"Oh Mervs, saya natin ngayon ah" nag angat ako ng paningin ginawaran ko naman sila tipid na ngiti
"Hahaa Kailangan sa buhay yan! Para mamaintain ko ang kagwapuhan ko haha" biro ko kay manong bert, katabing bahay ng inuupahan ko na bed space exclusive for men syempre
"Haha mabute! gayahin mo ko pogi pa din ano? ha-ha-ha" nginitian ako nito kita pati gilagid at ang bawas na niyang ngipin
"Manong Bert una na po ako magpapalit pa ko, alam mo na mag papa-macho hahaha" tinanguan lang niya ko, nagpa tuloy na ako sa paglalakad ng makarating ako ng kwarto ko agad akong naligo para makapasok na sa trabaho kailangan ko pa ng pera ngayon! dali-dali akong kumilos at pumasok na sa trabaho
"Nice! andito na ang ibon" - Supervisor ng pinapasukan kong gasolinahan
"Wala na kasing makain sir haha" ginantihan ko lang ito ng isang ngiti
"Oh sige mag handa ka na diyan" tinanguan ko na lang si sir dumeretso na ako sa locker room, para mag palit ng uniform at katulad ng dating gawi nag umpisa na akong makipag baka sa mga alikabok, buti na lang at medyo kaonti lang ang nagpakarga ng gasolina ngayon,
Hinahayaan ako ng bisor ko na mag basa sa tuwing walang costumer, alam niya kasi ang sitwasyon ko, bukod kasi sa scholar ako kailangan ko din i-maintain ang average ko para hindi ako malaglag sa scholarship ko, na siyang kinakapitan ko sa ngayon para maka-ahon ako sa hirap gusto ko pang matulungan ang tahanan na kinagisnan ko
"Oh pre tara kain na! may bantay na sa labas para makakain din sila" pag aaya saakin ng katrabaho ko
"Ah sigee pre una ka na hehe" pag tanggi ko kahit kanina pa kumakalam ang sikmura ko
"Nako vin kunwari ka pa! hahaha tara na brad pina baunan ako ni nanay ng pagkain hindi ko mauubos yon" pamimilit niya, tatanggi pa ba ako sa grasya? nag pamauna na siya sa pag lalakad sumunod nalang ako
"Salamat pre ha? kinakapos talaga ako ngayon eh daming bayaran sa school dagdag pa sa inuupahan kong bahay" sabi ko napakamot nalang ako ng ulo
"Ayos lang yan pre' papasaan ba't makakatapos ka rin tapos ako na ang ililibre mo ng pagkain" natatawa nitong tugon habang naglalakad kami papuntang karenderia ni aling lucing
Nang makarating kami ng ng karinderya umorder lang kami ng soft drinks, doon na kumain medyo marami nga ang ipinabaon sakanya ng nanay niya birthday daw kasi ng bunso niyang kapatid, matanda saakin si leonel ng limang taon regular na din siya sa gasolinahan na pinapasukan ko
"Buti nakakaya mo pa?" -leonel
"Kailangan pare, kailangan kong mabuhay eh "
"Buti ka pa nakakapag aral ako kasi, ng makagraduate ako ng high school kailangan ko na magtrabaho" times like this makes me feel thankful that my biological parents sent me to orphanage
"Pare, ano ka ba you can still go to school while your working why dont you try?" nahinto siya sa pagsubo
"Don't english me I get panic" biro niya natawa naman kami "Haha kidding aside, yes pwede nga pero I can't. my tatlo akong kapatid na pinapaaral sa high school ako lang din inaasahan ng magulang ko" pagtutuloy niya, napangiti nalang ako
"Masarap ba magkaroon ng magulang at kapatid pre?" tanong ko tumango siya
"Oo naman pare, lalo kapag naglalambing na yong bunso kong kapatid lahat ng pagod ko galing trabaho nawawala kapag kausap ko na siya pati si nanay hinahainan ako agad, pero syempre hindi balanse ang buhay ng tao kapag puro saya lang. mahirap din kasi ako lang inaasahan" he smile "Pwede ba kong bumisita sainyo pag may libreng oras?" I ask
BINABASA MO ANG
In his shoes
Teen Fiction"Lahat ng bagay may katapat na halaga even Happiness" -Jee Ann Acosta "Money can buy anything that you might need, but there's one thing that money can't buy even the richest person in the world, it's called H.A.P.I.N.E.S.S" -Mervin Enderez SINO...