Chapter 4

3 1 0
                                    

Chapter 4 *Clear*

Erin's POV

Papunta na ako sa 2nd class ko. Wala akong pakialam sa dinadaanan ko, di ko alam kung ano na ang nangyari sa paligid ko. May ilang tao na rin akong nakabangga. Pero wala parin akong pakialam. Kasi naisip ko yung sinabi ni Jae kanina. Di nya lang yun sinabi,

sinigaw nya yun sa buong klase. "SINAKTAN KA NA NGA, UMAASA PARING MAGKAKABALIKAN PA KAYO!" Tama sya. Bakit nya pa gustong bumalik sa buhay ko kung sa umpisa palang na akala ko MAGANDANG SIMULA, MAGANDANG RELASYON AT MAGANDANG KEVIN

ang sasalubong sa akin, pero hindi. Inakala ko lang yun lahat. Pero kahit nasasaktan ako, bakit mahal ko parin sya? Bakit parang nagsisimula ulit sa dati, nong kailan tumibok tong puso ko at puso nya. "Hi Erin!" Di sya lalaki, kundi babae. Luh! Baka bakla yung Jae na yun!

"Erin!" Ayan na naman sya. "Jae! Tigil tigilan mo ako sa pangloloko mo. Wala ako sa mood ngayon, masasampal kita na wala sa oras!" Natigilan ako nang nakatingin ako sa kanya. S-si Shaira pala. "Ay! Sorry, akala ko si Jae." Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko. "Bakit si

Jae agad?" Tanong nya. "Sya na kasi yung nakasanayan kong kasama. Kaya ayun. Sorry pala ulit." Tumawa sya. "Pano akong naging Jae, eh, boses ko palang babae na. Tapos yung kay Jae, husky." Ngumiti lang ako. "By the way, wala ka ata sa sarili mo ngayon?" Napatingin

ako sa kanya. "Naisip ko kasi yung sinabi ni Jae kanina." Tumango tango lang sya. "Halika, usap muna tayo. Don tayo sa garden." Tumango ako bilang sagot.

GARDEN

Umupo kami sa isang bench. "Pag usapan natin lahat. Lahat ng problema mo. Para di na masakit dyan." Sabay turo nya sa dibdib ko. "Wag mong dinidibdib ang lahat ng sakit Erin. You need to let go of him. Move on! Mahal mo pa sya tama?" Tumango ako. "Di ko naman

sinasadya na sa kanya ito tumibok. At hindi ko na sya kayang kalimutan." Huminga sya ng malalim. Hinawakan nya ang kamay ko. "Try Erin. Subukan mo. Wala namang mawawala kung susubukan mo." Ngumiti ako. "Ipakita mo sa kanya na kaya mong mabuhay na wala

sya. Na tama ang naging desisyon mo." Nagsimula na po akong umiyak. "Pano kung di ko magawa? Pano kung madala na naman ako? Pano kung mabibigyan ko sya ng isa pang pagkakataon?" Ngumiti sya. "Love find ways. Erin anong sagot sa tanong mo na 'BAKIT KO SYA

HINIWALAYAN?' kung bibigyan mo sya ng 2nd chance? so useless Erin. Walang saysay lahat." Tama sya. Dapat di ako magpapadala. "Linawin nyo na kung anong sa inyo ni Kevin. Kasi mas lalo syang aasa at mas lalo mo rin syang mamahalin. Para wala nang masasaktan sa

pinaggagawa nyo." Ngumiti sya habang ako tulala. May nasasaktan sa pinaggagawa namin? Sino? Siguro gf nya. Kasi sa akin nakatuon lahat ng atensyon ni Kevin. Tama. "Okay Erin?" Ngumiti ako. "Okay." Sabay tayo at pumasok na kami sa 2nd class.

UWIAN

Sinabihan ko si Kevin na magkikita kami mamaya sa malapit na coffee shop dito sa school. We will make things clear. Nandito na ako sa waiting shed, inaantay si manong. Medyo late yong uwian namin kasi may group project kaming ginawa kaya 4pm na kami natapos.

Tapos naglinis kami ng room. At 4:15pm kami natapos. And 15 mins. na hinihintay si manong, at nandito na rin. Ba't ba ang bagal nya? Medyo may kaedaran nadin kasi, siguro nga. Nagpahatid ako sa malapit na coffee shop mga 20 mins, nakarating na kami. Medyo may

katagalan kasi traffic. 5pm yung sinabi kong oras kay Kevin. Sana dadating sya. Sana!

Kevin's POV

Ito na ako naglalakad papunta sa sinabi nya. Dapat pa ba akong bumalik sa buhay nya? Eh masaya na sya sa gagong Jae na yun! Baka magmukhang extra lang ako sa buhay NILA. Nong pagtanggol nya kay Jae sa kanya. Nong pano magalit si Jae kapag ako ang pinag uusapan. Nong

sinabi nya kanina. Di na ako magdadalawang isip na di yun totoo. Dahil kitang kita ko lahat yun. Siguro I will let her go. Wala na naman akong karapatan diba?

Di ko namalayan, nandito na pala ako. Nandito pa ako sa labas, tinanaw ko muna sya kung nasan pero wala. Hindi sya kita dito. Kaya pumasok na lang ako. Nilibot ko ang paningin ko at AYUN! Nandoon pala sya sa sulok ng cafe. Lumapit agad ako sa kanya. Kahit malayo pa ako sa

kanya, kitang kita ko na malalim ang iniisip nya. Naalala ko tuloy yung sinabi nya. "Oo, mahal pa rin kita pero hindi na naman tayo diba?" Mahal pa nya ako. Pero basura lang yun. Kung mahal pa nya ako, bakit hindi nya gustong maging kami ulit? "K-kevin!" Nakatayo na pala ako

sa harapan nya. "Upo ka." Umupo naman ako. "Anong pag uusapan natin?" Nakayuko lang ako na walang emosyon. Di ako tumingin sa kanya. "Tapusin na natin to Kevin." Natawa ako sa sinabi nya. "Tayo pa ba? Hindi mo man lang sinabi sa akin. Sana naparamdam ko pa sayo yung

huling pagmamahal na iaalay ko sana sayo panghabang buhay." Tumingin sya sa akin. "Tayo sana hanggang ngayon. Pero sinayang mo yung malaking chance. At ngayon akala mo madali lang sa akin ibalik ang lahat? Hindi Kevin. Ang dali lang sabihin ng lahat na gusto mong

sabihin sa akin kasi hindi ikaw ang nasaktan. Ikaw yung gumawa ng kahihiyan para mapalayo ako sayo." Kahihiyan naman talaga ako. At hindi yun mababago pa sa paningin nya. "Sorry." Yun na lang ang nasabi ko. Paalis na sana ako nang magsalita sya na dahilang mapatigil ako.

"Mahal mo ba talaga ako?" Biglang may kumirot sa puso ko. Hindi ko na siguro kakayanin pa kung maging kami ulit. Pero mahal na mahal kita Erin. Sobra. "Oo. Pero dapat na siguro kitang pakawalan. Wala na namang saysay kung magiging tayo pa ulit." Tumingin ako sa kanya.

Umiiyak sya at mas lalo akong nasasaktan. Lumapit ako sa kanya. "Wag kang umiyak. Wala kang ginawang masama. Sana maintindihan mo tong sasabihin ko sayo bago ako aalis. Hindi na tayo pero andito lang ako bilang kaibigan mo. Kaya wag ka nang umiyak. Kung may manliligaw

ka, ipadaan mo muna sa akin hah!! Sisiguraduhin ko munang hindi sya magiging katulad ko na walang ibang ginawa kundi saktan ka." Umiyak sya lalo. Pati ako, huhu. Masakit kasi eh! "B-balang araw m-magiging tayo ulit." Napangiti ako habang naglalakad palayo sa kanya.

Magiging kami ulit, pero hindi pa sa ngayon.

++++***************++++

Sinong gustong magkabalikan sila ulit?
Vomments everyone. ARMY's out there, anyeong!

The ChoiceWhere stories live. Discover now