Chapter 16

4 1 0
                                    

Chapter 16 *Selos*

Erin's POV

Parang walang nangyari. Normal lang ang araw, parang walang problema. Pero nasasaktan parin ako ngayon.

"Erin!" Isa pa ito. Di man lang nagsabi kung anong dahilan sa pag alis nya kahapon. "Close ba tayo?" Pasusungit ko sa kanya. "Bakit? Hindi ba?" Ngumiti ako. Hahaha. Ang cute nya.

"Bakit ka ba kasi umalis bigla?" Ngumiti lang sya. "Sorry...." Sus. Ang OA neto. "....kasi sinuntok ko si Kevin." Bigla akong napatigil. "Sinuntok? Mo? Si Kevin?" Tumango sya na para bang nag aalala.

"Affected ka pa rin ba sa nangyari kahapon Erin?" Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Umiiyak ka na naman." Dugtong nya. "Tears of joy to noh! Ano ka ba!" Tumawa lang ako pero seryoso pa rin sya.

"Oo na. Affected pa rin po. Okay na?" At bigla nya akong niyakap. "Di ka parin ba nahihirapan?" Humiwalaya ako sa yakap nya at nginitian sya. "Hindi po ako nahihirapan. So, wag na po kayong mag alala." Tapos nginitian ko sya ulit.

"Seryoso ako Erin." At tinititigan nya talaga ako sa mata. "Sinabi ko na sayo noh. Ano ka ba! Salamat kasi concerned ka sa akin. Hindi pa ba magaling si Reign?" Umiling sya.

"Hindi pa sya pinalabas sa ospital." Pagkatapos ma check ni Reign sa clinic, dinala agad sya sa ospital. Hindi daw kaya ng clinic lang ang gagawa ng operasyon. Kaya ayun.

"Pwede ko ba sya bisitahin mamaya?" Biglang naging blanko ang mukha nya na para bang kahit baliktarin mo pa ang mukha nya, di mo talaga mababasa ang ipinapahayag nito.

"P-pwede b-bang wag m-muna?" Ngumiti lang ako. "Ok po." At naglakad na ako papunta ss classroom.

Pagpasok ko, agad kong nakita si Kevin at nakatitig din sa akin. Naramdaman ko na tumabi sa akin si Jae at bigla namang umiwas ng tingin sa akin si Kevin.

Ano bang nangyari sa kanya?

Kevin's POV

"Naguguluhan na din ako Jae. Delikado ang kalagayan ni Reign ngayon. Kailangan nya ako."

"Pero kailangan ka din ni Erin!"

"Bantayan mo muna sya ngayon. Pero wag mo syang kunin sa akin. Mahal na mahal ko yun."

Palagi ko yang iniisip.

What if maging okay na si Reign? Ano naman ang gagawin ko sa kanya kung babalikan ko si Erin? Pano kung sa mga araw na kasama nya si Jae, baka mawala ma yung nararamdaman nya sa akin?

Ang mahal ko ay si Erin, hindi si Reign. Oo, naging kami ni Reign noon pero hindi naman kami nagtagal. Dahil hindi ko naman sya minahal at first. At hindi ko kinaya non na magmahal ng iba dahil mahal ko pa si Erin non hanggang ngayon.

Bakit ko ba kasi sinabi kay gagong Jae na yun na sa kanya muna si Erin? Alam ko naman na ang flirt ng lalaking yan.

Pumasok na sila sa loob ng classroom. Tinapik nya ako sa likod na para bang sinasabi nya na sa kanya na muna si Erin at hindi na muna magiging sakin.

Ghaaadddd!!! Jae!!!

"Upo ka na. Wag mo na kasi sya intindihin. Just try to forget everything. Isipin mo na parang walang nangyari." Sabi ni Jae kay Erin. Pinaparinggan ba ako neto?

Nakita ko na tumango si Erin at ngumiti kay Jae. Bakit ba kasi kay Jae masaya sya? Nong unang ligaw ko sa kanya, nawalan sya ng gana.

Gusto kong suntukin si Jae non. Wala naman syang karapatan ha. Kaibigan lang sya. Kung makapagtanggol akala mo boyfriend.

Selos? Hahahahaha. Akala ko ba ang babae lang ang nagseselos? #JaeRin o #ErVin

The ChoiceWhere stories live. Discover now