Chapter 11

2 1 0
                                    

Chapter 11 *Mall*

Erin's POV

Medyo maulan ngayon. Ganda nya rin noh? Kung kailan ako may lakad, bigl naman dumating. Malapit na namang 10.

Wala namang kung anong text si Shai. Pero magmamadali na ako. Hirap na. Mas mabuti na yung ako ang mag antay sa kaniya kesa siya yung mag antay sa akin.

Palabas na ako ngayon ng bahay. Aga ko noh... sa totoo lang, 9:08am pa lang. Pero gusto kong pumunta don ng maaga. Ikutin ko muna yung mall. Hahaha.

Sigurado ako na isasama ni Shai yung si Zeus. Syempre, ano pa ang inexpect nyo sa dalawa. Hahaha. Lul. Di yun mapaghiwalay. Di kagaya namin ni Kevin, naging mapait ang matamis na love story.

Kung sakaling hindi ko binigyan ng chance sa panliligaw si Kevin, meron bang darating na handang mahalin ako?

"Nandito na po tayo ma'am." Sabi ni manong driver. "Sige salamat manong." Hay. Siguro wala.

Tinignan ko yung phone ko pero wala paring text ni Shai. Total, 9:30am palang. Siguro, maglakad lakad muna ako. Haysss.

Bahala na kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

Ang hirap palang mamasyal kapag ikaw lang mag isa. Sana tinawagan ko si Kevin. Pero darating naman si Shaira mamaya. So hintayin ko na lang sya.

Pumasok ako sa isang dress shop. Magtingin tingin lang ako ng damit. Baka may magustuhan ako. Puro na kasi luma yung mga damit ko. At para makapag isip din.

Medyo may kamahalan dito. Siguro sa iba na lang. Di kinaya ng budget ko. Pumunta ako sa malapit lang na dress shop sa pinuntahan ko. Gusto ko kasi yung mura tapos attractive, hindi yung mahal pero ang dali lang masira.

Katulad lang nangyari sa amin ni Kevin, nag MAHAL pero and dali lang NASIRA.

9:54am na pala. Ang bilis naman. Wala akong nabili dahil wala akong mapili. Hirap pumili.

May nagtxt sa phone ko.

Bf  Shaira
Nandito na ako bes. San kana?

Agad akong bumaba sa ground floor. Pero hindi ko siya nakikita.

Bf Shaira
San ka? Hindi kita makita.

Naglibot libot ako. Pero wala akong makitang presensya ni Shaira.

Bf Shaira
Nandito ako sa may entrance ng mall.

Agad akong pumunta sa entrance ng mall. Pagkarating ko don, bigla akong kinabahan. Di ko alam bakit. Pero Erin, inhale, exhale. Kalma. Ano naman.

Kaya ngumiti ako papalapit sa kaNILA.

"Hi Shai. O akala ko ikaw lang? Ba't sumama toh?" Agad kong tanong sa kanya. Nagkatinginan pa sila bago sumagot.

"Ah...eh...hehe. Walang magawa sa buhay eh." Tumawa na lang din ako. Pero plastic lang. Inakbayan ko si Shaira at nilayo muna kay Jae.

"Ba't mo naman sinama yan?" Mahina kong sabi sa kanya. "Wala ngang magawa sa buhay." Binatukan ko si Shaira. "Aray!" At bumalik na kami. Inakbayan ko bigla si Jae. Gulat kami pareho sa ginawa ko. Hehe. Kaibigan ko naman toh diba? DIBA?

"O, sige cr muna ako. Txt nyo lang ako kung saan kayo. Sige ingat." Sh*t ka Shaira. Walang malisya Erin. Kaibigan lang kayo. KAIBIGAN.

"Ah....E-erin. Siguro pwede mo nang ano. Yung k-kamay mo." Nagets ko agad yung sinabi nya kaya nilayo ko agad yung kamay ko sa leeg nya. Nakakahiya kaya. "Sorry." Ngumiti lang sya. Namiss ko yung dating Jae. Hahaha. Yung palaging nakangiti.

"Namiss kita." Agad kong sabi. Tumigil sya sa paglalakad. Pero di ito lumingon. "Tara na! San mo balak pumunta?" Hahawakan nya sana yung braso ko para hilahin ako pero nilayo ko ito. "Siguro, hihintayin ko muna si Shaira." At lumakad na ako papunta sa CR.

Jae's POV

Sh*t ka Jae! Baliw! Tanga! Nandon na oh! Aiiissshhhh!!!!

Sa totoo lang hindi naman talaga nag cr si Shaira. Kita ko nga sya ngayon oh. Sumisilip, nagtatago. Pinagtawanan lang ako ngayon.

Lumapit sya sa akin. At tawa ng tawa. "Baliw ka pala noh? Hinayaan mo lang sya. Ikaw nagyaya sa kanya tapos ginaganyan mo lang?" Yumuko lang ako.

"Siguro puntahan mo muna sya. Maglakad lakad muna ako. Nandon sya sa cr." At agad na akong umalis.

Pumunta ako ng second floor. And bibili sana ako ng ice cream, pero parang nawalan ako ng gana.

Pano ba naman? ALYSSA & KEVIN. Magkahawak ang kamay, masayang naglalakad. So ganito pala gusto mo Kevin. Maghanda kana, mas lalo kong hihigpitan ang pagkakapit ko kay Erin. Nagtago ako at pinicturan silang dalawa.

At agad na akong umalis don.

++++***************++++

Part 2 po sa next chapter.

Vomments everyone. ARMY's out there, anyeong!

The ChoiceWhere stories live. Discover now