Jee Ann POV
Nagmadali akong maligo mga 30mins mabilis na para saakin iyon kumpara sa regular bath time ko na inaabot ng isang oras, ng matapos akong mag ayos bumaba na ako nakakahiya kay mervin pinag antay ko pa siya.
Nagulat ako kanina sa sarili kong pinigilan ko siyang umalis habang si brix pinakaladkad ko pa sa mga body guards namin, dahil narin siguro sa hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko pag nangulit pa si brix kaya kinailangan ko ang tulong ng alipores nila daddy.
Nang makababa ako hindi ko siya nakita sa sala kaya tumingin ako sa labas and to my surprise he's there, nakahiga siya sa garden ginawa niyang unan ang braso niya, dahan dahan akong lumapit na hindi gumagawa ng anumang ingay baka kasi magising ko siya, wala sa sariling napangiti ako ng makita ko ang maamo niyang mukha, dahan dahan akong umupo sa tabi niya, this is not my nature to sit at the grass dahil nga maarte ako, pero bakit ba? I want to be with him-----I didn't let him stay here to be apart on me, siguro kung may lalaking version si sleeping beauty siya na yon, ang peaceful ng mukha niya.
Hinayaan ko lang siyang matulog sa tabi ko, habang ako pinagmamasdan ang mga makukulay na bulaklak sa garden. Ang sarap nilang pagmasdan kada hahangin akala mo sumasayaw sila, sa tagal ko ng nakatira sa bahay na to, ngayon ko lang narealize na bawat ng sulok ng bahay namin wala man lang akong magandang ala-alang pwedeng balikan, hindi katulad sa mga pelikula na yong daddy at mommy nila kasama 'yong anak nila na masayang naghahabulan, nagtatawanan, ang cliche ng scene na yon kung tutuosin pero para saakin sweet na yon kasi never kong naranasan yon *sigh* buti pa sa pelikula nangyayari ..
"Nasisid mo na ba?" nagitla ako ng magsalita si mervin, bumangon siya at naupo sa tabi ko "Kanina ka pa ba? sorry nakatulog ako"
I smile at him "Nah, its okay kamusta tulog mo? hindi na kita ginising kasi mukhang pagod ka"
Niyakap ko ang dalawang binti ko at pinaglaruan ang mga damo
"Walang dahilan para mapagod ako, kasi lahat ng ginagawa ko alam kong worth it" nakangiti niyang sabi habang nakatingin siya sa langit
"Ganyan ka ba talaga pag bagong gising? ang seryoso mo, parang kanina hindi mo ko pinagtripan!" nakangusong sabi ko
"Haha ang sarap mo kasing inisin, namumula ka pag naiinis ka haha"
"Natural yon! Mestiza kasi ako, bakit naiinggit ka siguro no?"
"Bakit ako maiinggit? may dahilan ba? ang importante mayroon akong isang bagay na habang buhay mong kaiinggitan haha" napalingon ako ng sabihin niya yon, nakita ko nanaman yong ngiting nagustuhan ko
"Ano naman yon?" I ask
"Yong mga mata ko" he said then he look at me at kumindat
Pakiramdam ko nag taasan ang balahibo ko sa ginawa niya napaiwas tuloy ako ng tingin. Paano niya kaya nalaman? ganoon ba ako ka-obvious?
"B-bakit ako maiinggit sa mata mo ha? eh may mata rin naman ako ah! mas maganda pa kesa sayo!" depensa ko
"Sus! bakit may sinabi ba kong wala kang mata? haha patawa ka talaga" he smirk "Ang sinabi ko lang mas maganda ang mata ko tsk.tsk.tsk. napaka deffensive mo hahaha!"
Oo nga naman? bakit ba kasi ang deffensive ko? totoo kasi huhu
"Tss.. edi ikaw na!" asar kong sabi, ginulo niya naman ang buhok ko sinamaan ko siya ng tingin, nginitian niya lang ako
"Alam mo ba ang pinaka favorite ko sa parte ng mukha ko?" napalingon ako sa sinabi niya, kailangan may ganon pa? o para makapag yabang lang?
BINABASA MO ANG
In his shoes
Teen Fiction"Lahat ng bagay may katapat na halaga even Happiness" -Jee Ann Acosta "Money can buy anything that you might need, but there's one thing that money can't buy even the richest person in the world, it's called H.A.P.I.N.E.S.S" -Mervin Enderez SINO...