Chapter 20

4.3K 122 1
                                    

"Hindi ka aalis."

Napapitlag ako sa lakas ng boses ni Brent. Mukhang mali yong timing ko. Kaya imbes na matuwa nagalit pa siya sa akin.

Nag paalam kasi ako sa kanya na uuwi sa Manila. Gusto kong kausapin si tita sa tunay kong pagkatao. Hindi ko alam pero this fast few days nag iba na ang pakiramdam ko. Tumaas yong pang amoy ko na alam kong hindi normal sa akin.

Hindi ko masabi kay Brent dahil kahit ako hindi ko ma explain kung bakit.

Nagsimula iyong pakiramdam na yon nong markahan ako ni Brent.

"Pero kasi may kailangan lang akong malaman."

"Bakit hindi mo sabihin sa akin kung ano ma yang gumugulo sayo."

"Eh hindi naman tungkol to sayo. Kailangan ko lamang makausap si tita. May itatanong lamang ako. I promise naman na babalik ako agad."

"No." Malakas na tutol niya sabay tayo. "Huwag matigas ang ulo mo Sandy hindi pa ligtas sayo ang umalis sa ngayon."

"Di samahan mo ako para matahimik ka."

"Not now Sandy. May problema pa kong kinakaharap ngayon. Hindi ba makahintay yan. Promise after nito sasamahan kit kahit san pa yan."

"Pero kasi."

"Pag sinabi kong hindi......hindi." Nagdadabog na sabi niya sabay balibag ng pinto palabas.

I rolled my eyes. Ayan na naman po yong napaka demanding niyang tono.

I sighed. Bakit ba kasi ganito yong pakiramdam ko eh.

Kesa maluka ako kakaisip, sinundan ko na lamang si Brent sa labas.

Naabutan ko siya sa opisina niya at nagbabasa ng papeles.

"Brent." Mahinang tawag ko.

"Tsk." Napakamot ako ng ulo ng mukhang wala siyang balak pansinin ako. "Brent."

Lumapit ako sa kanya at naupo sa lap niya. Pakapalan na ito ng mukha pero bahala na. It's my fault kung bakit siya nagalit kaya ako ang kailangan manuyo.

"Babe." Tinanggal ko sa kamay niya ang binabasa ng papeles para naroon ang attention niya sa akin. "Sorry na. Okay hindi na kita pipilitin na payagan ako basta kausapin mo na ako."

Narinig ko siyang napabuntong hininga at yumakap sa akin.

"Pwede bang......"

"Sandy."

Natatawang niyakap ko siya. "Oh sige na po hindi na. Nagbibiro lang ako." Humilig ako sa dibdib niya.

Matagal kami sa ganoong position ng bigla siyang magsalita.

"Hindi ka ba masaya dito?"

Kunot-noong nilingon ko siya. "Syempre hindi I mean masaya ako dito ano ka ba?"

"So bakit kailangan mo pang umalis."

"Akala ko ba ayaw mong pag-usapan."

"Tsk."

"May gusto lang kasi akong alamin."

"Pwede mo namang sabihin sa akin kung may bumabagabag sayo."

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon