Chapter 10

2 1 0
                                    

Chapter 10 *Insan*

Erin's POV

Holiday bukas. Buti naman kasi wala nang mag aaksaya ng oras ko. Nakakainis kasi yung dalawa. Hayshhh. Iba sila eh noh? Kala mo kung sino!

Kakarating ko pa lang. At humiga agad ako sa kama. Natatanong ko sa sarili ko na, MAHAL ko pa ba si Kevin? at Mahal ko na ba si Jae?

Syempre mahal ko pa si Kevin. Kaibigan ko lang si Jae. Yun lang yun. Hanggang don lang yun.

MESSAGE RINGTONE...

Sino naman tong nagbalak na magtext sa akin?
Unknown
Hi. Miss na kita.

Ah, baka si Kevin to. Alam nyo naman yun, MAKULIT. Pero may part sa akin na HINDI yun si KEVIN. Pero sino naman? Ah baka si Shaira... bestfriend ko na kaya yun. Kaya pala miss na nya ako.

MESSAGE RINGTONE...
Unknown
Sana miss mo rin ako.

Ay sus! Syempre miss ko na din tong babaeng ito. Sya pa. Makareply nga.

Bf Shaira
Miss na din kita Shai. Kahit nagkita tayo kanina. Haha.

Ayan. Nasend ko na. Saan kaya sya kumuha ng number ko? Ah baka kay Kevin. Si Kevin lang ang may alam ng number ko. Pero close ba sila? Parang hindi. (otor: E kung hindi sila close, hindi na ba pwedeng makahingi si Shaira ng number mo kay Kevin?)

May point ka naman author. Tama nga.

Jae's POV

Erin<3
Miss na din kita Shai. Kahit nagkita tayo kanina. Haha.

The heck! Ang sakit! Kung pwede lang talaga. Pero hindi ako. Bakit mo ba ako ginaganito Erin!

Erin<3
Pwede ba tayong magkita bukas? 10:00am sa malapit lang na mall. Wala namang pasok kaya pasyal tayo.

Aishhh.. nagsinungaling ako sa kanya. Patay din ako nito ni Shai. Gusto ko lang naman na masolo sya, na wala si Kevin. At may sasabihin din ako sa kanya.

Erin<3
Sige bah! Treat mo ha. Tnx in advance.<3:-)

Umalis agad ako sa bahay para puntahan si Shaira. Sya lang naman ang sinasabihan ko sa lahat.

After 1234567890years. Lol.:-)

Pumasok na ako sa bahay nila Shai. Laking gulat ko na nandito sila. Si Zeus, si Jereid at si Kel. Nahhh... kung kailan ko kailangan si insan, nandito pa yung mga ugok na to!

"Oh! Jae! Kamusta lab layp?" Lasing na tong baliw na to eh! "Jae! Bro! Wala naman dito si Erin." Pati din tong ugok na to. "Oh, anong pakay mo bro?!" Siguro si Jereid lang siguro yung matino sa kanilang tatlo.

"Si Shai nasan?" Pumalakpak si Kel. "Weg myeong shavihinn nahh myay giusto kana kayi Shayirahhh." Biglang tumayo si Zeus na pagiwang giwang at sinuntok si Kel.

Pumigil naman si Jereid. "Oh! Anong nangyari?" Sabi ni Shaira. Tumayo si Zeus. "My labs! Waeg kaeng pumaethol sa lablabking yaaannn!" Tinulak naman ni Shaira si Zeus.

"Baliw kaba! Pinsan ko yan noh." At natulog nalang si Zeus. Tumingin sa akin si Shai. "Bakit insan?" Napayuko ako. "Nah! Alam ko na yan. Halika. At Jereid iuwi mo na yan si Kel. At pagkatapos, pwedeng ihatid mo si Zeus sa kwarto. Please." Pilit na tumango ito.

Pumunta kami sa dinning room ni Shai. "Kamusta na yang puso mo?" Napangisi lang ako. "Baliw parin sa kanya." Tinapik ni Shai yung likod ko.

"So what's the point?" Huminga ako ng malalim. "Nagtext ako sa kanya." "O tapos?" Agad agad nyang sagot. "Akala nya ikaw yung nagtext." Tumawa sya. "Di ka kasi nagpakilala. Kaya ayan! O tapos? Nagreply ba sya?" Tumango ako.

"Sabi ko Hi. Miss na kita. Tapos Sana miss mo rin ako. Tapos dun na sya nagreply. Miss na din kita SHAI. Kahit nagkita na tayo kanina. Tapos sinabihan ko sya na magkita kami bukas sa malapit na mall. Tapos umagree naman sya." Tumawa na naman sya.

"Hahahahaha. Kawawa naman tong pinsan ko. Shai, shai, shai. Hahahahahaha." Sarap din nitong batukan eh noh! "Sinong pupunta? Ikaw o Ako?" Napaseryoso yung mukha nya.

"Tayong dalawa!" Napangiwi ako. "Baka magulat sya." Umiling si Shaira. "Bakla ka ba? Basta! Akong bahala. May plano na nga ako ngayon oh!"

Napabuntong hininga na lang ako. "Okay. 10:00am bukas. Susunduin kita." Ngumiti lang si Shaira at lumabas na ako sa bahay nila.

CALL RINGTONE...
Erin<3...

Sasagutin ko ba o hindi?
Ah. Bahala na...

"Hello?" Napangiti na lang ako bigla.

"Shai?" Nilayo ko yung phone ko. At bigla ko naramdaman ang lungkot.

Balang araw, makaramdam ka din ng ganito Erin.

++++***************++++

Mall na sa next chapter. Ano kayang magiging reaksyon ni Erin?
Vomments everyone. ARMY's out there, anyeong!

The ChoiceWhere stories live. Discover now