Chapter 8

4.7K 132 3
                                    

"Hoy babae bumangon ka nga dyan mag-usap tayo."

Tinakpan ko ang mata ko ng hawiin ni Mesty ang kurtina dahilan para pumasok ang liwanag sa bintana.

"Hmmm mamaya na Mesty." Isinubsob ko ang mukha ko sa unan. At tinangkang muling bumalik sa pagtulog. Maya-maya'y naramdaman ko ang paghila ni Mesty sa buhok.

"I said get up."

"Tsk, ano ba Mesty."

"Bumangon ka dyan babae ka mag-usap tayo. My God ano bang nangyayari sayo? Three days akong wala dahil inaayos namin ni sweetypie ang papers namin for our wedding tapos malalaman ko na sa loob ng araw na yon nagkukulong ka lamang dito."

Napanguso ako at tinatamad na naupo sa kama.

"Napag-usapan na natin to di ba? Isinama kita dito para magrelax, maglibang at para maaliw. "

"Relax na relax naman ako dito ah." Tumayo ako at nagtungo sa cr. Naghilamos ako at nagtoothbrush. Paglabas ko ng cr naroon pa din si Mesty. Nakatayo sa kama ko at nakahalukipkip.

"Talaga? relax ka sa pagmumukmok mo dito." Nilibot nya ang paningin nya sa kabuuan ng kwarto. "Sabihin mo nga sa akin, ano bang problema mo?"

Umupo ako sa kama. "Wala akong problema."

"Liar, ako pang lulukuhin mo, kilala kita." Nandidat ang matang sabi nya. "That's you're attitude when you want to avoid someone."

I sigh. "Oh sige na ayaw kong lumabas baka magkasalubong kami ni Brent ok. Yong attitude nya. Saka yong palagi nyang sinasabi sakin na kanya lang ako." Naguguluhang sabi ko. Ilang beses na kasi kaming nagkiss tapos okay lang sakin. Hindi ko naman sya lubos na kilala.

Tinitigan ako ni Mesty. "Sabihin mo nga sakin, ayaw mo ba kay Brent. I mean kahit ba kunti hindi ka ba nagwagwapuhan sa kanya."

Nag-iwas ako ng tingin. "Ewan ko sayo."

"Di mo masagot because you like him no. Sabagay why do I need to ask you eh nagtsukaan na nga kayo when the first time you saw each other."

"Anong nagtyukaan?"

"Kiss, di ba nagkiss na kayo."

"Excuse me iba ang nagkiss sa ninakawan ng halik no." Napasimangot ako.

"Pero ininjoy mo naman. Amiiiiiiinin." Pilyang sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.

Binato ko sya ng unan. "Lumabas ka na nga di ka nakakatulong."

Napahalakhak sya. Pakiramdam ko nangangapal ang mukha ko kapag inaasar nya ako kay Brent.

"Tell me Sandy. Tumingin ka sakin at sabihin mong di ka nagwapuhan don sa tao."

Napanguso ako at nag-iwas ng tingin. "Eh ano naman kung gwapo sya. "

"Di inamin mo rin. Gusto mo sya no?"

Inirapan ko si Mesty ng maramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. "H-hindi no."

"Gusto mo siya."

"Hindi nga."

"Gusto mo siya."

"Hindi nga sabi."

"Kailan ka pa naging sinungaling?"

Napahinto ako at nag-iwas ng tingin. "Oo na magtigil ka lamang." Sumusukong sabi ko.

"Eh ano namang drama mo. Girl he feel the same way too.

Napakamot ako ng ulo. "Kasi..."

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon