5 Seven

24 2 0
                                    

Jee Ann POV

"Ano ba Jee Ann! Di ka ba titigil kaka pabalik-balik diyan? Ako nahihilo sayo eh!" brix

Tiningnan ko lang ito ng masama, anong magagawa ko eh kanina pa ako nag aalala, hindi ko na alam kung saan ko hahanapin si mervin!

Okay naman kami bago kami nag hiwalay tapos hindi na siya bumalik ng walang pasabi, hindi ko alam pero ang sama ng kutob ko alam kong hindi ako hahayaang mag alala ni baba ng ganito.

Kanina pa ako nakauwi sa mansion at hindi ko na alam ang gagawin ko ng hindi bumalik si baba sa orphan, nagpresintang sumama saakin sina brix at krizza. Hindi man nila sabihin ay ramdam kong nag aalala sila kung ano ang maari kong gawin nanaman.

Nakita ko sa pheripheral vision ko na palapit saakin si krizza "Oo nga Jee! Malay mo may pinuntahan lang yon sa pag mamadali ay nakalimutang magsabi" nag aalalang sabi nito

Hindi ako nito natinag.. wala silang alam sa nararamdaman ko the last thing na naramdaman ko to is noong ma-kidnap si baba.. Oh lord! Hindi ko na mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda kay baba..

Matiim kong tiningnan si iza "No iza! Hindi gagawin saakin to baba!" maluha luhang tiningnan ko si iza, nanginginig ko itong hinawakan sa braso "Iza h-hindi ko na alam ang gagawin ko tulungan mo ko" nag susumamong sabi ko, bakas sa mukha nito ang awa saakin pero hindi iyon ang kailangan ko ngayon!

Si Mervin ang kailangan ko! Wala ng iba!

Brix POV

Naiinis ako dahil wala akong magawa, nahihirapan yong babaeng mahal ko pero wala akong magawa para gumaan ang nararamdaman nito. Saan ba naman kasing lupalop nag punta si mervin!

Mula palang sa orphanage ng hindi namin mahagilap si mervin ay nagbalak na itong tumawag nanaman ng pulis, buti nalang ay napaigilan ni chammy, dahil bago daw madeclare na missing ang isang tao ay dapat lumagpas ng bente kwatro oras.

Kilala ko si mervin alam kong may magandang dahilan kung bakit ito biglang nawala, sinenyasan ako ni krizza na aakyat daw muna sila ni Jee Ann sa kwarto ni Jee Ann, tinanguan ko nalang ito at nagpasyang umalis.

Nang makalabas ako ng mansion ng acosta ay agad akong sumakay sa motorbike ko at pinaharurot ito papunta sa bahay ni mervin, to check if he's home already, kanina kase ng puntahan nila greg ay wala ito s bahay niya, magbabaka sakali lang ako kung naroon na siya.

Mabute nalang at walang trapik kaya kinse minutos lang ay nakarating na ako ng bahay ni vin. Nabuhayan ako ng pag asa ng makita kong nakabukas na ang ilaw ng bahay nito, kaya agad akong kumatok, nakailang beses na ko kakatok ng biglang bumukas ang pinto.

Bumulaga saakin si mervin na medyo namumutla at may kausap sa cellphone malamang si Jee Ann, sinenyasan ako nitong pumasok naupo nalang ako sa mono block at hinintay ibaba ang cellphone.

"Okay I love you, have a rest okay? I'm sorry for stressing you out.. don't worry I'm really fine... ahm paki sabi kay krizza that I'm sorry .. ah.. oo andito nga si brix.. oh sige na princess, calm down okay everything is fine.. opo.. opo hahaha.. I love you more my princess"

Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang usapan nila, wala talagang preno tss.. I love you more mukha mo vin! Nakita kong umupo ito sa tapat ko.

Umayos ako ng upo "Were have you been?" inis kong tanong, napabuntong hininga ito "Kanina pa kami naghahanap sayo brad.. kung nakita mo lang si Jee Ann kanina kung gaano siya nag alala sayo!" Nakikinig lang ito sa sinabi ko "May problema ba?" Kunot noong tanong ko

In his shoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon