Jee Ann POV
Pagabi na hindi pa din namin mahanap ng mga tauhan namin kung nasaan si mervin nakapag bigay nadin ako ng statement regarding sa incident naibigay nadin namin sa tauhan ni Tito Henry daddy ni chammy yong copy ng CCTV footage kanina. I ordered Secretary Uy na madali niya 'yong ipa-broadcast at willing ako magbigay ng pabuya sa makakapagturo saakin kung nasaan si mervin.
Kinilabutan ako ng makita ko sa CCTV footage na may lalaking nag spray ng pam-patulog doon sa guard namin sa gate, nakaitim yong lalaki at may takip ang mukha niya kaya hindi namin nakita kung sino iyon, kitang kita ko kung paano niya bitbitin si mervin na walang malay na parang sako ng bigas. Sa totoo lang nakaramdam ako ng takot sa nangyari sino naman kaya ang maglalakas ng loob para pasukin ang mansion namin? at bakit hindi ito napansin ng mga nakacivilian naming guards na nakakalat sa labas? Higit sa lahat natatakot ako para sa kaligtasan ni mervin, unang una dahil alam kong hindi maganda ang lagay niya bago ko siyan iwan sa garden, pangalawa may kumuha sakanya.
I'm completely blaming myself kung bakit siya ngayon nawawala, kung hindi ko ba siya iniwan kanina hindi siya mawawala? Kung sana hindi ko siya iniwan kanina kasama ko pa rin kaya siya? Napaisip din ako baka nauulit nanaman ang nangyari noong bata ako, may nagtatangka nanaman bang kidnapin ako at gawan ng masama? dapat pa ba kong magpasalamat dahil siya ang nakuha at hindi ako? Ang dami kong tanong sa isip ko pero ni isa walang nasasagot. Aiiiisssshhhhh!!! Napasabunot ako sa sarili ko sa sobrang inis na nararamdaman ko.
Si mervin ang saviour ko tuwing na t-trouble ako pero sobra naman ata kung pati yon pag daanan niya dahil saakin? Baka kung anong gawin nilang masama kay mervin.. natatakot ako para sa kaligtasan niya.. Wala siyang kinalaman sa buhay ko pero ano to? Hindi matigil ang pag agos ng luha ko sa pag aalala hindi na ata matatahimik ang damdamin ko hanggat hindi ko siya nakikita mismo sa harap ko, sumasakit nadin ang ulo ko sa sobrang dami kong iniisip.
"Bakit siya pa? *sobs* ako dapat yon eh! Ako naman ang kailangan *sobs* nila diba? *sobs* bakit si mervin pa?" dapat ako yong nandon hindi siya TTT_____TTT
Sorry mervin, dapat noong nagpaalam ka pa lang pinayagan na kita, dapat hindi na kita pinag stay pa dito. Kung alam ko lang na mangyayari to sana hindi na ko nagpakaselfish para lang mapasaya ko ang sarili ko, kung kaligtasan mo naman ang magiging kapalit
Naiinis ako sa sarili ko "Bawal na ba ako *sobs* maging masaya? bakit ang laki ng kapalit ng *sobs* tuwang naramdaman *sobs* ko kanina? *sobs* bakit si mervin yong kapalit?" sobrang malas ko na ba? pati mga malalapit saakin nadadamay na? ang sakit sa damdamin na wala man lang akong nagawa kanina feeling ko ang useless ko! Bawat segundong dumaraan parang patalim na kutsilyong unti unting dumidikdik sa puso ko, bakit kailangan siya pa? Kanina pa ako iyak ng iyak dito sa kwarto ko hindi ko na alam kung ilang drum na ang naubos kong luha sa kakaiyak.
Kalahating oras palang mula ng tumawag ako kay chammy nagpadala ng tauhan si tito henry dito para alamin yong nangyari pinilit ko lang i-compose yong sarili ko kanina para makapagbigay ng statement dahil alam kong kailangan yon. Hindi ko rin inaasahan ang pag dating ni camz, krizza , greg at brix dito dahil si chammy lang ang pinagsabihan ko, lahat sila nag aalala kay mervin parang wala akong mukhang maiharap sakanila dahil ako ang kasama niya kanina pero hindi ko alam ang nangyari, halos masabunutan pa ako ni camz kanina sa galit niya, alam ko naman na kahit engaged na sila ni greg malaki ang pagka gusto niya kay mervin, pero kung sakaling hindi siya pinigilan nila greg at iza sa pagsugod saakin, kung sakali man natuloy yon wala din akong balak lumaban dahil iyon din mismo ang gusto kong gawin sa sarili ko dahil wala akong kwenta! kasi hinayaan kong dukutin siya sa loob ng pamamahay ko. Akala ba nila madali para saakin yon? kung pwede ko lang iparamdam sakanila tong sakit na nararamdaman ko ginawa ko na but I can't. Kung alam lang nila ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil bukod sa kaibigan ko 'yong tao ---- mahal ko 'yong lalaking yon! lahat ng nararamdaman nila walang wala yon kumpara saakin.
BINABASA MO ANG
In his shoes
Teen Fiction"Lahat ng bagay may katapat na halaga even Happiness" -Jee Ann Acosta "Money can buy anything that you might need, but there's one thing that money can't buy even the richest person in the world, it's called H.A.P.I.N.E.S.S" -Mervin Enderez SINO...