Chapter 6

5K 141 3
                                    

"Who told you to talk to that asshole?"

Agad na umakyat ang dugo ko sa ulo sa binitiwan nyang salita.

Bakit ba ako ang laging nakikita nito. Palagi ng galit sakin. Sino ba sya sa akala nya?

"Ano bang problema mo kay Louie? My God nakikipagkilala lang sakin yong tao. Mas malala ka nga sinakal mo sya kahit wala syang ginagawang masama sayo."

Nagdadabog na naupo ako sa kama. Kakauwi lang namin at yon agad ang binungad nya. Sumunod pa siya sa kwarto ko.

"I know Louie, wala syang idudulot na mabuti sayo."

"At ikaw ba meron? Wag ka ngang mag act na parang concern citizen dyan. You are not my father at lalong hindi kita boyfriend, makapag react ka naman dyan." Nagulat pa ako ng  hapitin nya ako papalapit sa kanya.

"Di ba sinabi ko na sayo. You're mine and you're not allowed na makipag flirt sa iba."

Siraulo pala ito eh. Alam kong maganda ako but hindi naman pwedeng maging reason na kumo gusto nya ako ay ay dapat kanya na ako. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nya.

Kahit pa sabihin na baka katulad din siya nina Van ay di ako matatakot sa kanya. Aba kaligayahan ko ang nakataya dito.

"Hoy kurimaw. Wag kang assuming. Walang tayo. Bitawan mo nga ako."

Napalingon ako sa pinto. "Hoy sweetypie tulungan mo nga ako dito sa....." Nanlaki ang mata ko ng bigla na naman nya akong halikan. Napapikit ako ng maramdaman ko ang libo-libong boltaheng gumapang sa katawan ko. Teka di ba nagiging werewolf sya. Ibig sabihin hinahalikan ako ng halimaw. Bakit ba bigla na lang syang nanghahalik. 

"Live show."

Narinig kong sigawan sa pinto kaya agad akong lumayo sa kanya. Nilingon ko ang mga nasa pinto. Okay, nandito nga pala sila. Mga chismoso din.

Nakakaluko ang ngiting nakapaskil sa labi ni Mesty. Napairap ako bago sinipa si Brent. "Bastos ka, di hamak na mas pogi sayo si Louie." Naiinis na sabi ko sabay walk out.

Nagderitso ako sa salas at nagbukas ng tv. Wala pang one minute akong nakakupo ng makarinig ako sa kalabog sa taas. Ilang sunod-sunod na kalabog ang naririnig ko na halos di na ako makapag concentate sa pinapanood. Nakita ko si Clarisse na nagtatakba pababa ng hagdan.

"Luna si Alpha."

Napairap ako. Kakaiba talaga ang tao dito. Sandy ang pangalan ko ang tawag nila sa akin, Luna. Tapos yong lalaking manyakis ang alam ko Brent, pero ang tawag nila Alpha.

"Anong problema sa Alphang  yon?"

"Masisira nya na ang buong kwarto nyo."

Napasimangot ako. "Wala naman akong pakialam don. Sirain nya di naman yon akin." Niinis na turan ko. Ano ba talaga ang kinakagalit nya?

"Pero Luna...."

Bumaba na din sina Kris at Mica kasama si Mesty.

"Girl pigilan mo si Brent." Si Mesty habang hinihila ako.

"Ano? Why me. Kayo ang kilala non eh bakit ako ang pipigil don."  Napasimangot na sagot ko. Alam ko na ang secret nila na nagiging wolf sila, okay na ako don. Pero ayaw kong makialam sa away nila. Mamaya makialam ako sa pagwawala non ihagis pa ako non sa bintana. No way, ayaw kong mamatay ng single no. Sayang ang lahi ko.

"Pero ikaw lang ang makakapigil sa pagwawala nya." si Mica.

Lihim na napataas ang kilay ko. Anong magagawa ko eh sila magkakalahi dito.

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon