Chapter 14

4.2K 129 0
                                    

Napigil ko ang hininga ko ng tumambad sa akin ang lugar na pinagdalhan sa akin ni Brent.

Isang napakaganda at napakalaking waterfalls na napapaligiran ng mga bulaklak. Iba't -ibang mga halaman at puno ang nakatanim dito. Mangasul ngasul ang tubig sa ginawang hand made pool kung saan bumabagsak ang tubig na nanggagaling sa falls. Sa paligid nito ay may rock formation na siyang nakadagdag attraction sa buong paligid.

This is the first time na nakakita ako ng waterfalls. Hindi ako pinapayagan ni Tita Sol na pumunta sa gubat o bundok para makakita ng ganito. At sobrang naaapreciate ko ang kagandahan nito.

Napangiti ako. Parang ang sarap magtampisaw sa tubig. Wala akong inaksayang sandali hinubad ko ang suot kong sandals at tumapak sa tubig.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang maligamgam na tubig sa balat. Parang minamasahe nito ang mga paa ko.

"You like it?"

Natitilihang nilingon ko si Brent. "Anong you like it?" Nakita ko ang pagkadismaya at lungkot sa mukha niya. Ngumiti ako. " I love it Brent. Thank you." Ngumiti ako at walang hiya-hiyang yumakap sa kanya. "Thank you for bringing me in this place."

Ngumiti si Brent. "Thanks Sandy."

Hindi ko alam kung saan siya nagpapasalamat. Ang alam ko lang masaya ako ngayon. Kumalas ako kay Brent at bahagya siyang hinampas. "Ang daya mo naman di mo sinabing may pupuntahan tayong ganito. Sana nagdala ako ng panligo."

"Sorry, maybe next time pagbalik natin. Hindi ko kasi alam kung magugustuhan mo dito."

Tumango ako at naupo sa isang malaking batong naroon. "Matagal na ba to dito?" Usisa ko sa kanya.

"Bata pa ako narito na ang waterfalls na ito. Inalagaan lamang ng magulang ko. Tinaniman ng halaman saka ipinaayos itong pool. Yong rock formation nandito na rin yan dati pa. Actually hot spring siya kaya medyo maligamgam ang tubig. Ilang metro mula dito may maliit na bulkan."

Napatango ako. Hanga talaga ako sa mga taong may pagpapahalaga pa sa nature. Napabuntong hiniga ako habang ninanamnam ang init na dulot ng tubig sa paa ko.

"Ahmm Sandy."

Nilingon ko si Brent.

"M-Magtatagal ka ba dito k-kung sakali. I mean m-makakaya mo bang t-tumira sa ganitong lugar?"

Naguluhang tinitigan ko si Brent. Alam kong malaki na ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin, pero minsan naguguluhan pa rin ako sa tanong niya. Lalo na ngayon. Nauutal siya.

Napatitig ako sa mata niya. Iba ang nakikita ko. Lungkot or much better sabihing takot. Natatakot pa siya na baka di ko piliing manatili dito?

Nginitian ko siya sa sobrang tamis.

"Oo naman. Ano bang aayawan ko sa lugar na to. Payapa, masarap ang hangin at higit sa lahat....." andito ka iyon sana ang sasabihin ko pero bigla akong nahiya. Nag-iwas ako ng tingin. Eto na naman ang di maipaliwanag na kabog ng dibdib ko kapag napapatitig sa kanya.

"Brent, ahm ilang taon ka na?" Naisipan kong itanong.

Napakamot siya ng ulo. "Does it matter?"

I raised my eyebrows. "Of course dapat alam ko kung ilang taon  na ang aasawahin ko no." My eyes grows bigger after I realized what I said.

I hurried up to the water and turned away from Brent. I felt the heat on my cheeks.

Tsk...me and my big mouth.

Nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Brent at marahang isandal sa puno. Dumukwang siya sa akin habang nakangisi. "I heard it."

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon