Chapter 22

3.8K 120 0
                                    

Brent

"Wala ka bang balak sundan si Luna sa Manila?"

Marahas na napabuntong hininga ako at humarap kay Lenard.

"Siya ang umalis. It's up to her kung gusto niyang bumalik." Muli kong sinuyod ng tingin ang hangganan ng White Stone.

"Alam mong pwede mong ika bagsak ang kawalan ng mate.  Bakit hindi mo siya  pinigilang umalis."

Nagpanting ang tainga ko ng marinig ko ang pahayag niya. In just a snap, hawak ko na siya sa leeg at gigil na sinasakal. Nanlilisik ang matang hinigpitan  ko ang hawak ko sa leeg niya.

"Alpha." Narinig kong sigaw ni Ricky habang pinipigilan ako.

"Akala mo ba hindi ko ginawa yan? Ilang beses ko na siyang pinigilan." Gigil na sabi ko.  "Umalis siya ng hindi kami nag-uusap. May gumugulo sa kanya pero hindi niya magawang mag open sakin. My feelings for her is not enough. Not even my mark. I am not enough." Puno ng poot na sabi ko.

"Pakawalan mo siya Alpha. Baka mapatay mo si Beta Lenard."

Napansin kong namumutla na si Lenard kaya agad ko siyang binitiwan. "I-Im sorry."

Napaubo si Lenard bago sumenyas sa akin.

Lihim akong napamura. Ilang sandali pa ang lumipas at mukhang okay na siya.

"I'm sorry Alpha. Naaawa din kasi ako kay Mesty. Expected niya kasing makakabalik si Luna sa kasal namin. After all bestfriend sila. Kaya hanggang ngayon umiiyak siya at nagmumukmok."

I deeply sigh. "I even ask her if  she want's to marry me. Pero mukhang hindi pa siya handa. I thought everything will be on the flow." Mapait akong napangiti. "Akala ko sapat na yong pagmamahal ko para manatili siya dito. Akala ko kang pala yon." Nasasaktan ako ngayon pati na si Brix. He doesn't talk to me mula ng umalis si Sandy. Ako ang sinisisi niya sa pag alis ng aming mate noong nakaraang araw. Masakit na ang ulo ko sa kakaisip kung bakit umalis sa akin ng walang paalam. Akala ko okay na ang lahat sa amin.

Sobra ko ba siyang nabigla noong ayain ko siyang magpakasal? Handa naman akong ibigay sa kanya ang lahat. I admit sumama ang loob ko noong tanggihan niya ang alok ko na magpakasal kami. Pero bakit siya pa itong biglang umalis.

Ano pa ba ang kulang? Marahas akong napabuntong-hinga.

"Babalik siya Alpha. Alam kong alam niya kung nasaan ang lugar niya. At iyon ay dito sa White Stone, kung nasaan ka Alpha."

Nginitian ko ng tipid si Ricky. Sana nga..... Sana nga bumalik siya. Napabuntong hininga ako. Hindi ko masisisi si Sandy kung bigla siyang umalis at bumalik ng Manila. Marahil ay na binilisan siya sa pangyayari sa amin. Isa pa nasa lungsod ang buhay niya at hindi ko siya mapigil kung ginusto niyang bumalik sa kinalakihang lugar.

"Alpha."

Napa ayos ako ng tayo ng marinig ko si Erick sa isip ko. "Bakit?"

"May naghahanap sayo Alpha."

"Sino." Walang ganang tanong ko.

"Mirasol Addison daw. As per Mesty tita siya ni Sandy at mukhang may problema tayo." 

Napakunot-noo ako. "Anong problema?" 

"Mabuti pa Alpha umuwi ka muna dito."

Nagpaalam ako kay Ricky bago seninyasan si Lenard na agad namang sumunod sa akin. Nag madali kaming umuwi para harapin ang sinasabi ni Erick na bisita.

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon