Chapter 37

0 0 0
                                    

Chapter 37 *Familiar*

Erin's POV

Ang ganda talaga ng Singapore. Hindi ko na tuloy gusto umalis dito. Hays. Singapore would make me happy for sure.

Saan ba ang magandang puntahan dito? Tanaw dito, tanaw don, tanaw diretcho. Ayun! Cafe siya. Pero siguro sapat na ito para mawala tong gutom ko.

Pumunta na ako. Waaahhh! Ang bango! Mas lalo akong nagugutom. Pumila na ako. Medyo maraming tao dito. Pero siguro paalis na sila. Kaya posibleng hindi na maging masikip dito.

"Yes maam?" Nginitian ako ng cashier. Nginitian ko din siya pabalik. "One capuccino and one slice of mochalicious cake. Please." Tumango siya. "Here's your number maam. Just wait here." Tinuro niya kung san ako mag aantay.

Tinignan ko ang time. It's already 5:13pm. Mag gagabi na rin. Pero di pa tinext nila mommy yung address ng hotel. Tatawagan ko na lang sila mamaya.

"23?!" Sigaw ng waiter na lalaki. Wow ha! Isisigaw talaga? Hindi naman ako bingi dito! "That's mine." Tumingin siya sa akin. Ngumiti siya. "Sorry maam." Ngumiti lang din ako.

Kukunin ko na sana ang tray pero nagulat ako sa ginawa niya. "Let me take this. Where's your table?" Wow! Ang gentleman niya pala. "Sorry but..." Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla na siyang umalis at pumunta sa bakanteng table.

"Sa tingin ko wala ka pang napiling table. Kaya hinanapan na kita." Marunong pala tong magtagalog. Hays. "S-salamat. ^^" Waaahhh! Di ko inasahan. Sa nakikita ko kasi dito na ang mga costumer lang ang nagdadala ng orders nila.

"Ah. Ma'am..." Siya na naman ulit. "Tissue po." Nilagay niya ito sa table. Wala silang uniform dito. Silbi parang casual lang yung suot nila dito. Si kuya waiter naman, simpleng jeans at polo yung suot niya tapos top sider.

"Erin na lang. Parang magkaedad lang naman ata tayo." Nginitian ko siya. "Sige po. George po pala." Ngumiti siya. "And yung po...please tanggalin mo din."

Tumawa lang siya. "Sige. Balik na ako Erin." Waaahhh. Ang gwapo niya dun.

A/N: May Jae ka Erin!

Waaahhhh! Author naman eh!

Kaya nga ako nandito diba. Nagbabakasakaling makalimot!

"Ah George!" Tumingin naman siya sa akin. "Aantayin kita." Nagulat naman siya. Bumalik siya ulit sa pwesto ko. "Mamaya pa out ko eh. 7:00pm" So ano ngayon? "Oo alam ko. Aantayin lang talaga kita."

Tumango na lang ito at bumalik na. Alam kong nagulat siya. Hindi ko naman siya kilala. Pero ang gaan kasi ng loob ko sa kanya. At gusto ko pa siyang makilala.

5:37pm na. Medyo magtatagal ako dito sa cafe. Pero okay lang.

"Breaking News: Mr. Jonathan Perez is giving his throne as CEO to his son Mr. Jae Ron Perez." Napatingin ako sa TV ng cafe. Jae?

"Mr. Jae Ron Perez is still in amnesia. According to his father, they don't know when he can remember. But they just don't mind it." Bigla akong napaiyak. Naka alala na siya. Hindi ako naniniwala na may amnesia pa siya.

Pero posible pa din. Hindi kami nagkita bago ako umalis. Hindi niya ako hinanap ulit. At wala na akong balita sa kanya pagkatapos ng lahat.

Tumingin ako sa oras. 6:00pm na. Wala pang text sila mommy. E tetext ko na lang.

Mommy:
Mi! San na ang address ng hotel?

The ChoiceWhere stories live. Discover now