3
Pamie
"PAMIE, bilis!"
Hingal na hingal na ako pero kailangan kong ipanalo ang elimination round ng track and field na ito. Rinig ko ang cheers at hiyawan ng mga kaklase ko kaya mas lumalakas ang loob kong tumakbo.
Mas binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa marating ko ang finish line. I maybe not the first place but third place is not bad at all. Nanghihina akong naupo sa field at hinahabol ang aking hininga.
"Pamie! Kasali ka na sa next round! Ang galing mo!" masayang sigaw ng Coach ko.
Tumawa ako at tumayo sabay sumuntok pa sa hangin. Ang galing ko talaga, buti na lang at nakapag-ensayo ako nang mabuti bago sumalang. I should tell this success to my boyfriend.
Naglakad ako papunta sa bench kasama ang coach ko para hintayin ang anunsiyo ng palaro. Kinawayan ko ang mga kaibigan ko na all support sa akin, sa kabilang side naman ay sina Ate Pau at ang asawa nito na mukhang bagot na bagot na si kuya Jake.
"Ang galing mo, Pamie." Nginitian ko lang si Coach at itinuon ang pansin sa maliit na stage.
Nagsisimula na ang anunsiyo at kabog nang kabog ang dibdib ko. Happiness is really an extraordinary feeling.
"...and the third placer is! Miss Pamela Hidalgo!"
Palakpakan ang mga tao kaya kilig na kilig akong tumakbo palapit sa mini stage at umakyat roon. Malawak ang ngiti ko nang isabit sa leeg ko ang medalya. Another achievement this year and more to come.
Matapos ang awarding ay lumapit ako kanila ate at niyakap siya nang mahigpit. Ate Pauline will always be my number one fan and supporter.
"Congrats! Pamie!" she said cheerfully.
"Salamat ate—"
"Halina kayo, ang init-init dito," reklamo ni Kuya Jake.
I sighed. Ewan ko ba dito kay Ate Pau kung ano ang nakita sa asawa niya. Kuya Jake is always bored and preoccupied when I'm around. Ayaw niya ata talaga sumama dito at napilitan lang.
"Mauna na kayo sa restaurant. May tatawagan lang ako," ani ko at bahagyang lumayo.
Kinuha ko ang aking cellphone mula sa bag ko na iniabot ni Ate Pau. Ilang segundi lang at sinagot na niya agad ang tawag ko. Ready na ang tili ko kaya nang sagutin niya ay sinigaw ko talaga.
"Boyfriend!" tili ko at tumalon-talon pa.
"What the fuck, Pamie?! Are you trying to make me lose my eardrum?!"
I chuckled upon hearing his annoyed voice. Kinagat ko ang aking ibabang labi at hinawakan ang aking medalya. I'm so excited to tell him about my achievement.
"Guess what, Boyfriend!"
"I don't have time for this, Pamie. Bye—"
"Sandali!" Habol ko pero nawala na ang tawag. "Hello? Hello boyfriend?"
Napayuko ako at napanguso na lamang. "I won the third place, Boyfriend..."
Baka busy talaga siya..
I took a deep inhalation before turning my back and plaster my sweetest smile. Naglakad ako palapit kanila Ate na hinintay pala ako. Simangot to the max na si Kuya Jake kaya kinalabit ko si Ate.
"Bakit ang sungit niyang asawa mo," I whispered.
Ate chuckled. "Pagod lang siya, Pamie."
Nagkibit-balikat na lang ako at sumunod hanggang marating namin ang isang restaurant kung saan naka-reserve na pala ang table namin. Umupo ako sa tapat nila at hinintay ang pagkain.
BINABASA MO ANG
Behind Every Scars [COMPLETED]
Narrativa generale(YSA SERIES) If breaking her ex-girlfriend's family is the only way to get her back on his arms, Hugo Caspian will gladly and full heartedly do it, without second thoughts. But not until he met his ex-lover's sister Pamie who suddenly joined the pi...