Chapter 15

3 1 0
                                    

Chapter 15 *Kevin*

Erin's POV

Nabigla ako sa mga pangyayari. Kasalanan ko ito eh. Dapat inisip ko yung kalagayan ng bestfriend ko. Dapat NAGPARAYA na lang ako.

Wala na akong pakialam kung nagulat man si Kevin sa pagbigla kong dating.

"Tabi!" Agad nyang kinuha si Reign at tinakbo palabas. Pero ako nanatiling tulala.

Kita ko yung pag aalala sa kanyang mukha. Na para bang hindi nya kakayanin na mawala sa kanya si Reign. Ang swerte naman Reign kung ganun.

Pero hindi ko inakala na ginawa nya yun sa akin kanina. Na para bang galit na galit sya sa akin. Na parang kasalanan ko kung bakit nagkaganun si Reign. Parang naging cold na sya sa akin simula nung dumating si Reign.

Buo pa ba ako? Kompleto pa ba ako? Hindi na diba?! Mahalaga pa ba ako sa kanya? Yung mga salita nya, pinapahalagahan nya pa ba? Pero kung ako ang tatanungin, OO! Nasa isip ko pa!

Sinasampal ko ang sarili ko. "Baliw ka Erin! Baliw ka Erin! Tanga! Nagpakatanga ka! Wala na kayo! Pero tinatanggap mo parin sya!"

May biglang yumakap sa akin. "Nandito lang ako." Wala na akong choice at niyakap ko sya. Halos masira yung suot nyang damit dahil sa paghawak ko non ng mahigpit dahil sa galit.

Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan nya ang mga luhang pumapatak na sana sya ang magpupunas. Pero nasan sya? Nandon sa bestfriend kong gaga! May sakit na nga sa puso, sinasaktan parin ang sarili.

"Mahal ko sya Jae." Mas lalo akong umiyak. "Iiyak mo lang yan lahat." Seryoso nyang sabi. "Sana iniyakan ko ang tamang tao." Huminga sya ng malalim. "Maling tao Erin."

Napatingin ako kay Jae. "M-maling tao?" Nagulat naman sya sa sinabi ko. "N-narinig mo?" Tumango ako. "Alam mo ba ang mga pinagsasabi mo?" Yumuko sya. "Alam na alam ko Erin. Kilala ko na sya noon pa. Nakikita ko lahat ng pinaggagawa nya."

Kumunot ang noo ko. "Paanong..." Huminga ako ng malalim. "...Naging magkaibigan kayo?" Dugtong ko. "Oo. Bestfriend ko sya noon. Ako yung palaging nandyan para sa kanya. Yung mga araw na parang wala na syang lakas na loob na mabuhay pa sa mundong ito, palagi ko syang pinipilit na tumayo. Pero nagmatigas sya. At nagkaclubs na sa gabi. At sa umaga naman, maaabutan ko na may katabing babae sa unit nya. At don na ako nandidiri sa kanya. At don ko na tinapos yung pagkakaibigan namin....."

"..... At don ako naging bad boy. Cold na ako sa lahat ng tao, maliban lang sa pinsan ko at kay Zeus. Nakilala ko din don si Jaereid at si Kel. At bumuo kami ng grupo. Pero nong dumating ka...." Napatigil sya at huminga ng malalim.

"....itong matigas kong puso, pinalambot mo." Akala nya di ko narinig yung huli nyang sinabi. Hahaha. "Salamat Jae." Kumunot ulit ang noo nya. "Para saan?" Ngumiti ako. "Sa lahat. Kapag iiyak ako, nandyan ka palagi. Ikaw lang ang gumagawa non sa akin. AT WALA NANG IBA."

Medyo nagulat sya. "Hindi pa yun ginawa ni Kevin sayo?" Napayuko ako at napakagat sa lower lip ko. "Palagi akong umaasa na gagawin nya yun sa akin pero hindi nya yun ginawa. Di ko nga alam kung bakit minamahal ko parin sya hanggang ngayon...."

"....sinugod nya ngayon si Reign sa clinic. Hindi sana maging ganun ang mangyayari kung hindi lang sinabi ni Kevin na mas mahal nya ako. Pero nong nilapitan ko si Reign na nanghihina at humahawak sya sa kanyang dibdib, tumingin ako non ni Kevin. Kita ko sa mga mata nya yung pag aalala, pagsisisi, at galit...."

"....Parang nagsisisi sya sa sinabi nya kay Reign kanina. Na para bang di na lang nya sinabi na mahal nya ako. Ang sakit lang." Di ko na pala namalayan na niyakap na nya ako.

"Palagi na lang sya ang dahilan ng pag iyak mo. Palagi na lang ganito. Pero palagi mo parin syang iniintindi." May lungkot sa mga sinabi nya. "Hindi mo naman ako mapipigilan eh. Yun naman talaga pagdating sa kanya. Sana maintindihan mo muna ako ngayon Jae."

Humiwalay sya sa yakap at biglang umalis sa di malamang dahilan. Medyo nagulat ako sa ginawa nya. May nasabi ba akong masama? Pero parang wala naman ha.

Jae's POV

"Palagi na lang sya ang dahilan ng pag iyak mo. Palagi na lang ganito. Pero palagi mo parin syang iniintindi."

"Hindi mo naman ako mapipigilan eh. Yun naman talaga pagdating sa kanya. Sana maintindihan mo muna ako ngayon Jae."

Ano bang meron sa gagong yun Erin? Di ka pa ba naaawa sa sarili mo? Pero ako OO!

Umalis ako kanina dahil nasasaktan ako. Hindi ko kakayanin kapag nasa harap ko si Erin. Nanghihina ako.

Hinahanap ko ngayon si Kevin. Susubukan ko sa clinic.

Pagkapunta ko don, wala sya.

Pumunta ako sa gym. Minsan don sya tumatambay kapag may problema sya.

Pagdating ko don, nakita ko syang nagdidribble ng bola at sinushut ito sa ring. May times na hindi nya mashot.

Pumasok na ako at hindi man lang nya ako napansin na pumasok, kahit papalapit ako ngayon sa kanya wala parin sa kanya.

"Suntukin mo na ako ngayon." Agad nyang sabi at napatigil ako. Tumigil sya at tumingin sa akin. "Yan ka naman diba? Kapag si Erin ang pinag uusapan, masasaktan ka at susuntukin mo ako. Kasi iniisip mo na sinasaktan ko si Erin. Diba?....."

Sinuntok ko na sya. "..... di lang sya ang nasasaktan sa kondisyong ito Jae. Tayong dalawa din Jae." Napatigil ako. "Alam kong mahal mo si Erin." May luhang lumabas galing sa kanyang mata.

Iba kami masaktan at yun ay kapag umiiyak na kami. At ramdam ko ngayon ang sakit na nararamdaman nya.

"Sa tuwing kasama nyo ang isa't isa, patago ko kayong minamasdan. Kapag naman kasama ko sya, ikaw ang hinahanap nya. Kaya nawalan ako ng lakas ng loob na kunin ang atensyom nya sayo. Hinahayaan ko na lang kayo kahit masakit." Pinunasan nya ang luha nya.

"Naguguluhan na din ako Jae. Delikado ang kalagayan ni Reign ngayon. Kailangan nya ako." Napatingin ako kay Kevin.

"Pero kailangan ka din ni Erin!" Napayuko sya. "Bantayan mo muna sya ngayon. Pero wag mo syang kunin sa akin. Mahal na mahal ko yun." Tumayo na sya at naglakad paalis.

++++***************++++

Gano ba kahirap ang sitwasyon ng tatlo ngayon? Si Erin nasasaktan, si Jae nasasaktan at si Kevin nasasaktan.

Vomments everyone. ARMY's out there, anyeong!

The ChoiceWhere stories live. Discover now