Fourthy 8: D1

35 3 1
                                    

--NARRATION--

Nagkita kita ang magkakaibigan sa NAIA Terminal 2, naunang dumating si Jee Ann kasunod nito ay ang grupo ni greg kasama  ang dalawa nitong kaibigang babae kasunod nito si mervin at brix ang huling dumating ay si Charmaine kasama ang isang pasabog ..

Kita sa reaksyon ng lahat  na nabigla sila ng makita ang kanilang propesor na hila-hila ang luggage ni Charmaine maliban kay brix na tanging nakakaalam ng kanilang tunay na relasyon.

Sabay sabay na binati ng mga ito ang propesor sa computer subjects, pasimpleng lumapit si camille at bumulong  kay chammy "Anong trip to girl? plano mo bang mag klase habang nasa ere? bakit kasama mo si sir Garcia?" 

Natawa ng bahagya si chammy sa ibinulong ng kaibigan, napatingin ito sa lahat ng kaibigan at kumapit sa braso ni dax.  "Meet my boyfriend Dax Garcia Our Professor" masiglang sabi nito nakangiti lang si Dax sa lahat habang ang lahat ay gulat sa nadinig bahagyang nanahimik ang lahat

Si  camz na ang unang bumasag sa katahimikan "Sorry Sir Garcia, nako po .. kinumbulsyon ata to si chammy kagabi at sinasabing boyfriend ka" pabiro nitong sabi habang kunwaring natatawa, bumaling ito kay chammy  "Kaw naman charmaine! taas mong mangarap ha? Ambisyosa ka pala?  Haha, sa gwapong ito ni Sir Garcia magiging boyfriend mo? Aba te! nanaginip ka pa ata?" pabirong sabi nito bahagyang natawa ang iba 

"Oo nga charmaine! Nu ka ba! Okay lang magka-crush .. pero wag yong ganiyan binabakuran mo haha" pabirong sabi greg, agad naman itong siniko ni Iza sa gilid

Napakamot nalang sa ulo si Dax at  "Tama kayo ng pagkakarinig.. hindi ako binabakuran ni Charmaine dahil ako ang bumabakod sakanya di ba baby?" baling nito kay chammy na tumango tango pa at lumapad  ang ngiti..

Halos malaglag ang panga ng lahat sa rebelasyon ng dalawa. Wala sa sariling nagpapalit palit ng tingin ang lahat sa dalawa

"Weeeee???"  they said in unision

They just both nodded ..

Napatakip ng bibig si camz sa sarili nitong bibig  "Teka!! Paano? Ah-- I mean bawal sa Crimson ang affair between students at lecturer" pang uusisa nito

"Oo nga .. tsaka chammy? hindi ko naman kayo nakikitang magkasama sa campus ha? Paano nangyari iyon?" tanong ni Iza, dahil halos araw araw silang magkasama ni Charmaine at wala itong nabanggit na may boyfriend na ito

Tumikhim si chammy at nagsalita  "We're childhood friends" she paused  "Before pa siya mag apply ng crimson kami na"  magiliw nitong sabi

Tahimik lang itong pinagmasdan ni Jee Ann..

"Buti pa si chammy.. mayroong normal na relasyon"   bulong nito sa isip, ng mapatingin ito sa katabi nitong binata, ng magtama ang kanilang paningin ay nginitian siya nito at inginuso ang dalawa "Kailan mo ko sasagutin?" nakakaloko nitong tanong napaiwas ito ng tingin ng biglang mag init ang pisnge sa kilig na nararamdaman kumabog ang dibdib nito ng napakabilis, natawa nalang si mervin ng mapag tantong namumula nanaman ito .. bahagya itong lumapit at bumulong  "Don't worry I can wait .. kahit abutin pa ng pag gunaw ng mundo" sabay halakhak nito..

Padabog na tumabi ito kay Krizza na nakikinig sa interogation ni camz kay Chammy at sa propesor .. Nagulat pa si Krizza ng makita nitong nakabusangot si Jee Ann at namumula ..

"Are you okay Jee? Bakit namumula ka? may sakit ka?" alala nitong tanong, ngunit hindi ito sumagot  at pumagitna sa  kay camz at charmaine

"Ano magkkwentuhan nalang ba kayo dito?" mataray nitong tanong at nag martsa papasok ng airport kasunod si George at manang na may hawak ng maleta nito,  taka itong sinundan ng tingin ng mga kaibigan  habang si mervin ay ngi-ngisi ngisi ..

In his shoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon