Chapter 21

3.9K 103 0
                                    

Nagising akong masama ang pakiramdam kinabukasan. Hinanap ko si Brent sa tabi ko pero hindi ko siya mahagilap.

Hinaplos ko ang bandang leeg ko kung saan ako minarkahan ni Brent. Kumikirot ito. Hindi ko maintindihan pero para siyang may buhay at  pumipintig.

Tumayo ako at tinungo ang salamin. Hugis cresent moon ang marka ni Brent na merong maliit na tila talulot ng rose sa dulo. Wala naman akong nakita ng kakaiba maliban sa pag kirot niya.

"Sandy."

Napalingon ako sa pinto ng marinig ang boses ni Mesty.

"Mabuti at gising ka na. Naka ilang balik na ako dito para gisingin ka. Pero mukhang puyat na puyat ka."

Pinandilatan ko siya ng mahimigan ang nanunuksong tinig niya.

Maya-maya'y sumeryoso ako. "Mesty anong pakiramdam mo ngayong me marka ka na?"

Halatang naguluhang siya sa tanong ko pero nagawa niyang ngumiti.

"Hmmm okay naman. Since pareho na namin na markahan ni sweetypie ang isa't-isa, nalalaman na namin ang bawat saloobin namin. Nababasa ko yong nasa isip niya. Ganon din siya sa akin."

Natigilan ako. Bakit ganon yong sa akin, masakit? Epekto ba ito ng pagiging normal kong tao. Ibig ko tuloy mainggit sa kanya. Sana pala naging katulad na lamang nila ako. Para alam ko din kung anong nararamdaman isip ni Brent kapag kaharap ako. 

"Don't worry hindi mo man nababasa ang nasa isip ni Alpha nararamdaman ka naman niya. Dahil sa marka niya sayo."

"Bakit naamoy ko siya, kayo o kahit si Louie." Mahina kong tanong.

"Anong sabi mo naamoy mo siya?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Baka na pa paranoid lang ako. Anyway nasaan na pala ang gown mo dumating na ba?" Tanong ko habang marahang mina massage ang leeg ko.

Ngumiti ng malapad si Mesty at hinawakan ako sa kamay. "Oo, halika ipapakita ko siya sayo."

Dinala ako ni Mesty sa kwarto niya at at doon namataan ko ang isang napaka gandang wedding gown.

"Nasukat mo na ba?" Tanong ko habang hinahaplos ko ang madulas na tela nito.

"Hindi pa. Ano kasi kahit she-wolf ako parang gusto ko pa din sundin ang pamahiin na wag sukatin ang damit, before ikasal."

Napangiti ako sa sinabi ni Mesty.  Bigla akong nakaramdam ng inggit sa kanya. Buti pa siya, si Brent kaya anong plano sa amin? Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Mag-asawa ka na, magkakalayo na tayo."

"Ha?" Napa pantastikuhang sinipat niya ako. "Anong magkakalayo? Mag-aasawa lang ako andito pa din naman ako. Isa pa andito ka din naman sa pack house. I'm sure hindi naman papayag si Alpha na magkahiwalay kayo."

Napanguso ako. "Mababawasan na tayo ng quality time para mag bonding."

"Mababawasan, pero hindi mawawala. C'mon it's part of growing up."

Napabuntong hininga ako. "I'm happy for you Mesty."

"Thank you." Naluluhang sabi niya.

"Sana maka attend ako ng wedding nyo."

"Why? Of course a attend ka. Wait----." Nakapameywang na tinitigan niya ako. "Wag mo sabihing may plano kang hindi umattend sa wedding ko."

"Syempre present ako. Kaya lang kasi.."

"Kasi?"

"Tumawag na si tita. Sinabi kong narito ako sa Hellmount."

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon