Chapter 10

4.6K 132 5
                                    

"Mesty naman pumayag ka na kasi." Napanguso ako habang panay ang sunod kay Mesty na nagluluto ng dinner.

"Tigilan mo ako Sandy. Huwag kang masyadong pabebe. Hindi pwede, dalawa na kami ni Lenard sa kwarto." Tugon niya habang nagbabalat ng sayote.

Napakunot-noo ako. "What? Meaning nagtatabi na kayo ni sweetypie?" Nanlaki ang mata ko lalo na ng mapatingin sa bandang leeg niya. "May kiss mark ka, Oh my God. Did you just gave your.....your..." Natigil ako sa pagsasalita ng makita si Lenard sa counter na tila natatawa sa amin ni Mesty.

Nag-init ang pisngi ko, di ko kayang sabihin kay Mesty about the t**t thing in front of Lenard. Pero pinandilatan ko silang dalawa. "Grabe di pa kayo naka antay na makasal agad inuna nyo ang honeymoon."

"Usually kasi samin Sandy hindi naman importante ang kasal. Pero since matagal syang nanirahan kasama ng mga normal na tao. We will do that just to be official. Alam mo na human celebration." Paliwanag ni Lenard.

"Saka Luna part talaga ng mating process yong marking." Sabad ni Kris. "May tatlong process kasi yon."

"Anong mating process."

"Eto." Muling ipinakita ni Mesty ang kiss mark nya.

Napakunot ako habang nakatitig doon. It looks like crescent moon tapos light brown. Kiss mark ba yon? Paano naging part to ng mating process na sinasabi nila?

"Mark to ni sweetypie parang trade mark katunayan na mated ako sa kanya. Kapag may ganito ka na ibig sabihin hindi ka na pwedeng landiin ng iba."

Ipinakita din ni Lenard yong mark ni Mesty. Napangiwi ako. Parang di ko kakayanin yon. Magpakagat sa wolf, de bali na nga lang.

"Pero payagan mo na ako. Kahit sa gitna nyo ako ni sweetypie matulog."

Pinoproblema ko kasi ang pagtulog ko. Sabi nga kasi ni Lenard yong kwarto ko kay Brent talaga. Di naman sa ayaw ko pero wala sa vocabulary ko ang tumabi ng pagtulog sa lalaking di ko asawa.

Nakalabas na sya ng clinic at kasalukuyang nagpapaahinga sa kwarto. Ayaw kong usigin ako ng konsensya ko kapag don ko sya pinatulog sa office nya. Napakawalang puso ko naman non.

Narinig kong nagtawanan sina Kris at Mica. Pinandilatan ko sila.

"Hindi mo ba gustong makatabi si Alpha Luna?" Nanunuksong tanong ni Kris .

"Tigilan mo ako Kris, di ko sya asawa."

"Ayaw kasi ni Luna baka daw kasi di sya makapag pigil ma rape niya si Alpha." Sagot ng kapapasok lamang na si Van.

Binato ko sya ng baso. Pero nagulat ako ng dalawa ang tumama sa noo niya. Paglingon ko nakita ko si Kris na masama ang tingin sa kanya.

Pinag-aralan ko ang kilos nilang dalawa. Maya-maya napahalukipkip ako. "Mate ba kayong dalawa?"

Kapwa sila nag-iwas ng tingin. Si Van kumuha ng tasa at lumapit sa ref. Si Kris nagkunwaring magbabalat ng patatas.

"Tsk," lakas din ng trip ng dalawang to inirapan ko sila. "Eh kung kayo kaya ang tanungin ko kung magkasama kayo sa kwarto, maka tukso kayo sakin. Ikaw Van, walang kape sa ref bakit me dala kang tasa dyan? At ikaw Kris, tinola ang niluluto ni Mesty hindi kailangan ng patatas."

"Ptttttfff Hahahahaha." Humagalpak ng tawa si Erick. "Wala pala kayo kay Luna. Akalain mo yon nalaman nya na mate kayo."

Narinig ko ding nagtawanan ang iba naming kasama. Hindi nakaimik ang dalawa.

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon