Thirteen

56 2 0
                                    

"Sa mga sinabi mo ba  masasabi

mong masaya ka? pag napunta ka ba ng 5stars hotel? pag nag babakasyon ka ba masaya ka ba?"

"Sa mga sinabi mo ba  masasabi mong masaya ka? pag napunta ka ba ng 5stars hotel? pag nag babakasyon ka ba masaya ka ba?"

"Sa mga sinabi mo ba  masasabi mong masaya ka? pag napunta ka ba ng 5stars hotel? pag nag babakasyon ka ba masaya ka ba?"

Paulit-ulit lang yan sa isip ko para bang nirecord para makabisa ko, Masaya nga ba ako?  Kanina pa ako pagulong gulong dito sa kama ko hindi ko na nga malaman ang gagawin ko  kahit  pumikit ako,   si vin lang ang nakikita ko saying those words na hindi ko matakasan. Napabangon  ako sa kama ko at ginulo ang buhok ko

"Arghhh! Simpleng tanong lang naman yon di ba? bakit hindi ako sigurado sa sagot ko?"

Napatingin ako sa study table ko nakita ko si cassy yong purple mcbook ko, masaya naman ako kasi pag may homeworks madali lang mag research kasi may wifi  dito sa mansion

Tumayo  ako pumunta sa walk in closet ko napatingin ako sa branded clothes ko,  hindi lahat nagkakaroon ng gantong mga damit  masaya ba ako?,

Bumaling ako sa stante ng watch ko, makikinang at makukulay  pero hindi  kasing kinang at kulay ng mga watch ko ang buhay ko   masaya ba ako?

Napalingon ako sa salamin hindi  lahat binibiyaan ng ganitong ganda  masaya ba ako?,  

Bumaling ako sa shoe collections ko  lahat ng tao gugustuhing lumugar sa kinatatayuan ko,  gustong lumugar sa posisyon ko, pero bakit hindi ko kayang tumayo sa kinatatayuan ng isang  Mervin Enderez?  kinalalagyan niya na kinaiinggitan ko? paano ba maging si Mervin Enderez? Ano bang pakiramdam na maging siya? Paano ba yong genuine happiness? nabibili ba yon? magkano? Wala sa sariling napasabunot ako sa buhok ko

Statue,

   The last time I check masaya ako sa kung anong meron ako, sa kumportableng buhay na meron ako, pero bakit ngayon? Iyong pinapaniwalaan ko  for all this years hindi ko sigurado, pinapaniwala ko nalang ba talaga ang sarili ko sa gusto kong isipin? Argghhhh..  why all of a sudden nahihirapan akong sagutin ang sarili ko? waaaaaaaaa!!! 

Statue nasaan ka na ba?  Kung makikita ba kita bakit hindi pa ngayon? huhu

PS. Gusto ko pang makilala si Mervin Enderez.. 

P.S.1 Naiinis ako! Kapatid ko daw si MONKEY BOY! sa play huhu hindi ko matanggap!

Isinara ko na ang purple notebook ko at sumalampak sa kama, kinuha ko ang  cellphone ko at naggm sa gf's ko

To: Camz, Chammy, Krizza

Girls paano niyo ba masasabi na masaya kayo?

Pagkasend na pagkasend ko noon kinuha ko si cassy  at nag log in sa facebook as the usual hindi ko pinansin iyong mga notifs at messages  dumeretso lang ako sa profile ni Mervin, wala siyang bagong post ngayon siguro kasi busy siya nagscan  ako ng pictures,  hindi ko  maiwasan ang mapangiti sa pictures niya, kung titingnan mo kasi ang pictures niya, para bang masasabi mo na ang saya  niya, ang sarap pag masdan ng mga ngiti niya nakakawala ng stress ang aliwalas

*Dug Dug Dug Dug Dug*

In his shoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon