Chapter 6

4 1 0
                                    

Chapter 6 *1st day of ligaw*

Erin's POV

Napapansin ko na iniiwasan na ako ni Jae. Tinanong ko naman sya pero ngumiti lang sya. Medyo awkward sya ngayon. Awkward naman talaga sya. Pero iba ngayon ehh. Ngayon patapos na kami, may iaannounce lang daw si maam sungit. "Okay class, palapit na ang foundation day

natin. May idea ba kayo kung anong gagawin? Kayo ang maghahanda lahat kasi kayo ang ATE at KUYA dito sa campus. "Me ma'am." Si Shaira. "Booths ma'am." Napatango tango si maam. "Anong klaseng booth?" Tumayo si Jae. "Horror Booth maam." Umupo sya at tumingin sa notebook

na kanina pa nya ginagalaw. "Hugot Booth maam." Sabi ng kambal. "Ano pa?" Tumayo ako. "Hindi po booth akin maam. Pwede po bang mag tatalent show tayo tapos Ms. and Mr. Campus?" Umupo ako. Tumingin lahat sa akin tapos, tumayo si KATHRYN, LIZA, NADINE, at JANELLA.

"Yes, maam." Ngumiti si maam. "Nice idea Ms. Mendez. Sige. Tapos yung booth, yung dalawa na ha. Ok. Thank you for your cooperation. Goodbye." Haysss. Uwian na rin sa wakas. "Erin. May nagpapabigay." Isang rose. Na may sulat. 'Hindi ko kayang mawala ka Ms. Mendez.' Tapos

tinignan ko kung sino ang nagbigay. Wala naman dito except sa lalaki. Busy ang lahat sa pag aayos ng mga gamit. Nakita ko si Kevin na paalis na ng room tapos sumunod si Jae. Anong problema nila.

Jae's POV

Pagkalabas ni Kevin, agad akong sumunod. Di ko alam kung bakit ang laki ng galit ko sa kanya. Basta't galit ako sa kanya. "Kevin!" Lumingon sya at kong sinuntok. Wala nang salita. "Anong problema mo ha?" Sinuntok ko sya ulit. "Ikaw!" Pinunasan nya ang dugo sa kanyang labi. "Bakit,

anong ako?" Di ko pwedeng sabihin sa kanya. "Gago ka!" Suntok ulit. "Tama na Jae!" Si Shaira. Tumigil naman ako. Pinsan ko sya sa side ni mama. "Ano bang nakain mo? Bakit mo sinuntok ang taong wala namang ginawa sayo." Tumingin ako kay Kevin tapos kay Shaira. "Meron! Wala

nga syang ginawa sa akin pero sya ang dahilan kung bakit ako ganito!" Alam kong magulo pa pero hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman nyo o malaman nya. Umalis na ako don. May nakita akong mga tao na may hawak na bulaklak. At parang hanggang GARDEN sila.

Pinuntahan ko ang isang estudyante. "Anong meron?" Tumingin sya sa akin. "May magaganap na ligawan mamaya." Ligawan? Sino ang liligawan at sino ang manliligaw? May narinig akong kaguluhan. Tumingin ako don. Di ko gaanong namumukhaan ang babae. Maya maya, nakita

ko na. Si Erin. Kita ko yung ngiti na nakaukit sa kanyang labi. Palapit na sya. Kinuha ko yung bulaklak sa katabi ko. Nagulat pa sya pero sinenyasan ko sya na umalis. Tapos umalis naman. Palapit na sya. Tumingin sya sa akin. Nagulat sya. Tumingin pa sya sa likod ko. Tapos tumingin

ulit sya sa akin tapos ngumiti. Dali dali syang lumapit sa akin at kinuha ang bulaklak. "So, ikaw pala ang nagpapakana nito?" Ngumiti sya at inaamoy ang bulaklak. "Kaya pala medyo tahimik ka kanina, di mo ko kinausap. Galing mo palang umakting noh! Di talaga halata." Ang sakit.

Buong akala nya na ako ang may kagagawan nito pero ang gago palang yun na palapit sa amin. "Sige alis na ako. Bilang KAIBIGAN mo, wish you all the best. Ayan na sya. Bye." Paalam.

Erin's POV

Lumingon ako. Si Kevin. "O, bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. "Huh? Di mo ba alam?" Umiling iling ako. "Bakit anong meron?" Huminga sya ng malalim. "Tara, may pupuntahan tayo." Hinawakan nya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. Parang on the way to garden

to ah. "Saan tayo pupunta?" Ngumiti lang sya. "Tara, pasok tayo." Pumasok kami. Napatigil ako. Ano to? "Naalala mo ba yung sinabi ko, na LILIGAWAN KITA ULIT." Okay. So, ito? Nagsimula na kaming maglakad papunta sa isang bench. "Nagustuhan mo ba?" Tumango ako. Tumingin ako

sa kanya. Napansin ko na may galos sya sa mukha. "Anong nangyari dito?" Nilayo nya ang kanyang mukha nang mahawakan ko ito. "Masakit." Napangiti ako. "Sorry." Tapos hinawakan ko ulit pero nag iingat na ako. "Sinong may gawa nito?" Seryoso kong tanong. "Kung sasabihin ko ba

sayo, maniniwala ka?" Tumango ako. "Si Jae." Natigilan ako. Si Jae? Bakit naman nya gagawin yun? "Wag mo na lang to isipin. Ang isipin mo, ito." Ngumiti sya. Pero ako, tulala parin.

Shaira's POV

Nandito ngayon si Jae sa bahay namin. "Bakit ka nandito?" Parang paiyak na sya. O, bakit ganito to? "Shai." Umupo sya at don binuhos ang pag iyak. Niyakap ko sya. "Si Erin na naman ba?" Mas lalo syang umiyak. "Tahan na." Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang

mga luha nya. "Baliw ka talaga Jae." Umiyak na naman sya. "B-baliw nga. Baliw na baliw sa kanya na hindi naman pinapansin." Kawawa naman tong pinsan ko. "Bakit ka ba ganyan? Umiyak ka dahil sa babae." Tinuturo turo nya yung dibdib nya hanggang sa sinusuntok suntok na nya

ito. "Hoy Jae, tama na." Pinigilan ko sya. "Ang s-sakit sakit. Ganito pala pag nagmahal." Pinakinggan ko lang sya. "A-akala pa nya kanina na ako yung may p-pakana sa pa flowers flowers. Pero si K-kevin lang naman ang may pakana n-non. Kita ko yung s-saya sa mga labi nya. Sana ako

na lang ang may gawa non. Kanina, kung pano hinawakan ni K-kevin ang kamay nya na sana ako lang ang hahawak non. Pero wala naman akong karapatan diba?" Pinatahan ko sya. Pero ayaw nya talagang tumigil. "Mahal mo diba?" Tumango sya. "Ipaglaban mo." Medyo tumigil na sya

sa pag iyak. "Di ko kaya." Seryoso nyang sabi. "Bakit naman?" Humihikbi na lang sya. "Baka makasira lang ako. Masaya na naman sila." Sinampal ko sya. Pero di sya kumibo. "Sige na. Uwi na ako. Salamat sa pagsampal mo sa akin." Hays... Baliw talaga sya. Siguro kakausapin ko si Erin

bukas.

++++***************++++

Isang Jae Ron Perez, nasasaktan ng ganun kalala?
Haba ng hair ni Erin.
Vomments everyone. ARMY's out there, anyeong!

The ChoiceWhere stories live. Discover now