Brix POV
"Pusa! Sa susunod naman na magpapadala ka ng lalaki make sure yong matitino ha? Hindi yong mga palpak!" krizza
Dito kami ngayon sa cafeteria, hindi na kasi ako nag breakfast sa bahay hindi kasi ako ginising ni mom kaya muntik pa ko malate, kaya nag palibre muna ko sa acting girlfriend ko, tss akala ko ba naman kusa sa loob ang panlilibre yon pala tatalakan lang ako tungkol sa mga pinapadate ko sakanya. Hinayaan ko lang siya magsalita habang ako ay nagpapakabusog.
"Pwede sa susunod yong mahilig magbasa o kaya mahilig manuod ng movies you know yung mga lovestory hehe" tong isa naman na to patuloy sa pag da-daydream "Next time yong may sense naman kausap! Hindi tulad noong dustin ayain ba naman ako mag counter strike! ano alam ko don? Like hello? I'm a girl I don't deal with that online gaming, pwede pa yong farmville hehe"
Nabanggit din niya kanina na, muntik pang makipag patayan sa gate si Jee Ann dahil sa tarpulin na ginawa noong eunice daw, ano kayang meron si mervin at madaming nagkakagusto sakanya? Buti hindi pa ko nababakla sa lokong yon.
Tumingin na ako sakanya at binatukan ngumuso naman ito "Alam mo krizza, dapat matuto kang mag adjust sa kausap mo.. hindi kasi lahat masasakyan ang pagka hopeless romantic mo" sabay ngisi ko
Nakanguso nito akong tiningnan "Kailangan may kasamang batok?" sabi nito, sabay hampas sakin "Bakit? Nag aadjust naman ako ha? Kasalanan ko bang hindi ako makarelate? Wala ka na bang ibang kakilala pa? Yung may kwenta? Yung katulad ni mervin?"
Tss.. Napangiwi ako sa sinabi nito ipinatong ko ang baba ko sa kamay ko at mataman siyang tiningnan
"Akala ko ba sinusubukan mo ng mag move on? Bakit puro mervin ka pa rin?" tanong ko sakanya
"Hindi ba pwede?"
"Oo! Hindi pwede!" halos pasigaw ko ng sabi
Pinanlakihan ako nito ng mata "At bakit hindi? Mervin is perfect! Gwapo, matalino, mabait, may sense humor, may sense of responsibility, hayy.. lahat na ata nasa kanya na" sabi nito habang nakatingin sa kisame ng cafeteria
Tumayo ako ng bahagya then I snap in front of her face, that brings her back to reality nginitian ako nito ng napaka lapad ..
Malala na tong babaeng to.. masama talaga ang tama kay mervin tsk.. bulong ko sa sarili ko
Napailing nalang ako "Alam mo? Malala ka na talaga! Itigil na kaya natin to? Nang maging single na ko ulit" balewalang sabi ko
Napangiwi ito "As if naman gusto kitang maging boyfriend?" nag make face pa 'to "Bakit naka-move on kana ba kay Jee Ann?"
"Hindi pa.. bakit? anong akala mo sa pagmamahal? Tulad ng pag tulog? Ngayon mahal kita? Bukas hindi na?"sarkastikong sabi ko "Palibhasa puro ka nalang basa ng mga libro mo kaya akala mo ang tunay na love story ay nadadaan sa co-incidence"
"Oa?" namamangha nitong sabi "Tinanong lang naman kita kung naka-move on kana ang dami mo ng sinabi" inirapan ako nito, at napahawak sa baba "Pero tama ka eh, pero bakit hindi mo yan naisip noon? o sadyang bobo ka lang?" anak ng! Bobo agad? Tinaasan ko ito ng kilay "We're on the same shoe, pero bakit pinipilit mo ko makipagdate sa mga bataan mong abnormal! Kung pwede naman na hayaan ko nalang to *turo sa dibdib nito* mawala ng kusa, like you're doing?"
Tinuktok ko ang noo nito at ngumisi "Ibahin mo ko sayo krizza.. ako hindi suicidal katulad mo" I smirk "Tsaka hindi sila abnormal, sadyang unique lang sila with special ability Hahaha!" Natatawang sabi ko
BINABASA MO ANG
In his shoes
Teen Fiction"Lahat ng bagay may katapat na halaga even Happiness" -Jee Ann Acosta "Money can buy anything that you might need, but there's one thing that money can't buy even the richest person in the world, it's called H.A.P.I.N.E.S.S" -Mervin Enderez SINO...