Chapter 13

4.3K 133 2
                                    

Brent

"Mahal ka niya." komento ni Lenard matapos namin marinig ang pahayag ni Sandy. Bukas ang mind link ni Mesty kaya dinig na dinig namin ang usapan ng dalawa.

"See I told you mahal niya din tayo." Masayang sabi ni Brix sa utak ko. Naiiling na ishinutdown ko ang mind link ko sa wolf ko.

Gusto man magdiwang ng loob ko pero hindi ko magawa. Laki sa city si Sandy kaya natitiyak kong hindi niya kakayanin ang mamuhay sa gubat kasama ko. Baka hanapin niya ang buhay sa siyudad.

Alam ko kung gaano kasaya si Brix ng matagpuan ang mate namin. At ilang beses kong kinailangang magpigil kay Brix to claim her.

Ilang beses ko ng pinigilan ang sarili ko na markahan siya. Alam kong tuwang tuwa si Brix kapag napapalapit kami kay Sandy. Lalo na kahapon nalaman namin na nag seselos si Sandy sa sarili kong ina. Sabagay di naman ako magtataka kung titingnan halos mag kasing age lang sila kung pagmamasdan. Perks of being a werewolf. Pero paano kapag natapos ang bakasyon niya?

Sampung taon, sampung taon namin syang hinintay.

"Mate.....mate." sigaw ni Brix ng unang makita namin sya.

Nag arrange kami ng welcome party para sana sa pagdating ng mate ng aking Beta. Hindi ko alam kung bakit nong araw na yon umaga pa lang hindi na mapakali ang aking wolf. At ng dumating ang sasakyan ni Lenard lalong nagwala si Brix and then I smell the most fragrant smell na noon ko lng naamoy sa buong buhay ko. It was like sweet vanilla mix with cinnamon and rose petals. Hinanap ko ng tingin ang nagmamay ari noon. And then I found her. Nakangiti siya habang inililibot ang paningin akala ko marerecognize niya ako pero hindi. Only to find out na she's human. Pero hindi ako nagtanong kay Moon Goddess kung bakit human mate ang binigay sakin. Tanggap ko siya kahit ano siya. Kaya nga hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan siya nong time na yon. Ten years. Ten years ko syang hinintay na dumating.

At ngayon nandito siya hindi ko lubos magawang magpakasaya. Paano kung iwan niya ako at bumalik siya sa kinalakhan nyang lugar. Baka hindi namin kayanin ng wolf ko. Kawawa ang pack na binuo ng aking lolo kapag nagkataon.

Marahang tapik sa balikat ang nagpabalik sa diwa ko.

"Ano man ang mangyari just trust Moon Goddess okay."

I breathe deeply. "Hindi lang naman yon ang iniisip ko. I received a threat mula sa leader ng mga rogue. Ibinalita na sa kanila ni Louie na nakita ko na ang mate ko. Balak nilang kunin si Sandy kapag nakakuha sila ng pagkakataon. Kapag umalis dito si Sandy I can't promise na mapoprotektahan ko siya."

"Mahal ka ni Sandy. Maybe her feelings is enough para manatili siya dito sa tabi mo."

"Malalagay sa panganib ang buhay niya."

"Tsk c'mon bro. Ano pa't nariyan kayo ni Brix. Kayang-kaya nyo sya protektahan. At narito kami, hindi namin mapapayagan na may mangyaring masama sa aming Luna."

Napabuntong hininga ako. "Pag nereject ko kaya sya maaapektuhan kaya siya."

Napansin kong napailing si Lenard. "Pinapahirapan mo lang ang sarili mo pati na si Brix. Isa pa alam mong masasaktan si Brix. Sampung taon nyo silang hinintay."

Natahimik ako. Hindi ko rin gusto ang idea na malalayo sa akin si Sandy. Kailangan kong mag-isip.

"Teka nalaman mo na ba kung sino ang bagong lider ng mga rogue ngayon na siyang tumutulong Louie."

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon