Chapter 4

5.5K 181 17
                                    

"Sandy naman eh." Nagmamaktol na naupo si Mesty sa kama. "Bakit ba kailangan mo pa bumalik sa Manila."

"Uuwi na ako Mesty. Hindi ko maaatim na makasama sa isang bubong ang manyak na yon."

"My God naman Sandy stop being so childish, kiss lamang yon. Mag gargle ka kahit isang beses tanggal na yon o kung gusto mo twice o trice kang mag mumog. And if you're still not contented, just take a bath."

Napatitig ako kay Mesty. Bakit ba hindi nya ako maintindihan?

It's not just a kiss. That was my first kiss. Hindi nga ako nakipag boyfriend kung kani-kanino lang dahil promise kong ibibigay ko yon sa mapapangasawa ko kasama ng virginity ko. Tapos nanakawin lamang ng kung sino. Saka wish ko na pag nangyari yong first ko don talaga sa tamang tao. Yong tipong mapapapikit ako o kaya mapapataas ang paa ko during kiss hindi yong ganon. Pero dahil sa kagagawan ng bastos na yon. That was impossible to happen.

Napasimangot ako. "Basta final decision, uuwi ako. Napigilan mo lamang ako kagabi dahil walang maghahatid sa akin pauwi. But today is another day makakasakay naman siguro ako bago gumabi."

"Pero nabayadan ko na si Nathan." Muling hirit nya. 

Napahalukipkip ako. "Hindi ko naman sinabi sayo na bayadan mo sya di ba?"

"Ewan ko sayo Sandy, ikaw na ang ginagawan ng favor ayaw mo pa. Why don't you just accept your fate. If you want to leave then fine." Nagdadabog na umalis nya matapos nyang sabihin yon.

Faith? Ano bang sinasabi nyang kapalaran?

Napanguso ako. She's impossible!

Nilibot ko ang paningin ko. Ngayon ko lang napansin. Bakit parang panlalaki itong kwartong tinutuluyan ko?

Dumungaw ako sa bintana. Mula dito tanaw ko ang malawak na kakahuyan. Siguro napakaraming mababangis na hayop sa loob non.

Bigla akong natigilan ng tila may flashback na sumagi sa isip ko pero agad din iyong nawala ng pumikit ako. 

Ano yon?

Naalala ko si Nathan kailangan ko nga pala syang tawagan. I grab my phone and dialled my brother's  number. Napalatak ako ng malamang wala iyong signal. Napatingin ako sa orasan sa side table, alas sais pa lang ng umaga. Nagpasya akong bumaba.

Naabutan ko ang apat na lalaki na nagtatalo sa salas. Natatandaan ko sila, si Erick si Jeff si Van at si Jonathan. Kasama sila sa bisita ni sweetypie kagabi. Meaning hindi sila umuwi at dito natulog.

"Hi Luna." Sabay-sabay na bati nila. "Good morning." 

Napaangat ang kilay ko ng sabay sabay silang tunalikod sakin at nagkunwaring may ginagawa. 

Napakunot-noo ako. Luna? Ang huli kong natatandaan Sandy ang pangalan ko hindi Luna. I smiled at them.

"Morning, anong pinag-aawayan nyo." Naupo ako sa isang bakanteng sofa at muling binuksan ini on ang cellphone para icheck kung may signal.

Napasimagot ako. Ano pa bang aasahan ko.  

"Si Erick kasi kj ayaw nya daw ng Tom and Jerry ang gusto nya Naruto." si Jeff na malayo ang tingin. 

I secretly laughed. Isip-bata, wala ba silang mga trabaho? Saka bat ba nakahubad itong mga ito di ba sila nilalamig ka aga aga eh mga nakahubad. 

"So do you want to watch cartoons early this morning?"

"Ah eh oo sana." Sagot naman ni Van na di rin makatingin sakin. "Bakit pala parang badtrip ka Luna?"

Problema nito, saka Luna na naman?

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon