Chapter 18

1 1 1
                                    

Chapter 18 *Badboy*

Erin's POV

*Makalipas ng isang linggo pagkatapos ng mga pangyayari.*

May event ngayon ang school namin. Para syang prom. Pero hindi. Yung event kasing ito, isang pagdidiriwang para sa anniversary ng school namin.

Nag reready na ako ngayon. May binili na si mommy ng dress. Isa itong black dress at glass heels ang susuotin ko. Overnight kasi. At nababagay ang itim kasi gabi naman.

Sa isang linggo, di kami nag uusap, walang komunikasyon. Pati na rin si Shaira, di ko na nakakausap. Kasi daw pinagbawalan sya ni Jae na kausapin ako.

Kami ni Kevin? Kami na. Sinagot ko na sya. Si Reign? Wala na kaming naging balita sa kanya mula nong nasugod sya sa ospital.

*Beep* *Beep*

Baka si Kevin na yun. Kasi sinabi nya sakin na susunduin daw nya ako at sya ang magiging escort ko sa event.

At timing din na magbibihis na lang ako at tapos na.

***

Pababa na ako. Nakita ko sya sa sala na nakaupo.

"Kevin!" Agad naman syang lumingon at nilapitan ako. "You look so gorgeous today." Ngumiti lang ako. "Tnx. Ikaw din." Napakunot ang noo nya. "O, bakit?" Pero yun parin ang mukha nya. "Ako din? GORGEOUS?" Napatawa ako. "Aahhh.. ang ibig kong sabihin, ang gwapo mo din."

Humiwalay muna ako sa kanya at magpapaalam ako kay mommy.

"Mmy, una na po kami." Pagpapaalam ko. "Sige nak. Ingat kayo. Kevin, bantayan mo ang anak ko." Tumango naman si Kevin ta ngumiti. At umalis na kami.

SCHOOL

Papasok na kami ngayon sa loob. Pagkapasok namin, lahat ng mga mukha nakatingin sa amin. At nagbulong bulungan ng compliments. Oo, compliments. Maraming boto sa amin ni Kevin. Kaya ganun. May sumisigaw nga na ERVIN! ERVIN!

Ang bagay talaga nila noh?

Oo nga. Ang gaganda't gwapo nila pareho.

Ngumiti lang ako sa kanila.

May narinig akong sigawan sa likod namin. Balak ko sanang lumingon pero pinigilan ako ni Kevin. "Don't turn back." At agad naman akong sumunod.

Bakit kaya?

Jae! Jae! Kayo ni Erin ang bagay!

Bigla akong napatigil at bumalot ng katahimikan ang buong campus. Nag aantay ako sa sasabihin nya.

"Just forget her guys. She's just a friend of mine." At nagsisigawan na naman ang mga tao.

JaeRin!

ErVin!

At hanggang nag away na sila. Hays.

"Erin!" Lumingon ako sa tumawag sa akin. Pero may nagsalita agad. "Don't talk to her." Agad na sabi ni Zeus.

Naglakad na lang akong muli.

"Hihiwalayan mo na ba ako?" Gulat akong napatingi sa kanya. "Ba't ko naman gagawin yun?" At ngumiti ako sa kanya. "Eh kasi nang dahil sa akin, hindi ka na masyadong nakakalapit sa mga kaibigan mo." Huminto muna kami sa paglalakad at agad ko syang tinignan.

"Okey lang naman yun. Basta't nandito ka lang." Tas ngumiti na sya ulit at agad na pumunta sa field. Which is don ineheld ang event.

Now playing: PERFECT by ed sheeran

Naghanap agad kami ni Kevin ng mauupuan. At may nahanap naman kaagad kami. Pero nasaharapan kami. At di ko gusto kapag masa harapan at kung lilipat kami, wala na rin namang bakante.

Kaya mo choice na lang.

"Okay ka lang na dito?" Tumango ako. Alam nya kaya na hindi ko gusto umuupp sa harapan. Ngumiti naman sya. "Dito ka lang muna, mag ccr lang ako." Tumango ako. "Promise babalik kaagad ako." At agad na syang umalis.

"Pwedeng dito na lang ka--" di na natuloy ang pagsasalita ni Kel dahil agad nang umupo si Jae. "Hoi, parang wala ka nang respeto Jae ha." Bungad sa kanya ni Shaira.

"Pake ko ba!" At muling tumingin sa harapan. Nagkatinginan kami ni Shaira. At agad na nagsigawan. "Shai! Erin!" Wala na kaming pakialam sa mga tao dito. Miss na miss na miss na miss na miss ko na sya talaga.

"Ang OA nyo. One week lang naman kayong hindi nagkita at walang komunikasyon." Tumingin ako kay Jae. At agad na tumayo. "Hindi sa hindi kita nirerespeto Jae noh, pero gano ba kadali sayo ang lahat? Akala mo madali lang ang isang linggo?"

Tumayo din sya at tumingin sa akin. "Walang madali sa akin Erin. Lahat mahirap. Pero tinitiis ko pero nahulog lang pala sa wala. O pwede nating tawaging UNAPPRECIATED EFFORTS."

Paalis na sana sya pero pinigilan ko. Mabilis naman nyang inilayo sa akin ang braso nya. "Ano bang problema Jae?..." Gigil kong tanong. "...ba't tayo naging ganito? Bakit nahantong sa ganito? May mali ba na hindi mo nagustuhan sa akin?"

Ngumisi sya. "Buong pagkatao mo tinanggap ko. Gusto ko at minahal ko pero nasan ang kapalit?" Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.

Kita ko sa mga mata nya ang lungkot at galit. Pero hindi ako nagpadala. Lumayo ako sa kanya at sakto naman na dumating na si Kevin.

"Ano bang problema mo?" Sabi ni Kevin kay Jae. "Wala naman." Susugudin na sana ng suntok ni Kevin si Jae pero pinigilan ko sya. "Naglakas loob ka nang lumaban ngayon Kevin kasi nakuha mo na. Eh nong nawala sayo, ang OA mo pa." Agad sinuntok ni Kevin si Jae. Hindi ko sya napigilan kasi nagulat ako sa ginawa nya.

"Wala kang karapatang sabihin yan sa akin. Di mo alam kung gaano kahirap yung napagdaanan ko." Ngumisi si Jae. "Ngayon nahihirapan ka na? O bakit ka nambabae at iniwan ang mahal mo pala? Pagkatapos nito paiiyakin mo ulit?" Ak na ang pumigil sa kanila.

"Kung wala na kayong respeto sa event na ito at sa akin, sana hindi na lang tayo pumunta dito kung ganito lang ang gagawin nyo. At ikaw Jae, ang lakas mo ding pagsabihan si Kevin ng OA, pero ano ka ngayon? Hindi ka ba OA sa kondisyon mo? Pagkatapos mo nalaman na hindi ko naramdaman kung anong naramdaman mo noon, naging iba kana. Yan ba si Jae na nakilala ko, yan ba yung palaging nakangiti, palaging nandyan kapag kailangan ko ng kaibigan. Yan ba? Diba hindi na? Pero sana maibabalik mo pa. Miss na miss ko na sya. Kahit isang linggo tayong hindi nag uusap at nagkikita, hindi naging madali sa akin ang lahat. Jae, sana bumalik ka na sa dati." At umalis na ako.

Sana naman magbago yung isip nya. Sana.

Hi guyzheus!!! Please support my story. Alam ko po na ang OA, pero sana magustuhan nyo. Kamsahamnida...

The ChoiceWhere stories live. Discover now