5 Days Later ..
Mervin POV
"500 diesel" sabi ng driver ng jeep
Tinanguan ko ito at kinargahan ang jeep nito ng 500.
Matapos ang trip namin sa Cam Sur ay naging abala ako sa aking trabaho, makabawi man lang sa kita habang walang pasok, ang bilis ng panahon nextweek pasukan nanaman. Dahil sa pagiging abala ko sa trabaho ay hindi kami gaanong nakakapag kita ng prinsesa ko. Minsan nga ay inaalok ko itong makipag kita kahit sandali lang ay siya na ang tumatanggi dahil ayaw niya raw akong napapagod, kahit na ganoon ay hindi narin ako komontra pa dahil may pinaghahandaan ako at kailangan kong mag ipon gusto ko kasing ilabas si Jee Ann sa linggo bago mag umpisa ang hell weeks sa university, sa loob ng 5 araw ay sa cellphone lang kami nag uusap madalas ay 10pm hanggang mag umaga. Minsan nga ay nakakatulugan niya na ang pag uusap namin.
"Vin doon ka muna Cr lang ako" sabi ni leonel at itinuro ako sa may bagong dating na magarang kotse, agad akong tumakbo sa station na iyon sakto namab kakabukas lang ng wind shield
"Magkano ho sir?" magalang kong tanong sa lalake, mukhang driver ito dahil sa asul na uniporme.
"Full tank" simpleng sabi nito, napasulyap ako ng mamataan konang isang pamilyar na lalake..
Kuminang ang mata ko ng marealize kong si Mr. Fernandez pala ito na nagbabasa ng news paper sa loob ng kotse.
"Oh? Boy lalagyan mo ba o hindi?" naibalik ako nito sa realidad, sa sinabi ng driver dahilan para mapatingin saakin si Mr. Fernandez agad ko itong nginitian, mukhang namukhaan naman ako nito, binuksan nito ang windshield ng kotse
"Magandang Hapon po Mr. Fernandez"magalang kong sabi at yumuko, ngitian ako nito
"Oh mervin? we meet again? you're working here?" he said in friendly tone
"Ah, yes sir.. magpapasukan na kase kailangang kumayod para may pang aral" kamot ulong sabi ko, ang gaan ng loob ko kay Mr. Fernandez kung makipag usap kasi ito saakin ay parang kaibigan lang kami.
"Really? Where's your manager? Can you call him fir me?"
Nakaramdam ako ng kaba.. tsaka ko lang narealize na hindi ko pa pala nakakargahan ng gasolina ang kotse
"Mervin are you okay?" tanong nito,
"Ah Sorry Mr. Fernandez nag mamadali po ba kayo? sorry hindi ko nakargahan agad .. wag niyo po ako is--- natigil ako ng bigla itong tumawa
"Ha! Ha! Ha! No you've gotten it all wrong.. can you please call him for me? don't worry he'll not fire you trust me!" aabi nito at nakahinga ako ng maluwag
Agad kong sinenyasan si leonel na kakabalik lang na tawagin ang manager namin, agad naman itong sumunod saakin kaya kinargahan ko na ang kotse ni Mr. Fernandez. Maya pa'y natanaw ko na si manager, tiningnan ako nito ng nagtatanong ng makalapit ito ay binuksan ng driver ni Mr. Fernandez ang pinto ng kotse at pinapasok si manager, taka ko itong tiningnan agad inabot saakin ng driver ang bayad kaya agad akong nagtungo sa cashier at kinuha ang resibo ng makabalik ako ay saktong kakalabas lang ni manager sa kotse
"Mervin sige mag out ka na.. hihintayin ka ni Mr. Fernandez" he tap my back "Hindi mo sinabi saakin na may bigtime ka palang kaibigan haha"
Napatanga ako sa sinabi ni Sir Tino pet name namin kay manager hehe
"Ah eh sir.. sesante na ba ako? sirry talaga sir hindi ko naman sinasadya" pakikiusap ko pa natigilan ako ng tumawa ito
BINABASA MO ANG
In his shoes
Teen Fiction"Lahat ng bagay may katapat na halaga even Happiness" -Jee Ann Acosta "Money can buy anything that you might need, but there's one thing that money can't buy even the richest person in the world, it's called H.A.P.I.N.E.S.S" -Mervin Enderez SINO...