Jee Ann POV
Masarap mabuhay ..
Akala ko rin eh..
Ano ba ang pinagkaiba ni mervin sa mga kakilala ko? We started as friends right? Pero lahat naman ng relationship doon nag uumpisa diba? Tanda ko pa noon I hated him kasi he can laugh as hard as he can, yung tipong buong lobby umaalingawngaw yung tawa niya. As time passed by pati puso ko napangiti niya.
Diba dapat ako yung matapang? Kasi ito iyong pinili ko.. yung mahalin siya kahit hindi pwede? Ako iyong nakasakit diba? Bakit parang ako pa iyong argabyado?
"Bakit hindi ko siya kayang bitawan?"
Greg POV
Agad kong nilapitan si Jee Ann ng tawagin ang pangalan ko ng MC.
Napailing ako ng makalapit ako kay Jee Ann, tulala ito at nakatingin sa kawalan, parang formality nga lang tong event na to, alam kong may mali pero anong gagawin ko? Ayaw niyang magkwento pati kay mangkukulam o kahit sa kapatid ko?
Napatitig ako sa mukha nito, this is the woman I used to like, siya parin naman tong nasa harapan ko, pero pakiramdam ko ibang tao na tong nakikita ko. Wala akong maintindihan sa problema nila ni vin dahil ni isa sakanila ay walang gustong mag salita.
Hindi ko inakalang darating ngayon si mervin sa debut ni Jee, aaminin ko kahit bestfriend ko iyon, ng makita ko siya kanina gusto ko siyang kaltukan ng malakas para matauhan, hindi ko pinaubaya tong babaeng to para paiyakin niya lang.
Akala ko kanina magiging okay na ang lahat dahil andiyan na siya. Finally nakita ko na rin ngumiti ang babaeng minsan naging dahilan ng ngiti ko. Pero shet lang! Ano nanaman to? Bakit siya umiiyak? How am I suppose to deal with this? I am bad in comforting.
"Bakit hindi ko siya kayang bitawan?"
Kunot noo ko itong tiningnan ng magsalita ito.
Sandali kong binitiwan ang kamay nito at pinunasan ang luha nito. Napatingala ito saakin na parang gulat.
I smile at her
"Siguro dahil mahal mo siya?" kibit balikat kong sagot "Ganoon naman talaga pag may bagay na gusto ka, you tend to be selfish, iyong tipong kahit may magalit o masaktan basta masaya ka, kontento ka na" pagtutuloy ko pa
"Ang hirap greg" malungkot na usal nito "Ang hirap makontento sa bagay na meron ako ngayon greg" A tear skip from her eyes "I want to turn back time, yung panahon na---
I hugged her enough to make her feel that I care, kahit hindi man ako yung taong kailangan niya, isa naman ako sa taong maasahan niya "Everything will be okay Jee Ann, nandiyan na si mervin, alam kong may dahilan kung bakit ka nagkakaganiyan, pero sana mag tiwala ka sa gagong iyon, mahal ka non, mas mahal kapa noon kaysa saamin ni brix" I tried to lighten the mood but I guess it was not enough to make her smmile
I can feel her sobbing against my chest, hinayaan ko lang, hindi naman ikakasira ng porma ko ang luha ng isa sa pinaka importanteng parte ng bestfriend ko.
Dapat ihinto na tong party na to, nakakasira ng relasyon. Dapat hindi ako ang kayakap niya ngayon dapat siya yon.
"Ehem!" Napalingon ako, si brix pala "Napapasarap ang yakap ha?" nakangisi nitong sabi
Napailing nalang ako and parted our hug, I lifted her chin and wipe her tears "It's your day.. you should be happy" sabi ko
"Daming daldal" brix
BINABASA MO ANG
In his shoes
Teen Fiction"Lahat ng bagay may katapat na halaga even Happiness" -Jee Ann Acosta "Money can buy anything that you might need, but there's one thing that money can't buy even the richest person in the world, it's called H.A.P.I.N.E.S.S" -Mervin Enderez SINO...