Chapter 5

3 1 0
                                    

Chapter 5 *Nasasaktan ako*

Erin's POV

Di ako makatulog. Bakit ko kasi yun sinabi sa kanya? Mas lalo lang yun aasa. Pero dapat rin naman nya malaman yun diba? Gusto kong magiging kami ulit. Atleast sa pangalawang pagkakataon, alam ko na kung anong pakiramdam masaktan. At kung gano kasakit. Pero pano yun

mangyayari kung ngayon sya naman yung lumalayo sa akin? Pinakawalan nya na ako. Di naman nya sinasadya yung nangyari sa amin noon diba? Mahal nya naman talaga ako diba? Kita kita ko sa kanya ang sagot sa mga katanungan ko kanina. Yung mga mata nya, nagmamakaawa

at parang sising sisi sya sa nangyari. Hays. Ito namang si Jaeron, parang may iba sa mga kinikilos nya. Aaaaaiiiiiiiissssssshhhh! Bahala na kayo sa buhay nyo. May buhay rin kaya ako! Makatulog na nga.

KINABUKASAN

The same routine. Tapos punta na sa school. Medyo late ako nagising ngayon kaya medyo traffic na rin. Pagpasok ko sa campus, ang tahimik na ng buong paligid. Pero wala akong pakialam. Bahala sila. Buhay ko muna ngayon ang iisipin ko. Pagpasok ko sa room. Nandon na ang maam

pero wala akong pakialam, may buhay ako. "Good morning." Tapos lakad papuntang upuan. "Ms. Mendez?" Lumingon ako kay maam. "Bakit po?" Beast mode na'to siguro. In 1,2,3...... "Mas maaga pa ata ka sa teacher eh noh!" Wala akong pakialam. May buhay ako. "Sorry ma'am." Nag

snob sya sa akin. Wala akong pakialam, may buhay ako. "Uupo na po ako..." Nadaanan ko sya. Nakayuko lang sya. Wala na akong pakialam sa kanya, may buhay ako. Pero bigla nyang hinatak ito at hinila ako palabas. Nagulat silang lahat sa ginawa ni Kevin. Hinayaan ko lang sya.

Bahala sya, may buhay ako. Tumigil kami sa isang tambayan ng school. "Bakit tayo nandito?" Huminga sya ng malalim. "Gusto lang kitang makausap." I smirked. "Nag usap na naman tayo diba?" Ngumiti sya. "Wala ka ata sa mood ngayon." Tapos ngisi ulit. "Wag mo akong ginaganyan

ganyan. Di to nakakatuwa." Sumeryoso sya. "Bakit ka ba kasi ganyan?" Inis na tanong nya. "So, nagyon, ikaw pa ang naiinis?" Huminga sya ng malalim. "Masyado ka kasing seryoso." Ngumiti na sya ngayon. "Dahil ba sa sinabi ko kahapon na hindi mo matanggap tanggap? Tapos pinag-

sisihan mo yung sinabi mo yung "B-balang araw m-magiging tayo ulit." Ginaya pa talaga nya yung emosyon ko kahapon. "Oo, pinagsisihan ko yun. Wala na din naman akong magagawa dahil tapos na yun." Ngumiti sya. "Pero, gusto mo ba talagang maging tayo ulit?" Sinapak ko sya.

"Feeler ka din eh noh! Asa ka!" Tinarayan ko sya, bahala sya, may buhay ako noh! "Aasa talaga ako." Sabay kiss sa pisngi ko. Tapos hinila ako papalapit sa kanya at niyakap ako. "Nakapagdesisyon na ako Erin. Binawi ko yung sinabi ko na papakawalan na kita. Kasi baka, meron pa.

Liligawan kita ulit. Sa ayaw't sa gusto mo." Tapos hinila na nya ako pabalik sa room.

Jae's POV

Sinundan ko silang dalawa. Di ko alam kung bakit ako ganito. Kay Erin ko lang ito ginawa. Nag aalala kasi ako sa kanya kanina, parang problemado ata. Tapos tumingin sya kay Kevin na nakayuko. At ayun, nagets ko na kung bakit ganun si Erin. Wala namang iba pang dahilan, e di

sinaktan sya. Pero nang makita ko sila na nag uusap ng seryoso, bigla akong nakaramdam ng galit. Kahit anong gawin mo Kevin, hindi kita hahayaan na mapasayo ulit si Erin. Bilang kaibigan ni Erin, I will do my right. [otor: BILANG KAIBIGAN LANG BA TALAGA JAE?] Oo naman. At

wala nang iba pa. Nakita ko na ngumiti si Kevin kay Erin. Tapos nagkasagutan sila. Tapos ginawa nya ang ikinagugulat ko, Kevin kiss Erin [otor: NAGULAT KA LANG BA TALAGA O NASASAKTAN?] Nagulat lang po. Sa pisngi lang naman. No worries. [otor: NO WORRIES BA TALAGA JAE?]

Opo author. No worries, kaibigan lang naman ako. [otor: KAIBIGANG UMAASA?] Hindi noh! [otor: DEFENSIVE KA ATA.] Di kaya. [otor: AYSUS!] Bahala ka author!

Agad akong nagtago nang makita ko na paalis na sila doon. Nakita ko syang ngumiti habang paalis sila don. Denial ba ako? [otor: SUPER JAE!] Ganun ba? Pero masasabi ko siguro na nasasaktan ako. NASASAKTAN AKO.

++++***************++++

Nasasaktan ang mga taong nagmamahal.
So, nagmamahal nga ba si Jae?
Vomments everyone. ARMY's out there, anyeong!

The ChoiceWhere stories live. Discover now