Chapter 9

5 1 0
                                    

Chapter 9 *Ayoko na*

Erin's POV

Medyo kinakabahan ako. Gagawin ko ba talaga? Parang di ko kaya. Bigyan ko ba ng chance ulit si Kevin? Si Jae kaya, papayag ba syang mag usap kami? Baka magalit lang yun.

Naaaahhhhhhhh.

Papunta na ako ng school. Hayssstttt.

"Nandito na po tayo ma'am." Nabalik ako sa katinuan nang magsalita si manong. "Salamat manong." At agad na akong bumaba. Inhale, exhale. Erin, be confident.

Papasok na ako sa room. Pagpasok ko, may tao na. Napansin ko na tatayo si Jae, tapos lalabas tapos makipag change ng seat? Ano to? Same routine nya? Ano bang problema nya?

Wala pa naman si Kevin, so focus muna sa kanya.

Dinaanan nya lang ako. Wow! Parang statwa lang ako dito noh?! Nakita ko na nakatingin si Shaira at Zeus sa akin. At parang naawa. Ay sus! Ako? Kaawaan nila? Dahil lang don sa lalaking yun? Nahhh! Wag na lang.

Lumabas ako ulit ng room. Tinawag ko sya pero di sya nakinig. Hinabol ko sya. "Jae!" Tumigil naman sya. Medyo nahihilo ako ngayon. Bakit ba palagi na lang ako?

Di parin ako bumibitaw sa pagkakahawak ko sa braso nya. At di naman nya nilayo yun sa akin. Di ko talaga sya maintindihan.

Jae's POV

"Jae!" Bakit ba palagi na lang ganito? Iniiwasan ko sya para madali ko lang tong malimutan tong bwisit na feelings na to para sa kanya. Parang tutmatakbo sya palapit sa akin.

Yan na naman, pinapahirapan ko na naman sya. Hinawakan nya ang kamay ko at hinayaan ko lang yung nakahawak sa braso ko. Miss ko na rin ang presensya nya na palaging na sa akin LANG, pero ngayon parang mawawala na ata.

"Ano na naman." Nagtatanong ba ako? Pero unti unting nawawala ang pagkakahawak nya sa akin.

Agad ko syang tinignan at pabagsak na sya sa sahig. Agad ko syang sinalo. Medyo namumuti yung labi nya. At parang ang hina nya ngayon.

Di na ako nagdalawang isip na isugod sya sa clinic.

Pagkarating namin don, agad kong hinanap ang in charge ng clinic. Hindi na ako mapakali ngayon!

"Nurse, please oh. Asikasuhin nyo po sya. Gawin nyo po lahat, gumising lang po sya ulit." Palakad lakad ako sa labas ng clinic. I just can't controll myself.

After 30 minutes. Tinawag ako ng nurse. Pumasok ako sa loob ng clinic. Nakita ko syang nakahiga. Sana hindi sya nakahiga dyan kung hindi ko sya pinapahirapan.

"Mr. Perez, nanghihina sya pag tatakbo sya. Kaya sana sa susunod, be aware ha. Parang may part sa mga organs nya na naaapektuhan pag tatakbo sya." Tumango lang ako at umalis na ang nurse.

Tulog pa sya ngayon, and all I can do is just titigan lang sya. Erin, put happiness in me. Because of her, naramdaman ko kung gano kasarap sa feeling na maging masaya. Pero anong ginawa ko sa kanya?

Maging gago? Maging isang tanga? Pinapahirapan ko lang sya. Siguro, I don't deserve her.

Umalis na ako don sa clinic. Tatawagan ko na lang si Shaira sila na lang ang magbabantay kay Erin. I don't have right to do that.

Erin's POV

Nagising ako na parang may kakaibang sumakit sa katawan ko. Tumingin ako sa paligid, nandito pala ako sa clinic. I saw Shaira at si Zeus. Parang si Shaira ay hindi mapakali.

Tumingin ako sa bandang side ko, I saw Kevin sleeping. Napangiti na lang ako. "Hi guys." Napatingin si Shaira sa akin. At nagising naman si Kevin. Agad silang lumapit sa akin.

"Anong bang nangyari? Nag alala kami sayo." Alalang ssbi ni Shaira. "Erin." Tumingin ako kay Kevin. "O? Bakit nakasimangot ka?" Tanong ko kay Kevin.

"Sorry." Napayuko sya. "Sorry kasi wala ako sa tabi mo nong nangyari sayo ito." Ngumiti ako at hinawakan ang kamay nya. "Ano ka ba! Wala yun sa akin. "

Tumingin ako sa paligid ulit. Nasan sya? "Nasan si Jae?" Unti unting nilayo ni Kevin ang kamay nya sa akin. "A-ah. Sige alis na muna ako." Tumingin ako kay Kevin. "Kevin!" Pero di sya nakinig.

Hayssstttt. Ano ba!!!!! Nahihirapan na ako! Maawa naman kayo sa akin oh!

Huminga ako ng malalim. "Ayoko na Shai!" Parang naguluhan sila sa sinabi ko. "Ayoko na dito. Hirap na hirap na ako Shai! Palagi na lang ako ang mag aadjust sa kanila!"

At nagsimula na akong umiyak. Di ko na kaya. Ayoko na!
++++***************++++

Pano na yan? Anong mangyayari?
Vomments everyone. ARMY's out there, anyeong!

The ChoiceWhere stories live. Discover now