Mervin POV
Ang orihinal na plano ko ay ilalabas ko si J ngayong araw ng linggo, pero pinakikiramdaman ko ang katawan ko, medyo hindi pa ako okay medyo namamaga pa ang katawan ko hindi ko alam kung bakit nagkakaganito nalang ako bigla parang namamanas.
Nakontento nalang ako na tawagan at itext ang prinsesa ko, nagpasya din akong huwag muna pumasok sa fast food dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nangyayari saakin. Maghapon lang ako nag stay sa bahay at natulog dahil bukas ay umpisa nanaman ng pasukan
---NARRATION--
Kaniya- kaniyang gising ng maaga ang magkakaibigan, naunang pumasok sina Jee Ann, camille, & krizza sa eskwela dahil maaga ang kanilang first subject, maliban kay chammy na alas diyes pa ang unang klase dahil ito ay iregular student.
Nang magising si Jee Ann nakaramdam ito ng excitement dahil papasok na ulit siya sa Unibersidad, pagkatapos ng tatlong buwan na pagliliwaliw ay makakatapak na siyang muli sa totoong paaralan, bago ito umalis ay nag text muna ito sa mga kaibigan na sina camille at krizza upang magtagpo sila sa isang hindi kalayuan na fastfood sa Unibersidad, halos sabay lang nag datingan ang magkakaibigan ng nakapasok silang tatlo ay hinayaan na ni Jee Ann na si george na ang pumila sa counter at bumili.
Pagka upo palang ni Jee Ann ay cellphone na agad nito ang inatupag maagang nagising si mervin kahit na pang 10am pa ang pasok nito, talagang sinadya ni mervin na magising ng maaga dahil gusto niyang suportahan ang kanyang prinsesa sa unang araw ng eskwela.
From: BABA ♥
Basta wag mo kong mamimiss ha? Puntahan kita sa classroom mo when I got there.
Tila lumundag ang puso ni Jee Ann sa sabi ng boyfriend at agad itong nag reply
To: BABA ♥
Missed agad? Eh kahapon pa nga kita missed eh, are you sure you okay?
Nang araw ng linggo ay wala gaanong ginawa si Jee ann kundi makipagtext at tawagan buong araw kay mervin nabanggit ni mervin na magpapahinga siya buong araw dahil kailangan niya ng lakas, hindi man sabihin ni Jee Ann kay mervin na nag aalala ito sakanya. Kaya hinayaan niya nalang na hindi ito makita buong araw.
From: BABA ♥
I'm okay.. don't worry, pag hindi ako okay pupuntahan lang kita sa room mo para magcharge :)
Napangisi ng malapad si Jee Ann sa at nagreply
To: BABA ♥
Ang keso haha!! by the way have you eaten your breakfast?
Natanaw ni Jee Ann na parating na si george for their meal. Napatingin siya sa kasama si camz ang laki ng ngisi habang may katext din, si krizza naman ay nakasimangot dahil ang aga niyang kinukulit noong isa sa lalaking pinadate ni brix ng araw ng linggo.
Nang nailapag na ni george ang pagkain ay saka lang nabitawan ng magkakaibigan ang kani-kanilang mga cellphone.
"Oh? Anong mukha yan? Its to early to make face iza" bati ni camz kay krizza
Krizza fake a smile "Hehe ang kulit kasi ni pusa" sabi nito at nag slice ng longganisa
Nanunuksong tiningnan ni camille si krizza "Sus! Paano nga pala naging kayo ni brix?"
Muntik pang mabilaukan si krizza sa tanong ni camille, dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya dahil wala naman totoo sakanilang dalawa.
"Basta naging kami! Tapos ang istorya!" deffensive nitong sabi hindi kasi ito magaling mag sinungaling "Tsaka hindi ba't gusto mo magka boyfriend ako? Ngayon naman na meron na nagtatanong kapa rin?" nakalabi nitong sabi
BINABASA MO ANG
In his shoes
Teen Fiction"Lahat ng bagay may katapat na halaga even Happiness" -Jee Ann Acosta "Money can buy anything that you might need, but there's one thing that money can't buy even the richest person in the world, it's called H.A.P.I.N.E.S.S" -Mervin Enderez SINO...