Chapter 12

4.5K 142 2
                                    

"Nothings gonna change my love for you. You know naman my love how much I love you. One bird you can be fly off....." Napahinto ako sa pagkanta ng makita si Ricky at Jeff na tulog na. "Grabe ang hihina nyo naman uminom eh, no ba yan." reklamo ko sabay tungga sa laman ng basong hawak ko.

"Luna tama na yan. Kami ang malalagot kay Alpha kapag nalaman niya na nag-iinom ka."

Dinuro ko si Erick. "Oy tigilan mo nga ako. Wala namang pakialam sa akin ang Alpha nyo eh. Hang mabuti pa dagdagan mo itong inumin natin."

Muli kong nilingon si Jeff at Ricky na tulog na sa isang tabi. Tsk.... weak pala ang dalawang to eh.

Sa badtrip ko kasi kanina lumabas ako ng bahay naglakad-lakad ako hanggang sa makita ko sina Erick na may dalang alak. May celebration daw sila sa bahay ni Ricky kaya nakijoin ako. Masaya sila kasama lalo na si Van puro kalukuhan ang alam at si Erick. Di ko nga alam kung bakit hanggang ngayon di pa ito nalalasing eh. Samantalang ako tuwid pa ang pagsasalita ko pero dalawa na ang nakikita ko.

"Luna alam ba ni Alpha na narito ka?" Nag-aalalang tanong ni Jonathan. "Sabi kasi ni Clarisse hinahanap ka na ni Alpha."

"Wag ka ngang ano dyan, wag kang maniwala sa lalaking yon. Bakit ako hahanapin non? Eh pinapa alis nya ako kanina."

Nakita kong nagkatinginan si Erick at Jonathan.

"Bakit ka naman papa alisin non." Tanong ni Erick. Nakita kong dumating si Van na kumuha ng pulutan kanina. Teka may kasama siya parang si Brent.  Nakatingin sa akin na parang galit. Napa irap ako, syempre di yon pupunta dito. Busy yon don sa magandang bisita niya eh.

"Baka naman Luna namali lamang ang pagkaka intindi mo?"

"Hindi ako nagkakamali no. May pa mine mine pa siyang nalalaman. Babaero pala ang Alpha nyo." Muli akong nagsalin ng alak. "Bawal ako magsuot ng sexy eh yong nakita kong ngang kayakap niya. Buong kaluluwa kita na eh. Kaunting tuwad non one hundred percent kita ang kuyukot non."

"Nagseselos ka lang ata Luna eh. Impossible naman na mambabae si Alpha. Matagal din syang naghintay ng mate niya. Kapag pinakawalan ka niya si Brix ang makakalaban niya." Komento ni Jonathan.

"Anong imposible nakita ko yon ng d-dalawa kong mata kanina." Tumayo ako at pasuray-suray na dinuro-duro pa si Jonathan. "Sinasabi mo bang s-sinungaling ako? Na gumagawa ako ng kwento?"

Hindi ba sila naniniwala? Syempre alam ko naman na di ako tulog kanina ah. Alam kong totoo ang nakita ko. Di naman ako nag eembento dito.

"Ano? sinasabi mo ba na sinungaling ako?" Mainit ang ulong sabi ko sabay dampot ng walang lamang bote.

"Luna hindi naman yon ang ibig kong sabihin." Nakita kong dali-daling tumayo si Jonathan kasunod ni Erick.

"Luna mabuti pa ihatid ka na namin sa bahay." Aya ng nag-aalalang si Van.

"indi inom pa tayo."

"Pero Luna lasing ka na."

"Hindi ako lasing nakainom lang."

"Pero Luna."

Sinamaan ko sila ng tingin. Napahigpit ang hawak ko sa bote. Hindi ko macontrol ang sarili ko, gusto kong magwala. Bakit ba kasi hindi sila naniniwala sa akin. Nagpulasan sina Erick at Jonathan ng makitang itinaas ko ang bote.

Nakita ko si Van na pinipilit hilahin ang natutulog na si Jeff. Binato ko ng baso si Van.

Bastos na to, di ba niya alam na natutulog yong tao. Kaso pag bato ko biglang tumakbo si Van. kaya ayon si Jeff ang tinaman. Sapol siya sa noo.

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon