Fourthy 1

46 2 0
                                    

Charmaine POV

Dumaan ang sabado at linggo at ngayon Lunes nanaman! Naandito ako sa parking lot  at hinihintay si Camz at Iza---- dahil tulad ng mga tipikal na estudyante etong araw na to-- ang pinaka aantay namin ang pirmahan ng clearance. Bukod sa holidays etong araw na to ang pinaka hihintay ko dahil hudyat eto ng bakasyon grandee!  we need it! Nakakapagod kayang mag isip lalo na  napipilitan ka lang diba? Apir sa nakakarelate.

Tumingin ako sa wrist watch ko, 9am na wala pa din sila? Psh.. eh sila nga tong nag sabing 8:30 dapat nandito na sa university, tapos ano to? late na nga ako dumating late pa sila. Bakit naman kasi napaka tagal kumilos ni camz! kahit kailan talaga yong babaeng yon cause of delay psh, nagtext kanina si  Iza kung kailan byahe na kami ni daddy,  sabi niya dadaanan pa daw muna nila si camz  at ang labas ko ngayon? NGANGA.. 

Maya-maya pa'y natanaw ko na siya, bumalatay ang ngiti ko sa mga labi..

"Hi pikachu!" kinindatan ko siya at kumaway nakita ko ang pagkunot ng noo niya ng tanggalin ang helmet "Hey!!  Umagang-umaga naka-busangot ka?"nakakalokong sabi ko habang inaayos niya ang pag park ng motor bike, mabute na to may mapagti-tripan ako habang naghihintay

Sakto ang dating ni pikachu nakakaboring kaya------  ayoko pa kasing pumasok nakakatamad wala akong kasama kaya sinadya kong maghintay dito at nguma-nga

"Hoy! charmee! sinabi ng mas gwapo ako kay pikachu! Ako si ASH!  si ASH! ano nanaman ba ang nakain mong napkin ka!"  lokong to!  okay na yung charmee eh------ ginawa pang literal kahit kailan talaga to eh, imbis na sumagot hinintay kong makalapit siya saakin ng nasa tabi ko na siya nginitian ko siya ng malupet

"Ganda ng gising mo charmee ha---- ARAAAAAAY!" nasapo ni brix ang paa niyang tinadyakan ko, ang cute niya tingnan haha nagtatalon sa sakit habang nakataas iyong kanan niyang paa haha "Ikaw ha! Wag mo sabihin pulis ang daddy mo! Ipapakulong kita!"  nagpipigil ako ng tawa dahil kita mo sa mukha niya ang sakit ---- bakit ba?  sadista na kung sadista makaganti lang! ganito kami ka-close.

"Isa pang beses mo kong tawaging napkin ipa-flying kick talaga kita!" banta ko sakanya, buti sana kung kami lang dalawa dito! hello? parking lot kaya to! may mga taong nakakadinig nakakhiya kaya. Lakas pa naman ng boses ng pikachu.

"Haha baka kaya mo? baka mauna kang lumipad? haha" inirapan ko siya, siya na! siya naaaaa!  siya na talagaaaa!  yabang talaga neto --- 

lagi niya kasi akong natatalo sa karate kaya napaka confident tsk..

Hindi ko na siya pinansin, kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Iza

To: Krizza

What the hell? 8:30am pala ha? sabihin mo kay camz bumili siya ng maskara! buburahin ko mukha niya!

Sent!

Inis kong ibinalik ang cellphone ko sa bulsa, napansin ko namang ngi-ngisi-ngisi si pikachu, napahawak ako sa mukha ko kung may mali kung bakit mukhang tanga to, kinapa ko ang mukha ko wala namang dumi--- lumapit pa ako sa side mirror ng kotseng nakaparada dito nagsalamin ako wala namang dumi. Nababaliw nanaman siguro to tsk.tsk.tsk.. eto na ba ang epekto ni Jee Ann?

Owwwww! Speaking naalala ko bigla noong last friday pag tapos namin takasan ni Iza si Eunice, akala ko si Jee Ann iyong nakita ko, na namimili sa isang boutique na malapit sa Restaurant Mondou kung saan kami kumakain, akala pa nga ng waiter tatakbuhan ko sila dahil napabalikwas ako ng takbo papalabas --- as if naman mag 1..2..3.. ako? Edi nayari na ako sa daddy ko, baka imbis pyansahan ako ni daddy baka ma-extend pa ang stay ko ----- grrrr .. ayokong isipin hindi ko pinangarap na maging preso tss..

In his shoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon