6
Pamie
MALAKAS ang kabog ng puso ko habang palabas ng building ng Riguera Heights. Nakasout na ako ng disenteng damit bitbit ang jacket ni Hugo. Tinapon ko na rin ang nighties na ginamit ko kanina.
"Ma'am log po muna kayo ng out," ani ng gwardiya. I have no choice but to log the exact time I came out.
Nang tuluyan na akong makalabas ay pumara ako ng taxi. Nasa loob na ako pero hindi pa rin humuhupa ang malakas na kabog ng dibdib ko. Wala sa loob na hinaplos ko ang aking labi at napaigik nang mahawakan ang maliit na sugat.
The way he kissed me a few moments ago was like he's hunger for my lips. Hinaplos ko rin ang leeg ko na kinagat niya. It will mark, I'm sure.
Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa kabaliwang pumasok sa isip ko.
Nasa elevator ako nang pumasok sumabay ang mga kalalakihang hindi ko kilala. They're are all head turners and panty dropper. Mababango rin sila pero mas mabango pa rin ang boyfriend ko.
Hindi ko sila pinansin dahil hindi rin naman nila ako pinapansin. But a single word caught my attention.
"Si Moreau?" ani ng lalaking may hikaw sa tenga.
"Tama ka, Greg," sagot ng lalaking may sout na salamin.
"May babae na akong inupahan para paligayahin si Hugo," saad ng isang lalaki na nakangisi.
And that makes me even more curious. Iisa ang Hugo na sinasabi nila at ang Hugo na boyfriend ko. They're planning to send him a whore?! That's not right!
Nang tumunog ang elevator at nagsilabasan sila ay sumunod ako. Tama ang hinala ko, si Boyfriend nga ang tinutukoy nila. I need to sabotage their plan. Ilang minuto akong naghintay nang may isang group ang lumabas mula sa elevator.
Kumunot ang noo ko nang makita ang dala nilang malaking box at mas lalong kumunot ang noo ko nang makita ang isang sexy na babae. Umuusok na ang ilong ko sa galit. No one's gonna touch my boyfriend!
"Ikaw!" Sugod ko sa babae. Nagtaas siya ng kilay.
"Bakit?" anito at nameywang. Magkasing laki lang kami at magkasing katawan.
![](https://img.wattpad.com/cover/95736967-288-k392088.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind Every Scars [COMPLETED]
Ficción General(YSA SERIES) If breaking her ex-girlfriend's family is the only way to get her back on his arms, Hugo Caspian will gladly and full heartedly do it, without second thoughts. But not until he met his ex-lover's sister Pamie who suddenly joined the pi...