Thirty

61 4 3
                                    

Jee Ann POV

Ang bigat ng talukap ng mata ko, kanina pa ako gising pero hindi ko kayang magmulat, hindi ko na alam ang huling nangyari  ang alam ko lang panatag ang kalooban ko, dahil sa pagsalba saakin ni mervin alam kong wala siyang alam sa nangyari saakin noon, I'm glad hindi siya nagpabuyo sa kantyaw ng mga tao.  Sobrang saya ko dahil sa mabuting tao ako nagmahal.

Nang nasa bisig niya ako kanina it feels like home pakiramdam ko kilala ko na siya noon pa. Gaano man kalala ang mga moodswings ko he never left me hanggang hindi ako napapangiti, sa tuwing mahuhulog ako sinasalo niya  ako ng walang pagdadalawang isip. Pero ngayong hulog na hulog na ang loob ko sakanya? hindi ko na alam  kung makakaya niya pa akong saluhin.

Ramdam ko nanaman iyong pamilyar na sakit na sobrang nakakapanghina akala ko dati ang puso nag e-exist lang para magsupply ng dugo sa buong sistema ko, pero ngayon  pinaparamdam niya saakin na isa siya sa pinaka mahalagang parte ng pagkatao ko. Pinaparamdam niya saakin na my heart belongs to someone else na hindi ko na ito kayang angkinin ng buong buo.

Ramdam na ramdam ko ang pag landas ng maiinit kong luha patungo sa tainga ko.  Hindi ko magawang mag mulat dahil alam kong mag isa lang ako kung nasaan man ako naroroon. Mas gusto kong nam-namin ang imahe ng nakangiting si Mervin sa kadiliman sa likod ng talukap ko. Oh gahd! I'm so inlove with Mervin Enderez and I don't know why---- when it all started.

That's the reality in life,  hindi mo mapipili kung sino ang mamahalin mo, madalas kung sino pa yong kinaiinisan mo  doon ka pa mahuhulog, opposite attracts.

Before I hate hearing his voice he's so loud but now? parang musika saaking pandinig ang bawat salitang binibitawan niya. Before I hate his existence kasi lagi siyang masaya, knowing na mahirap ang pinagdadaanan niya habang ako meron ako ng lahat, pero hindi ko mahanap sa puso ko ni katiting na saya. Kung tutuosin wala siyang nagawang kasalanan saakin pero iritang irita ako sa presensiya niya pero ngayon,  Im loving it.

Simula ng kilalanin ko ang tunay na Mervin Enderez  natuto akong mabuhay natuto akong ngumiti lahat ng hindi ko akalaing magagawa ko ay nagawa ko. Hindi ako nagsisi na sakanya ako nagmahal coz he's worthy for my love. 

Tama lahat ng paniniwala niya  at ako yong mali, kahit sobrang yaman ko at meron ako ng lahat ng bagay na wala siya------ talong talo ako.. kasi I can't buy my happiness and my happiness happens  to be Mervin Enderez. He's my home and everything and I can't own him.

Dama ko ang tuloy tuloy na paglandas ng luha sa aking pisngi, napapahikbi nalang ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, wala naman may paki alam kung nasasaktan ako eh, wala naman magpupunas ng luha ko kung hindi ako lang din.

Naamoy ko ang pamilyar na amoy na iyon hindi matapang pero mabango, naramdaman ko nalang na mayroong dumapi sa gilid ng mata ko at pinunasan ang luha ko, napamulat ako para makita kong sino iyon, sa pagmulat kong iyon nag umpisa ng mag wala ang puso ko ng makita ko ang nag aalalang mukha ng kumuha sa kalahating parte ng puso ko.

Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa sistema ko ng maaninaw kong mabuti ang mukha ng mahal ko. Nang marealize niyang gising na ako akma niya sanang tatanggalin ang kamay niya na parang napaso dahil sa pagkagulat

Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay na punong puno ng kalyo. Kahit ganito kagaspang ang kamay niya hindi ko ito pagsasawaang hawakan---- ang mga kalyong 'to  ang patunay at  tanda ng mga pangarap niya na hanggang ngayon ay pinaghihirapan niyang abutin. 

"Sorry nagising ba kita?" nag aalala niyang tanong. inilibot ko ang paningin ko kung nasaan ako, nandito na pala ako sa kwarto ko.

Binitiwan ko ang kamay niya at ngumiti sakanya, nakitang kong gumaan ang loob niya sa ngiting iyon, tinapik ko ang gilid ng kama ko  para umupo siya, naupo siya at tinulungan  akong makabangon. Damang dama ko ang kuryente sa paghawak  niya sa balat ko, hindi ko inakala na ganito pala ang pakiramdam ng Inlove bawat haplos ng mahal mo sayo ay big time ang epekto sa buong sistema mo. Ang weird.

In his shoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon