Fourthy 9: D2

37 3 0
                                    

Jee Ann  POV

Nang magising ako, napangiti ako ng  makita kong ang sarap pa ng tulog ng mga kaibigan ko, nasa kabilang kwarto rin ang boys,  tig iisa kaming  single bed napanguso pa nga ako ng una dahil ang request  ko kay Secretary Uy banig hindi ko alam don kung bakit  kama ang nandito hmmp! 

Kumuha lang ako ng loose shirt at maong short, dumeretso na ko sa shower at naligo,  nanibago ako sa paliligo dahil tabo ang gamit ko  hehehe.. Nang matapos ako maligo nag bihis lang ako at dumeretso na sa kusina, kampante naman ako na ako palang ang gising dahil 6am palang, pero kalalabas ko palang ng kwarto  naamoy ko na ang niluluto ni manang sa kusina ang bango! nagutom ako bigla..

Nang makarating ako ng kusina nabigla ako ng  makita si mervin na tinutulungan si manang naghihiwa ito ng mga gulay gagamitin sa chapsuey ata.. Habang si manang ay nag piprito ng hotdogs para sa breakfast.

"Good Morning!" nakangiti kong bati sakanila sabay itong napalingon

"Good Morning iha, maupo ka muna diyan, heto at isusunod ko na ang sinangag" manang, nginitian ko lang ito at bumaling kay mervin

"Good morning princess"  mervin greeted me back, naupo na ako sa silya habang pinagmamasdan silang dalawa sa ginagawa "Kamusta ang tulog? napanaginipan mo ba ako?" nakangiti nitong sabi,

Literally a Good Morning huh?  Lalalalala ..

Natawa ako ng bahagya "Oo muntik  na nga kong bangungutin eh haha" pang aasar ko sakanya

"Mukhang maganda ang gising mo iha" bati ni manang, tinanguan ko lang ito

"Ganun ba Manang? pakalat kalat kasi sa paningin ko iyong boyfriend ko eh, ang sarap titigan grabe!" sabi ko with a snap!  napatingin si manang kay mervin na nagtataka "Oh manang! wag mo tunawin! hahaha" biro ko, natawa nalang ito ang sarap sabihin na boyfriend ko siya, dati ehhh.. haha basta kinikilig ako..

"Ikaw talaga iha..  kaya pala kakaiba ang saya mo ngayon ano?, kayo na pala ng binatang ito" tukoy nito kay mervin

"Ano sa tingin mo manang bagay kami ng alaga mo ano?" tanong ni mervin kay manang, kinindatan pa nito si manang .. loko talga!

"Hindi lang bagay! bagay na bagay!.. lalong gumanda ang alaga ko pag nakangiti hindi ba?" sus to tallaga si manang oh! nambola pa! kinikilig tuloy ako haha .. si mervin naman lawak ng ngiti inilingan ko  ito ng pabiro  nakahanap pa ng kakampi .. wala na .. buong buo na ang araw ko hehe

"Bakit ka nga pala nandito? akala ko tulog ka pa?" tanong ko kay mervin

"Ah?  yon ba? maaga talaga ako nagigising J, nakita ko si manang na nagluluto kaya tinulungan ko na"  mervin

"Sabi ko naman saiyo iho, kaya ko naman, ikaw talaga" manang

"Ayos lang po manang gusto ko rin ipagluto ang prinsesa ko" sabay tingin nito saakin..

Eeeeeehhhhhhh!! Kinikilig ako haha!

"Sus! eh kung ganoon bakit si manang ang nagluluto?" tanong ko at inginuso ang piniprito ni manang

Napakamot nalang siya ng  ulo "Sabi kasi ni manang siya nalang.. pinaghiwa niya nalang ako ng mga gulay hehe" nakita ko itong naghugas ng kamay "Ano bang gusto mo? milk or coffee?"   tanong nito saakin sabay kuha ng mug

"I want milk!" I exclaimed

"Kayo ho manang gusto po ba niyo magkape? " tanong nito at lumapit sa despenser ng panimpla.

In his shoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon