Chapter 24

2 0 0
                                    

Chapter 24  *Forget*

Erin's POV

Kagabi pa ako umiiyak. Hanggang ngayon, I still feel the pain he leaves me. Talagang I didn't expect that to happen.

Dahil lang talaga sa sinabi ni Jae, he directly break up with me? Ganun? Pero para sa akin, wala lang yun eh. Kasi ang alam ko mahal ko si Kevin at mahal din ako ni Kevin. Pero ano nangyari?

MESSAGE RINGTONE....

Kevin
Usap tayo.

Biglang pumatak ang mga luha ko. Buti't naisip pa niya ako. Akala ko wala na talaga kami.

Kevin
Sige. San ba?

Kevin
Nandito na ako sa inyo.

Agad akong napatingin sa baba. And yes. He's here. Agad akong bumaba at sinalubong siya ng yakap. He's not hugging me back and I understand that. Kaya naisipan ko na lang na humiwalay sa yakap.

"I'm here to talk to you. Not to take back my decision yesterday." O God! Sh*t! Ba't ang sakit? "So what now? Just go directly to the point." Bigla na lang ako nawalan ng gana sa kanya pagkatapos niyang sabihin yun.

"I'm sorry. I hope you understand. Talagang hindi ko na kaya pa. Lalo nang mas malapit sayo si Jae." Napangisi na lang ako. "Anong ikinaseselos mo kay Jae! He's just a friend of mine! At ikaw yung m-mahal ko Kevin!"

Nakita ko na napapikit siya ng mariin. "Mahal din naman kita Erin. It's just ang lapit mo na kay Jae. At natatakot akong makuha ka niya." Napangisi ako ulit. "Natatakot ka?! Eh, anong ginawa mo sakin ngayon? Pinakawalan mo ako at hinayaan mo na lang na kunin ako sa kaibigan mo na ikinatatakot mo palang makakuha sa akin!"

Napayuko siya. "I'm sorry." God! Sorry?! Just sorry?! I don't need his sorry! I need him! Siya ang kailangan ko! "Alam mo! Kung alam ko lang sa simula na DUWAG ka, sana hindi na kita pinatulan pa! At si Jae na sana ang minahal ko ngayon. Sana hindi na ako umiiyak sa harap ng lalaking pinili ko kesa sa taong ginagawa ang lahat para lang makuha ang atensyon ko."

I don't know kung anong gagawin ko sa kanya. "Kevin." Kalma kong tawag sa kanya. "Forget me Erin. Let's forget kung anong meron sa'tin." Paalis na sana siya pero niyakap ko siya. "W-wag muna Kevin. Di ko k-kaya." Pero pilit niyang nilayo yung kamay ko sa kanya. Hanggang sa natumba ako sa sahig.

I hear someone called me. "Jae..." Nanlabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha ko. Mahigpit niya akong niyakap. At hinahaplos ang buhok ko. "K-kalimutan mo na siya Erin." Mas umiyak ako lalo.

Kalimutan? Oo, madali lang sabihin pero ang hirapan gawin.

"H-hindi madali Jae...." Forgetting him is the hardest thing to do. "P-pwede mo ba akong tulungan?" Pakiusap ko sa kanya. "Anong gagawin mo?" Sabi niya. "Na makuha ulit si Kevin." Humiwalay siya sa pagkakayakap. "Erin...." Napakuyom siya sa kanyang kamay.

"Malabo pa ba sayo lahat Erin?" Mas lalo akong napaiyak. Malabong malabo Jae. Hindi ko pa rin maintindihan. "I don't care if it sounds crazy pero oo. Ang labong labo Jae. Bakit ganun? Ginawa ko naman lahat! Hindi na nga tayo nag uusap ng dalawang linggo. Bakit ang init ng dugo niya sayo? Siya naman yung mahal ko! I don't love someone else!"

Niyakap niya ako ulit. "Ssshhhhh. Tahan na. Tinapos na niya lahat sa inyo. Wag mo na siyang habulin pa, ikaw lang ang mapapagod." Tumingin ako sa kanya. "Eh bakit ikaw?" Pinunasan niya ang luha ko. "Hindi ako napapagod Erin. At hindi rin ako mapapagod."

At ngumiti siya. "Alam mo ba na, kapag umiiyak ka, nasasaktan ako. Lalo na't palagi na lang si Kevin ang dahilan ng pag iyak mo Erin. Ang taong minahal mo ay ang dahilan sa bawat pagpatak ng mga luha mo." Tumango tango ako. "Oo nga, pero I still love him." Napayuko na lang ako.

Nahihiya na ako kay Jae. He is always there for me, pero ibang tao naman ang iniisip ko.

"Pumasok muna tayo." Sabi ko. "Sige."

Jae's POV

"P-pwede mo ba akong tulungan?"

"Anong gagawin mo?"

"Na makuha ulit si Kevin." My heart collapsed. Ano bang meron kay Kevin na parang hindi niya ata kayang pakawalan?

Oo nga, pero I still love him. Shit! Bakit nahihirapan siyang kalimutan si Kevin?

Pagkapasok namin sa loob ng bahay nila. Ang tahimik. It looks like wala yung mama niya. "Ikaw lang ba mag isa dito ngayon?" Tumango siya. "Aahhh."

"Nasan pala mama mo?" Umiiyak pa rin siya. "May lakad. Bukas pa ang uwi."

Bigla kong naisip na dito muna ako magpapalipas ng gabi para bantayan si Erin. Pero kung okay lang sa kanya.

"Ah E-erin..." Pero hindi siya nagsalita. Siguro sabihin ko na lang. "P-pwedeng dito na muna ako ngayong gabi?" Napatigil siya sa ginagawa niya. "Bakit?" Napalunok ako. "Para mabantayan kita." Hindi siya nagsalita. "Hindi pwede Jae. B-baka hahanapin k-ka ng mama mo." Naiintindihan ko naman siya eh.

"Eh hindi ka pa okay." Tumingin siya sa akin. "Wag mo na akong pakialaman. Wala namang nag utos sayo na bantayan mo ako." Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Merong nag utos sa akin." Kahit masakit, sasabihin ko na lang sa kanya. Para lang makatabi ko siya ngayong gabi. "Sino?" Lumunok muna ako. "Si K-kevin."

Hindi naman talaga nagsabi sa akin si Kevin na bantayan ko si Erin. Pampalusot lang.

"S-si K-kevin?" Tumango ako. "H-how c-come? Kailan?" Tapos ngumiti siya. It seems she loves him so much. "Nong gabing hinatid kita. Nakita ko siya." Niyakap niya ako.

Ang sarap sa pakiramdam. Pero labag din sa loob ko kasi I used another person just to be with her tonight. Tsk. Bahala na.

"Sige. Gusto mo sa kwarto ka na lang ni ma---" I cut her words at nagsalita ako. "Sa sahig na lang ako sa kwarto mo. Wag na lang don sa kwarto ng mama mo, baka magulat siya kung bakit may taong nakahiga sa kwarto niya. Hahaha" Tumawa kami.

I look at her face. Bakit ka ba palaging umiiyak? You don't deserve to cry. Dahil dapat pinapasaya ka.

***

He may be the reason of your tears but I will make sure that I will be the reason of your happiness.

Yiiiiiieeee. Natapos din. Waaahhhhhh. Umiiyak na dito si author habang sinusulat ang chapter na ito. With matching song na MALAYA by Moira dela Torre. Search niyo guysheus. And vomments. Support... lablots!!!

The ChoiceWhere stories live. Discover now