15
Pamie
"PAMELA, may sundo ka ata!" kinikilig na sabi sa akin ng mga kaklase ko. Nginitian ko lang sila at dinampot ang mga notes at agad lumabas ng classroom.
Naglakad ako palapit sa gate at napakunot noo nang makita si Dark na nakasandal sa sasakyan. He'swearing a glasses and I can see how girls drool over him. Naglakad ako palapit sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Tinanggal niya ang sout na sunglasses at ngumisi. "Picking you up? I guess?"
"Hindi naman kailangan—"
"I just want to make sure that you're not going back to that club, Pamela." Binuksan nito ang front seat at inilahad ang kamay.
Huminga ako nang malalim at napa-iling. Hindi ako nakapag-paalam nang maayos sa club at gusto ko sanang pumunta para sabihing aalis na ako bilang waitress.
"Hindi ako sasama, Dark." Nilagpasan ko siya at dire-diretso akong lumabas ng gate.
"Babalik ka doon?" Dark asked, furrowing his eyebrows.
I nods. "Oo, magpapaalam ako nang maayos."
"But—"
"Bye, Dark!" Mabilis na sumakay ako sa tumigil na jeep.
I just really want to say goodbye to them. Kitang-kita ko ang pag-aalala ni Boyfriend kagabi kaya ayokong gumawa pa ng ikagagalit niya.
Nang huminto ang jeep ay bumaba ako at tumungo sa pinto ng club. Maaga pa kaya sarado pa iyon. I knocked on the backstage's door. Ilang segundo nang bumukas iyon at bumungad si Helga na mugto ang mata.
"Helga!" I greeted her. Bahagya ko siyang niyakap pero agad niya akong tinulak palayo.
"I have to go—"
Hindi natapos ang sinasabi niya nang bigla siyang dumaosdos. I was stunned for a few seconds before I tried to carry Helga. Namumutla siya at pawis na pawis.
"Help!" I screamed.
Bumukas ang pinto ng backstage at lumabas si Andrea na nalalaki ang mata. Agad naman siyang humingi ng tulong at mabilis na tumakbo palabas. I was trembling hard. Helga looks tired. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba nang may maramdaman akong malagkit na bagay.
"B-blood?" I stuttered.
Umigik si Helga at pinilit tumayo. "Ang..ang b-baby ko."
My jaw dropped in shocked. Dumating si Andrea at nagulat ako sa kasama niya. Dark is standing in front of us. Walang sabi-sabing binuhat niya si Helga at isinakay sa kaniyang sasakyan.
"What happened to her?" Dark asked me.
"Hindi ko alam. Bigla na lang siyang hinimatay then she bled!" Sumakay kami sa sasakyan niya. Andrea decided to drove while Dark carry Helga.
Ilang minuto nang marating namin ang ospital ay agad kaming lumabas. Andrea parked the car first. Sinalubong kami ng stretcher at agad inasikaso si Helga na half-awake na.
Umupo kami ni Dark sa isang bench at inaantay ang doktor na tumingin kay Helga.
"Are you okay?" He asked.
Tumango ako. "O-oo."
Hinawakan ni Dark ang kamay ko pero mabilis ko iyong inalis. He sighed and shake his head. Sabay kaming napatayo nang dumating ang doktor.
"Are you the father—"
"No!" saad ni Dark na nanlalaki ang mata.
Huminga nang malalim ang doktor. "Look, Mister. It's not the right time para itanggi ang ganitong bagay."
![](https://img.wattpad.com/cover/95736967-288-k392088.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind Every Scars [COMPLETED]
General Fiction(YSA SERIES) If breaking her ex-girlfriend's family is the only way to get her back on his arms, Hugo Caspian will gladly and full heartedly do it, without second thoughts. But not until he met his ex-lover's sister Pamie who suddenly joined the pi...