Chapter 22

4 1 0
                                    

Chapter 22 *Kwintas*

Reign's POV

"Jae." At agad naman siyang gumising. "Nandito na tayo." Dagdag ko pa. Tinanaw niya muna kung nasan kami.

"S-soul Park?" Napatawa ako sa mukha niya. Parang nagtataka na naguguluhan na parang nagtatanong na anong gagawin namin dito. "Yes. Dahil, makakatulong din ito sayo. Sabi daw nila, ang mga taong katulad mo ay posibleng makaalala dito." Ngumiti naman siya.

Nauna na siyang lumabas at nagbayad naman ako agad sa manong driver at sumunod na sa kanya. "Ah miss, garden kami tapos ano po bang magaganap mamaya?" Nagcheck siya at tumingin sa amin.

"Kakanta po ang silent sanctuary." Ngumiti ako at hinila na siya papasok sa loob. "San tayo?" Ngumiti ako sa kanya. "Sa garden muna tayo." At tumango naman siya.

Pagkapasok namin, konti lang yung tao. "Ang ganda naman dito." Sabi ko. "Di lang yung garden pati yung kasama ko." Napatingin naman ako sa kanya. Akala niya di ko narinig. Ngumiti lang siya at hinila na ako.

"Don tayo." Tumingin naman ako kung san banda ito. Hmmm. Look who's there also. "Pwedeng sa ibang lugar na lang Jae." Pagmamakaawa ko sa kanya. "Eh gusto ko don." At ngumiti. Hayss. Fine.

Pumunta na kami don. Medyo pinalayo ko siya sa kanya. It's Erin by the way. Bakit di niya pala kasama si Kevin? Nag away na naman ba sila? Hayss. Di niya kasi alam ang mga bagay na gusto ni Kevin. Kami pa sana ngayon kung di lang siya bumalik sa buhay ni Kevin.

"Upo tayo." Sabi niya at umupo kami sa damuhan. "Sino nga pala yung babaeng tinitignan mo don?" Sabay turo nya kay Erin. "Ah yun. Ah wala. Naawa lang kasi ako dahil mag isa lang sya tapos tayong dalawa."

Get my point? Hahahahaha. Starting as being BITCH.

Bigla siyang tumayo at balak sanang puntahan si Erin. "San ka pupunta?" Ngumiti lang sya at nagpatuloy na umalis. Pero tumayo na ako at hinarangan siya.

"Don't bother her. She's just nothing." Kita ko yung pagkainis niya. Bumalik siya sa pwesto namin at may kinuha don. Nakita ko na kinuha niya don ang panyo. At may hinanap siya na don sa panyo pero parang di niya makita. Galit siyang tumingin sa akin.

Wag nyong sabihin na ako ang may kasalanan dito.

"Nasan yung kwintas Reign?" Nagulat ako sa inasta nya ngayon. "N-nandyan l-lang naman sa p-panyo. Hindi ko nga ginalaw yun at ang panyo lang ang tinignan ko." Pero galit parin siya.

"Eh, bakit wala don?!" Galit na talaga siya. "Jae, kalma lang. Nakakasam---" naputol yung sinabi ko nang sigawan nya ako ulit. "Wala akong pakialam don. Nasan na nga yun kwintas?" Nagulat na ako nong itinulak na niya ako at napatumba ako sa sahig.

"Jae?" Bigla kaming napatingin sa nagsalita. "Reign!" At agad siyang tumakbo palapit sa akin. "Anong nangyari sayo?" Alala nyang tanong. "Okay lang ako salamat." At medyo lumayo ako sa kanya.

"Anong ginawa mo sakanya Jae?" Nagulat nama si Jae nang sigawan siya ni Erin. "Kilala mo ako?" Gulat kaming dalawa ni Erin sa sinabi nito. "Wait di mo siya kilala?" Tanong ko.

"What? H-how?" Takang tanong ni Erin. "Eh, bakit Erin yung nasa panyo mo?" Napatingin siya sa panyo. "Ako?" Napatingin din siya sa panyo. "Erin pala pangalan mo." Sabi niya.

Agad niya itong niyakap. Kumirot yung puso ko, di ko alam bakit. Do I?

No. Never. Nagbabalak pa nga lang ako eh. Pero bakit ganito yung epekto?

Kevin's POV

Palabas na ako ngayon sa mall. At nag antay ng taxi.

"Taxi po?" Sabi nong driver. Tumango naman ako. Pagkapasok ko, agad niya akong tinanong na ikinalaki ng mata ko. "Soul Park po ba punta nyo?" Ba't niya alam?

Tumango ako. At ngumiti naman yung driver. "Pwede nyo po ba itong ibigay sa taong nag mamay ari nito?" Kwintas. Na may Erin at Jae na nakasabit.

Anong ibig sabihin nito?

"Sa pasahero ko po yan tatlong minuto ang nakalipas." Tatlong minuto, tatlong minuto? So kay Jae yan? Eh si Reign naman yung kasama niya kanina ha. Syempre Kevin, may gusto kaya yun kay Erin.

"Sige po manong." At nagpasalamat sya sa akin.

Tinignan ko ang kwintas. Malaking Erin ang nakasabit at maliit na Jae. Mukha pang bago ha.

Pero mas magmukha tong bago kung pangalan niya lang ang nandito.

Agad kong kinuha ang pangalan ni Jae don sa kwintas.

Wag kang magbabalak na agawin sa akin si Erin Jae.

Soul Park

"Salamat po manong." At lumabas na ako.

"Miss sa garden." Sabi ko. Don kasi sa GPS, nasa bandang garden sya dito.

At pumasok na agad ako.

Garden, garden?

Ayun!

Pumasok na ako don at WOW! Ang ganda dito.

Pero asan siya? Kinuha ko ulit ang phone ko at tumingin sa GPS. Nandoon siya sa bandang may kakahuyan ng garden.

Tumingin naman ako sa bandang may kakahuyan. Is that Erin nakayakap si Jae?

Di ko na napigilan ang sarili ko at napasugod na doon.

Gulat silang napatingin sa akin at pati sa ginawa ko.

Sinuntok ko si Jae.

"Mind may forget but heart can't."

Yan lang po muna. Tnx for reading. Support always. Salamat po.

The ChoiceWhere stories live. Discover now