawang sabihin yon sa harap mo."

"Di pangit nga ako." Nandidilat ang matang tanong ko. Dinampot ko muli ang tsinelas at akmang ihahampas sa kanya.

"Ate naman eh, maganda ka okay. Ikaw ang pinaka maganda sa lahat ng ate ko." Muling nabaling ang atensyon nya sa tumunog na cellphone.

"Ako lang ang nag-iisa mong ate."

"Tsk."

"Kaya di ka maka-usap ng tino eh dahil dyan sa mga ka chat mo."

"Haist kaya ka di ka nagkakaboyfriend ang sungit mo."

Tinapik ko siya sa balikat. "Ano?''

"Wala."

"Narinig kong may sinabi ka."

"Mapanakit kang nilalang sabi ko. Bigat pa ng kamay mo. Kapatid mo yata si Pacman hindi ako. "

Sinamaan ko siya ng tingin.

Natahimik siya maya-maya'y bumaling sa akin.

"Ate pwede ba akong makahingi ng five hundred. Pupunta lamang ako sa SM?"

I smirked. Five hundred pala ha. "Kung makahingi ka para kang may pinatago ah. Bakit hindi ka manghingi dyan sa ka chat mo tutal sila naman ang palagi mong kausap. Or kung gusto mo manghingi ka don sa mga Koreano sa kwarto mo." Naiinis na sabi ko.

Nang bigla kaming makarinig ng kalabog sa labas.

Agad kong sinabihan si Nathan na sumilip sa bintana para alamin ang nangyari sa labas.

Biglang napatakbo si Nathan at agad na hinawi ang kurtina."Naku ate may sira ulong driver na bumangga sa bagong bili mong trash can." Nanlalaki ang matang sabi nya. "Ano ate, sabihin mo lamang bugbog sarado yan sakin."

Dali-dali akong napatayo at sumilip sa bintana.

"Oppss, sorry bestfriend mo pala yon."Kakamot kamot sa ulong sabi niya na dahan-dahang lumalayo. Sinamaan ko sya ng tingin.

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon