Chapter 19

4 1 3
                                    

Chapter 19 *Mysterious*

Erin's POV

Umalis na ako kaagad kahit hindi pa nagsisimula ang party. Wala na akong pakialam. Marami pang mga tao na nagsidatingan kaya marami rami sa kanila na nakikita akong umiiyak.

Di ko na alam kung saan ako pupunta. Kung san man ako dalhin sa mga paa ko, sana sa lugar na malayo sa lahat ng problema lalo na sa kanilang dalawa.

Napatigil ako sa hallway ng school nang may narinig akong isang boses na nagpatibok ng malakas sa puso ko.

Now playing: This I Promise You

Ang sarap niyang pakinggan. Dahan dahan kong binuksan ang pinto pero parang napansin nya kaagad kaya mabilis akong umalis don.

"Miss?" Binilisan ko ang pagtakbo ko. Pero parang mahahabol nya yata ako. Kaya naisipan ko na lang na huminto. "Hay salamat, tumigil ka din." Hindi ako tumingin sa kanya.

"Hey miss? Ikaw ba yung nagbukas ng pinto?" Tumango ako na hindi tumitingin sa kanya. "Tumingin ka naman sa akin oh." Pero nagmatigas ako. Hanggang sa hinawakan nya ang chin ko at itinaas ito.

Pero agad ko namang inilayo sa kanya yung mukha ko at agad na akong tumingin sa kaniya. "Oo, ako ang nagbukas ng pinto. Kasi....kasi...." Napansin ko na ngumiti lang siya. Naalala ko yung mga ngiti ni Jae.

"Wag mo na lang ituloy kong nahihiya kang sabihin sa akin." Tapos ngiti ulit. "Alam mo may naalala ako sayo." Ngumiti sya ulit. "Kasing gwapo ko ba? O mas gwapo pa siya O mas gwapo pa ako sa kanya?" Tumawa kami. "Wala sa sinabi mo..." Tumawa kami ulit.

"Kasi hindi ko masyadong nakita yung mukha mo ngayon. Kasi ang dilim dilim dito." Napayuko sya saglit. "K-kasi madilim na ang buhay ko simula nong naaksidente ako." Nagulat ako sa sinabi niya. "Na-aksidente ka?" Tumango siya.

"Naaksidente ako last week lang. Nagulat nga ang doktor kung bakit ang bilis kong nagising. Tapos sabi sa akin ni mama, bukambibig ko daw yung naiisip ko minsan." Nandito parin kami sa hallway nakatayo. "Sino yung taong yun?" Napatingin siya sa akin.

"P-pwede ko bang makita ang mukha mo?..." Sabi niya. Tumango naman ako. "...P-pero dito lang ako." Medyo weird yung sinabi niya. "Takot ka ba sa ilaw?" Ngumiti lang siya. "Hindi naman sa takot, hindi ko lang gusto ang ilaw. Nong mga times na matutulog ako, palaging itim yung naiisip ko at isang babae na parang kilala ko pero hindi ko maalala kung ano siya sa buhay ko." Tumango na lang ako.

Agad na akong pumunta sa may ilaw na hallway. Nang makarating na ako, agad na akong tumingin sa kaniya. "I-ikaw y-yung b-babae. Ahhhhh!!! Aarraaayy!" Nabigla na lang nang hawakan niya yung ulo niya.

Anong nangyayari?

"TULONG! TULONG!" Agad kong sigaw. Napaupo siya at hawak hawak niya parin ang ulo niya. "Ang sakkkiiittt! L-lumayo k-ka sa akin! Aaarrrraaayyy!" Agad akong napatumba dahil sa pagtulak niya.

Gusto kong umiyak. Parang ako ang naging dahilan sa mga pangyayari. Bakit ako na lang palagi?

"L-lumayo ka sa akin! Umalis ka na dito! Aaahhh!" Agad na akong tumayo at naglakad paalis. Ano bang nangyari sa kanya?

Someone's POV

Ang hirap magpanggap. Pero kakayanin. Hays, ba't ba kasi nangyari sa kanya yun? Buti na lang at naikwento niya lahat sa akin yung mga pinagdadaanan niya. Kaya alam ko kung anong dapat gawin.

Message Ringtone....
Tita Denise:
Nasugod siya sa ospital, pumunta ka na dito bilis.

Agad na akong tumakbo paalis. Siguro may naalala na siya. Sinabihan ko naman si Tita na wag siyang hahayaan na mag isa. Hayss.

HOSPITAL

"Tita." Agad namang yumakap sa akin si Tita. "Ano pong nangyari?" Umiiyak siya ngayon. "Nagpumilit siya na umalis at hindi ko alam kong saan niya balak pumunta. At nabalitaan ko na nakita siyang nakahandusay sa paaralang pinapasukan mo." Lumunok ako.

"Sa paaralang pinapasukan niya po at pinapasukan ko ay iisa. Inutusan po ako ni Tito Michael na magpanggap bilang siya. Total po magkamukha naman kami. I mean makikita nyo po talaga sa amin na para kaming kambal." Alam kong medyo gulat si Tita pero yan ang naging plano.

"Salamat. Kasi okey lang sayo na gawin ang mga bagay na ito." Niyakap ko lang si Tita. Para lang kay Jae. At para din mapasayo ang taong para sayo Jae.

Sana po magustuhan nyo. Not expected po itong naupdate ko. Nagpop up lang po sya sa utak ko tapos nagustuhan ko kaya ayun po. Hindi ko po talaga to naisipan, sa totoo lang po.

The ChoiceWhere stories live. Discover now