Chapter 17

1 1 0
                                    

Chapter 17 *ErVin*

Kevin's POV

Break namin ngayon. So, pwede ko bang kausapin si Jae? May karapatan po ba ako?

Eh, bakit ba ako nagpapaalam? I can do what I want, I CAN GET WHAT I WANT.

"Jae!" Napatigil sya sa paglalakad. Kasama nya ngayon si Jaereid, Kel at Zeus. At agad lumingon. "Alis muna kami pare." Sabi ni Kel. Tumango naman ito.

Lumapit sya sa akin ng kaunti. "Bakit?" Nakatitig sya sa mga mata ko. Pero ako di ko mapahiwatig ang mukha nya. "Ano bang problema mo?" Sabi ko.

"Ako? Ano bang meron?" Eh bobo to eh noh! Sinabi ko lang naman sa kanya na sayo muna si Erin. Hindi ko sinabi na umasta ka bilang boyfriend kay Erin.

"Ikaw! Ano bang bilin ko sayo?" Ngumisi sya. "Ah, yun ba?" Lumapit sya ng kaunti ulit sa akin. "Unang una, alam ko kung anong pinanggagawa ko. Pangalawa, tama lang ang ginagawa ko. Dapat kalimutan ka na ni Erin. Wala ka lang ibang ginawa kundi paiyakin sya. Eh di mo  nga nagawa na magpunas ng luha nya kapag umiiyak. Bakit nga ba?...."

"....ah kaya pala ganun. Kasi ikaw palagi ng dahilan kung bakit sya umiiyak kaya di mo magawa yun." Agad ko syang sinuntok. Di mo lang alam Jae. Di mo lang talaga alam. Kung bakit di ko pa nagawa yun sa kanya.

"D*mn! Jae! Wag kang umasta na sayo sya! Ako ang mahal nya at hindi yun magiging ikaw! Wala akong paki sa bullsh't mong feelings!" Kahit sugat sugat na sya sa kakasuntok ko, ngumisi parin sya.

"MAGIGING AKIN DIN SYA."

Erin's POV

"MAGIGING AKIN DIN SYA."

"MAGIGING AKIN DIN SYA."

"MAGIGING AKIN DIN SYA."

"MAGIGING AKIN DIN SYA."

Rinig na rinig ko ang sinabi ni Jae. Alam ko na ako ang pinag aawayan nila. Balak ko sana na sumugod sa kanila nang marinig ko ang mga salitang yun.

Mas lalo akong nagulat sa sunod nyang sinabi.

"Mamahalin din nya ako." At sinubukan nyang tumayo. Di ko alam kung bakit ako papunta sa kanya at tinulungan syang tumayo. Pareho kaming gulat sa pangyayari.

"N-narinig mo lahat?" Tumango ako. At humiwalay agad sa bisig nya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "M-magpapaliwan----" I stopped his words. I slap him without doubting. Sorry Jae.

"Jae, I resepect your feelings, pero bakit sa ganitong paraan? Bakit mo tinago? At yung palagi kang nandyan sa akin, anong ibig sabihin non? Kaya ka ganun dahil mahal mo ko? Ganun?..." Napayuko sya.

"Kung yun man, so ako ang tanga dito. So tanga ako?" Napatingin sya sa akin. "Hindi naman sa ganun. Pero---"

"Pero ano? ANO?!" Di ko nanapigilan ang sarili ko at sinampal ko na sya. "Ginawa mo akong tanga Jae. Akala ko mapagkakatiwalaan kita. Pero akala ko lang pala yun."

Umalis na ako. Kahit tinatawag nya pa ako, di na ako nakinig. Pero may yumakap sa akin sa likod. "Erin." At dun na bumuhos ang luha ko.

Bakit ba? Matagal ko nang hindi naririnig ang boses nya. At sa ganitong paraan ko pa nadinig. Ito yung hinahanap hanap ko Kevin.

Humiwalay sya sa yakap. " Mahal na mahal kita Erin. Pero pwede ka bang lumingon?" Mas lumabas ang luha ko. Pero di ko kaya. "Okay, pagkabilang ko ng tatlo, kung hindi ka lilingon di mo ako mahal at tatanggapin ko yun." Patuloy parin ako sa pag iiyak.

"I-isa..." Gusto ko Kevin pero d-di ko kaya.

"...d-da-dalawa..." K-kevin...

"Ta-tat----" Pinikit ko ang mga mata ko at agad lumingon at niyakap sya.

"Hindi naman s-sa hindi ako lilingon hindi nakita mahal." Mas hinigpitan nya ang pagkakayakap sa akin. "Alam ko naman na hindi mo ako matitiis." Sinapak ko sya sa dibdib nya. "Baliw." Pareho na kaming natawa.

"Mahal na mahal kita Kevin." Hinalikan nya ako sa noo. "Mahal din kita Erin." At nagyakapan na kami. Nakita ko si Jae na tumingin sa akin.

Nawala yung saya kung nararamdaman. Naglakad na sya palayo at nakita ko na nagpunas sya sa kanyang mata.

Humiwalay ako sa yakap ni Kevin at tumakbo papunta kay Jae. Medyo malayo na sya. At may narinig akong ilang mga nagbubulungan.

Ang two timer naman ni Erin.

Haba nga ng hair eh. Pinaiyak nya ang nag iisang Jae Ron Perez.

Ang gaga nya.

Diba, sila ni Kevin at Reign?

Medyo nasaktan ako don. Wow, so kalat pala ang pagpapanggap nila noh?

Pero binabalewala ko na lang yun.

"Jae!" Hindi sya lumingon. "Jae!" Pero nagmatigas pa rin sya.

Hanggang sah....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
NAHULI KO NA SYA

AT NIYAKAP SYA PATALIKOD.

"Bitawan mo ako Erin." Walang gana nyang sabi. "Hindi ako bibitaw ka pag hindi kita nakikitang masaya." Pero malakas sya at napabitaw ako sa kanya.

"Masaya? Pakiramdam mo magiging masaya pa ako sa kalagayang ito? Ikaw na nga ang nagsabi diba na GINAWA kitang TANGA! TANGA TANGA TANGA. Ngayon sinong nagpakatanga sa ating dalawa?...." napayuko ako.

"Diba ako lang. Ako lang Erin. Nagpakatanga ako sa mga araw na nasasaktan ka dahil kay Kevin. Umaasa ako na kahit sa ganung paraan lang, mamahalin mo din ako pero nagkamali lang pala ako. Mas lalo lang akong nasasaktan. Sya parin pala ang pipiliin mo." Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya ngayon.

Naiwan akong tulala.

Buhay nga naman oh!

Ang shaket! Ngayon? Sinong boto kay Jae? Kay Kevin naman?
Stay as jinniemin' readers.
사랑해!!!

The ChoiceWhere stories live. Discover now